"Hindi ka pa nakaka-kain ng taho?"
"Why? You make it seem like it's some sort of a mortal sin."
"Which is true naman!" Kulang na lang ay alugin ko ang ulo ng lalakeng ito. Halos araw-araw kong naririnig ang sigaw ni Manong na Taho! Taho! Tulog pa ako niyan, ha.
"Why are you so surprised? Pwede namang bumili next time."
"How about ano," Ano ba iyan. Napapa-english na din ako ng wala sa oras. "Nakatikim ka na ba ng balot?"
"What's balot?"
Akmang sasapakin ko na ang loko nang mapatawa siya. Aba! Ginagago niya ba ako?
"Biro lang. I did and it was good. Still, not something I would always have."
"Naku, akala ko talaga makaka-sapak ako ng tao." Tawang-tawa pa rin siya na parang ang benta ng joke ko. "Ang saya ha. Buti naman masaya ka. Sana lahat." Sarkastiko kong sabi.
"I'm very glad you went here with me."
Pick-up ang sasakyang dala ni Yael ngayon. Hindi na ako na-shock at hindi na ako nagtanong kung sa kaniya ba iyon. Hindi din ako nabigla nang mag-aya siyang umalis, huminga.
Kailangan ko din naman ng time na ito. Napaka-stressful ng buong linggo. Iyong utak at katawan ko talaga ang parehong kulang sa break.
"Masaya din akong sumama ako sa iyo." Galing iyon sa kaibutoran ng puso ko. Buong puso akong nagpapasalamat sa kaniya.
"Why do you sound like that?"
"Na ano?"
"Sentimental? Like your saying goodbye?"
"Ewan," sagot ko. Napatingala ako sa langit. Bakit walang bituin ngayon? "Kasi parang roller coaster ride itong nakaraang linggo. Gusto ko lang pasalamatan ng buong-puso iyong mga taong kinakamusta ako."
Hindi siya makasagot. Hindi niya siguro ako maintindihan.
"Alam kong maliit na bagay lang iyon para sa iyo pero para sa akin, nakakagaan na ng loob ko. Minsan akala ko, wala ako sa isip ng ibang tao. Na iyong buong existence ko ay para lang sa iba. Salamat kasi tuwing nagte-text ka sa akin at sinasabihan mo akong everything will be better later, pakiramdam ko talaga, magiging totoo."
Nagpipigil ako ng iyak. Totoo kasi. Hindi naman panay ang text niya. Iyong tama lang na hindi nakaka-pressure sagutin. Hindi man ako nakaka-reply, binabasa ko lahat iyon. Tinititigan ko pa nga.
Parang gusto ko na lang din maniwala na magiging better din ang lahat, pagdating ng panahon.
Nagulat si Yael nang yakapin ko siya ng mahigpit.
Hindi na ako malungkot. Hindi na muna ako malulungkot.
Gulat man ay niyakap din niya ako pabalik. Ramdam ko ang hininga niya sa may leeg ko. Totoo nga siya. Hindi panahinip lang.
Parang nababaliw na ako minsan na iniisip ko baka imaginary character lang si Yael sa isip ko.
Tinitigan ko siya ng matagal. Gusto ko i-memorize ang mukha niya.
Pagkatapos kong aaminin sa sarili ko na mahal ko siya. Bago ko rin pipilitin ang sarili kong kalimutan ko na ang ideyang may magiging kami.
"Ang gwapo mo talaga." Sabi ko nung wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Ang lamig ng kamay ni Yael, parang yelo.
Habang hawak niya ako, hindi mawala-wala sa isip ko ang kamay ng ibang babae na pakakasalan niya. Alam kong napilitan siya pero alam ko ding gagawin pa rin niya.
Naiintindihan ko.
Akmang lalapit siya ng lumayo na ako.
"Uy, may ie-edit pa pala ako!" Bigla kong nabanggit kahit hindi naman totoo. Medyo nabigla lang ako.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Bakas ang pagsisisi sa mukha niya. Iyon nga din ang iniisip ko.
Kaya hindi pwede kasi pareho kaming magsisisi sa huli.
Pareho kaming tahimik sa byahe. Hindi ko alam kung bakit hindi makatingin si Yael sa akin habang ako naman, panay ang nakaw ng tingin sa repleksyon niya.
"Salamat sa paghatid." Halos ibulong ko na nang makarating na kami sa harap ng karinderya.
"Thank you for tonight, Althea." Sabi niya. Ngayon naman ay nilulunod na ako sa lalim ng tingin.
"Ano ka ba. Ako naman iyong nagpalibre." I tried to lighten the mood.
Napatawa kaming dalawa.
"Yael, salamat."
Hinintay kong makaalis siya hanggang sa hindi ko na makita ang anino ng sasakyan niya.
Narinig kong nagtatawanan pa ang barkada sa kusina habang hinahanda ang lulutuin bukas.
I hugged Mars.
"Drama nito."
"Bakit? Hindi pwede maging sweet?" Sabi ko.
Parang naiintindihan ako ni Adie. Napatigil siya sa pagtadtad ng manok.
"Hayaan mo na 'yan."
"Bakit ang weird niyo ngayon? Parang may hindi ako alam. Ano 'to? Magtatampo na ba ako?"
"Alam mo?" Tanong ko kay Adie.
"Hindi pwedeng hindi ko mapansin iyong mga maleta sa kwarto."
I pouted. Pinipilit na hindi umiyak.
"Naalala niyo iyong tiyahin ko sa America?"
Nagsimula akong magkwento tungkol sa offer niya. Nung sabihin niyang handa siyang gumastos para sa akin.
"Bakit ngayon mo lang to sinasabi? Tapos bukas na ang alis mo?"
"Ayaw kong maging malungkot habang naghihintay ng flight. Alam niyo naman, ayaw ko ng drama."
Parang nagtatampo pa rin si Mars. Di bale, alam kong maiintindihan din niya ako.
"Hindi naman ako aalis forever ano ba kayo."
Hindi ako makapaniwalang malapit na siyang umiyak. Walang hiya talaga itong si Adie dahil mukhang tinatawanan pa ang kaibigan naming napaka-seryoso.
"Paano na iyong Sunshine Eatery?"
"Syempre, atin pa rin. Kasali pa rin ako. Bakit? Pinapa-alis niyo na ako?"
Napag-usapan na namin ni Adie, at first kung ano ang magiging role ko sa karinderya. Hindi pa ako sigurado nun pero pakiramdam ko, alam niya nang aalis ako.
Mas alam niya pa siguro kaysa sa sarili ko.
Babalik pa rin naman ako. Gusto ko pang bumalik. Gusto ko pa rin silang makasama. Pero iyon lang talaga. Kailangan ko lang munang umalis ngayon.
"Sino nang manghuhugas ng plato?"
"Alam mo, walang hiya ka talaga, Adie." Sabi ko habang hinampas siya ng nakuha kong patola sa lamesa.

BINABASA MO ANG
Ray of Sunshine
General FictionMga bilihin lang ba ang pwedeng magmahal? Gusto din kasi sanang kiligin ni Althea. Slice of life sprinkled with romance.