1

123 4 3
                                    

"Bakit hindi na lang Sun Rice pangalan ng karinderya?" Suggest ko sa barkada.

Nakita kong humigpit ang kapit ni Adie sa kutsilyo. Napabuntong-hininga na lang. Ang bilis talagang mainis ng isang ito. Ang aga-aga, galit ang pinapares sa kape imbes na tinapay. Ayaw niya iyon? Start your day with new ideas?

"Cute naman." Pag-ayon naman ni Mars.

"Kaya chine-check ko lagi kung dinadagdagan mo ba ng betsin kinakain mo. Magmumukha na tayong joke, Al. Baka sumikat tayo bigla dahil naging meme.."

"Meme publicity is still publicity. Cute naman di ba, Mars?" Mas lumaki ang ngiti ko nang tumango ang favorite friend of the day ko.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ni Adie. Sus, alam kong iniiba niya ang usapan pero parang um-effect naman dahil gusto ko nang humiga sa kwarto na solong-solo ko ngayong umaga.

"Kapagod kagabi, ang daming deadlines. Ang daming pinapagawa si Madam. Akala ko, tasks for the week. Tasks for the day pala!"

"Resign na yan."

"Gaga ka Mars. Parang wala naman tayong pinapadalhan sa probinsya. Nagpaparinig na nga ng laptop ang mga kapatid ko habang si ate, hindi pa nakakabili ng casing at screen protector." Tinabunan ko ang mic sa phone ko sandali para di siya magtampo at hindi marinig ang susunod na sasabihin ko. "Huwag ka munang sumuko, ha. Hindi kita papapalitan at pagtataksilan. Promise."

Napatingin ako sa malaking crack sa screen. Nung una, hindi pa ako mapakaling may malaking crack sa gitna. Ngayon, natuto nang mag-adjust ang mga mata ko. Aba, minsan, nakiki-blend in na nga rin sa scene. Akala ko pa may effect, may defect pala.

"Matulog ka na bago pa umingay dito." Bilin niya sa akin.

Napasimangot ako. Gusto ko pang makipag-bonding sa kanila pero matindi talaga ang pangangailangan. Ginagawang umaga ang gabi.

Para sa kumakayod, wala na halos pero-pero kung walang pera. Hindi na kailangan itanong kung para kanino bumabangon.

Naghahanda na ang dalawa sa pagbubukas ng karinderya. Mamaya na lang ako tutulong sa paghuhugas. Kayang-kaya naman nila. Nakakatampo nga minsan. Baka hindi na ako kailangan.

"Tulog na ako ha."

"Althea, baka maka-bake daw tayo ng butterscotch. I-text daw natin si Kelsey."

Biglang nag-ring sa akin ang pangalan. Pansamantalang nawala ang antok ko at imbes na nakatayo na, umupo ako ulit. "Talaga? Huy, baka naman may kasamang gwapo ha. Gisingin niyo ako in advance para alam niyo na, matanggal ko man lang ang muta sa mga mata. Kahit walang makeup, skincare na lang muna."

Parang anong kilabot naman ang sinabi ko na sabay pa akong tinitigan ng dalawa.

"Alam mo, ikaw. Dapat natutulog ka na lang, eh." Nakaturo pa ang sandok sa akin habang nagsasalita si Mars.

"Hindi ako magkaka-jowa kung matutulog lang ako, Maria Lucia Felicidad."

Itinuro-yuro niya pa rin ang sandok sa akin. Dapat talaga, naging judge na lang itong kaibigan ko. "Kahit gising ka pa 24 hours, hindi ka pa rin magkaka-boyfriend kung dito ka lang pumipirmi."

"Ang harsh ha! May mga gwapo naman tayong customer, no. Si Kelsey nga, galing diyan sa mayamang village pero na-gayuma sa mga bini-bake natin. Walang imposible dito, Mars. Tayo lang to, the Sunshine."

"Tulog na uy. Mahal magpa-hospital." Parang langaw lang akong inaabog ni Adie. Aray ko naman. Hindi ba nila ako namiss kabonding?

"Eto naman. Nagpapaganda lang ng umaga, tinatakot agad ako."

"Parang hindi naman, Adie, noh?" Bulong ni Mars kay Adie.

Nagtawanan lang ang dalawa at parang naging hangin na lang ako sa paningin nila. Matutulog na nga talaga ako. Maya-maya nito, siguradong mainit na ang hanging ibubuga ng electric fan.

"Althea!"

Napalingon ako.

"Paki baliktad ng sign!"

Sandaling napako ang tingin sa labas. Ang ganda ng langit, mainit pero hindi pa nakaka-sunburn.

Tapos... tapos... may magandang sasakyan na nakapark. Napanganga ako. Iyong rays ng sun ay bumabanda sa kotse kaya mas lalong kumintab. Hindi ko alam anong brand pero may mukhang trident.

Bumaba mula sa driver's seat ang lalakeng nagpaganda lalo ng umaga ko. Kaunting ayos ng buhok. Check din ng mata. Baka pwedeng tumawad na hindi lang umaga ko ang pagandahin niya.

"Uhm," mahinang tawag ko. Mukhang may problema kasi. Nakasimangot. "May problema ba?"

Valid naman siguro. Andito siya sa harap ng karinderya. Kung may trespassing, siya iyon. Concerned citizen lang ako.

Nung lumingon sa direksyon ko, ngumiti naman. Naks. Good sign. Hindi suplado.

"No. It's fine. I just needed to check something. Sorry sa distorbo."

Ang ganda ng boses. Ang sarap pakinggan ng english. Napaka-natural ng pag-roll sa dila. Takot ko lang na bumigay ang tuhod ko at mag-propose bigla sa kaniya.

"Arthur! Nasiraan ka?"

Palapit si Kelsey sa amin. Anghel ba siya o sadyang pinagpala lang talaga siya ni Lord ng natural lighting?

Nang tingnan ko si Arthur, nag-reflect ang kislap ni Kelsey sa kaniyang mga mata. Isang linya pa lang nasabi ko, basted na agad ako?

"Everything fine?" Tanong niya.

Dahan-dahan ako napa-atras dahil obvious na obvious na hindi naman ako kailangan.

"Ay, anak ng tipaklong!"

Napahawak ako sa likod ko. Tapos sa balakang ko. Ang sakit! Di ako pwedeng ma-injure! Sabi nga ni Adie, mahal magpa-hospital.

Paglingon ko to the right, nakita ko ang nakabangga sa akin. Biglang may natural healing na nangyari sa katawan ko. Ang gwapo! Kahit pinagpapawisan, hindi mabaho. Baka naman perfume ang pawis nito?

Ganito ba talaga pag umaga? Ang daming gwapong dumadaan? Kaya pala hindi ako nagkaka-jowa. Nasa paligid lang sila kapag tulog ako. Tama nga iyong sinabi ko kanina.

"Sorry." Maikling sabi niya bago tumakbo na papalayo.

Ay, hindi. Hindi ko na bet. Ang suplado. Hindi para sa mga taong madaldal tulad ko ang mga lalakeng one-liner tulad niya.

It's a sign. Matulog na daw talaga ako.

Ray of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon