"Panay alis mo, Al." Pansin ni Adie. "May date ka no?"
Hindi man nagsasalita si Adie, pareho naman silang kung makatingin sa akin ay parang pilit nilang binabasa anong nasa isip ko.
Hindi na ako na-conscious kasi, hindi din naman totoo. Simula nung bumalik ako ay hindi naman ako nagme-mention ng jowa related. Di tulad noon na panay ang hingi ko sa kalangitan. Kaya siguro akala nila ay may dine-date na ako. Porket natahimik, nakahanap na? Hindi ba pwedeng napagod na? Ha-ha.
Noon, akala nila may iniwan akong jowa sa America. Ngayon naman, parang suspetya na ata nila ay Pinoy ang boyfriend ko. Hayaan ko kaya silang mag-isip ng ganyan para magamit din nila ang kanilang mga imahinasyon?
"Wala, ah." Kalmadong deny ko na wala namang epekto kasi halatang hindi naniniwala ang dalawa. Halatang-halata sa mga mukha. Hay nako. "Wala nga!" Ayan, may bahid na ng pagka-defensive.
"Okay." Parang baliw na sabi ni Adie. Parang mino-mock pa ako ng loka.
"Okay. I have a confession." Sasabihin ko na nga lang para matigil na 'to.
"Sinasabi ko na nga ba! Iba talaga ang kutob ko!"
"Hindi ganun, Mars."
Kahit naririnig naman nila ako, Lumapit pa rin ako sa kanila. Nanunuyo ulit ang lalamunan ko. Seryoso? Sa weather ba 'to o talagang nauubusan ako ng laway kapag tensyonado?
"Ano iyon? Bilis. Excited na ako." Nagmumukhang bata naman itong si Adie. Lalo na sa suot niyang pajama na may mga picture ng stars. Paatras ata ang fashion ng babaeng 'to.
"Iyong ka-meet ko lagi..." panimula ko. Tiningnan ko mun silang dalawa. Para may suspense. Hahayaan ko muna silang nag-isip sandali na may jowa nga ako kahit zero as in olats naman ako sa love life.
"Bilisan mo, girl." Pilit na nginitian ako ni Adie. Aba, mukhang magagalit na. "Baka hindi na aabutin ng pag-amin mo ang pasensya ko. Naku, naku."
"Fine! Sasabihin ko na. May inaasikaso ako kasama iyong abogado ni Tiyang. Tsaka parang touring na rin sa mga ari-arian niya."
Hindi gumalaw ang dalawa kahit tapos na akong mag-share. May ini-expect pa sigurong kasunod. Paano ba, eh, iyon na iyon.
"Ari-arian ko, technically. Kasi akin na pala iyon ngayon." Pahabol ko.
"Klaruhin ko lang. Wait. Teka lang. Summarize natin para iwas bardagulan. Ibig sabihin, mayaman ka na. Ganun?"
"Uhm..." nahihiya pa akong tumango pero totoo naman. "Hindi naman mayamang-mayaman. Parang, I have enough."
"Mga linyahang iyan! Ganyan mga linya ng mga mayamang-mayaman! Iba ka na talaga, Al. Libre ka naman diyan!"
"Che!" Agad na nampipikon pa ang Mars. Kakasama nito kay Adie, lumuwag na din turnilyo sa utak. Kailangan ko na talagang bumalik para maging balance na kami at umayos na ang lahat. "Ikaw nga, nakita ko may orange na paper bag na nakatupi sa cabinet mo. Akala mo, ha!"
Laglagan na kung laglagan!
"What paperbag?" Tanong ni Adie kay Mars.
"At saka, ikaw."
Nanghahamon ng tingin sa akin si Adie.
"At saka, ikaw? Adie? May gusto ka bang sabihin?" Pahabol ko. Wala naman akong panakot sa isang 'to. Alam lang namin may kinikita tuwing Thursday noon pero sobra taon na ang lumipas, wala man lang sinabi. Minsan, feeling ko may date. Minsan, feeling ko nasa prayer meeting at naghahanda nang maging madre.
"Sige na nga lang. May sasabihin na lang din ako."
Shet, may sasabihin nga siya? Totoo palang laglagan ito.
BINABASA MO ANG
Ray of Sunshine
General FictionMga bilihin lang ba ang pwedeng magmahal? Gusto din kasi sanang kiligin ni Althea. Slice of life sprinkled with romance.