11

30 5 1
                                    

"Anak, iyong tatay mo."

Namanhid ang buong katawan ko habanh nakikinig kay Nanay. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa hospital o kung kailan ako bumiyahe. Nakikinig naman ako sa doktor pero hindi ko pa lubos na maintindihan ang nangyayari.

"Anak, pahinga ka muna. Hindi ka pa natutulog simula nung dumating ka."

Tama. Pahinga. Hindi pa pala ako nakakatulog, kaya siguro parang nahihilo ako ngayon.

"Adie, sorry. Hindi ako nakapag-paalam."

"Ha? Nagpaalam ka naman. Hinatid ka pa nga namin sa terminal."

Hindi ko na maalala.

"Al, matulog ka muna. Please. Hindi ka okay. Huwag kang mag-alala dito. Kami na muna ang bahala."

Hindi pa ako nakakapagpahinga pero hindi ko pa ramdam ang pagod. Pakiramdam ko, palutang-lutang lang ako sa ere na hindi alam anong ginagawa at hindi alam saan papunta.

Gusto kong magalit. Inatake sa puso pala ang tatay dahil palagi na lang umiinom. Nag-aalala ako pero sana naman, inalagaan niya ang sarili niya.

Nakaramdam na ako ng antok paghiga so kama.

Yael calling...

Hindi ko pa kaya. Hindi ko na kayang makipag-usap sa kaniya.

Sinampal na talaga sa mukha ko ang katotohanan kung gaano ka-iba ang mundo namin. Hindi si Yael ang tataong mapagsasabihan ko ng problema ko.

From: Yael

"Althea, is everything fine?"

Hindi niya ako maiintindihan. Baka gustuhin niyang subukan pero kahit na, hindi niya ako matutulungan.

Akala ko pa naman, ako na.

Hindi pa rin pala.

Hindi ko pa rin pwedeng piliin ang sarili ko.

Parang tangang nakatingin lang ako sa kawalan. Hindi pa nga nagsi-sink in lahat ng ito, kailangan ko ng bumalik para magtrabaho. Gustuhin ko mang magtrabaho in my own terms, syempre, hindi pwede. Kung gagawin ko iyon, talagang masisisante ako ng tuluyan. Kahit gaano ko pa galingan sa trabaho at kahit na ilan pa ang naging tama ko, isang pagkakamali lang ay pwedeng-pwede akong palitan.

Buti naman at okay na ang tatay. Kailangan niya na daw talagang tumigil sa pag-inom. Dapat nga, noon pa. Kailangan pa atang mag-agaw buhay bago tuluyang magbago.

Isang malalim na buntong hininga.

"Hello po, Tiyang." Napakunot noo ako pero hindi ko pinahalata sa tono ko. Bakit tumatawag ang tiyahin kong hindi naman nangungumusta sa amin? Iyong nanay ko nga, panay reklamo bakit daw hindi nagpapadala ang tiyang. Wala namang obligasyon iyong tao na suportahan kami. Nakakahiya.

"Kamusta tatay mo, Al?"

"Okay na po tiyang. Salamat sa pangungumusta."

"Ikaw? Kamusta ka na?"

Nakakapanibago na sa simpleng pangungumusta ay natunganga ako. Syempre, hindi ako magsasabi ng totoo.

Akmang sasabihin kong okay lang ako nang nagsalita siya. "Alam kong hindi ka okay. Nakwento na sa akin ng Ninang mo. Chismosa iyon pero alam kong nagsasabi ng totoo."

"Hindi po tiyang. Okay lang po talaga ako."

"Hindi ba totoo na nabaon kayo sa utang tapos ikaw daw ang nagbabayad?"

Ang Ninang Ami talaga. Pati ba naman kwento ng utang namin, pina-abot pa ng Amerika.

"Okay na po iyon." Mahinang sagot ko dahil kahit ako, parang hindi rin naniniwala.

"Nakabuntis daw ang kapatid mo? Sinong gagastos sa panganganak?"

"Mawalang galang na po, hindi naman po ako nanghihingi ng tulong. Hindi niyo na po kami kailangan gawan ng listahan ng mga babayarin at mas lalong hindi niyo na po kailangang ipa-alala sa akin kasi, promise, kabisadong-kabisado ko na po lahat. Hanggang sa huling sentimo."

Ang bastos kong pakinggan. Napaka-walang modo. Pero kasi naman, pagod na pagod na ako. Hindi na ba ako pwedeng magpahinga? Nagpaka-layo na nga ako sa kanila, kahit na humingi ng kahit isang libo ay hindi ko magawa.

I worked hard. Hindi na ako halos natutulog. Wala nang araw o gabi sa mundo ko. Hindi ko nga mapili-pili ang sarili ko. Hindi ko ba deserve ang magpahinga kahit sandali lang?

"Huwag niyo na po muna akong kausapin tiyang, parang hindi ko rin kasi alam anong sinasabi ko. Baka pwedeng bukas-"

"Alam kong hindi ka okay dahil ganyan din ang naramdaman ko nung pakiramdam ko pasan ko ang mundo, Althea. I want to help pero ikaw lang ang gusto kong tulungan."

"Anong ibig niyong sabihin?"

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "Nakikita ko ang sarili ko sa iyo kaya makinig ka sa sasabihin ko. Pumunta ka dito. Sa Amerika. May naipon ako at alam kong mas kakailanganin no 'to."

"Tiyang, ayaw ko pong-"

"Pag andito ka na, makakapag-desisyon ka para sa sarili mo. I was once in that same position, Althea. Iyong hindi alam kung para kanino talaga nabubuhay? Sabi nila, tumakas ako. Maybe, I did. Pero sa totoo lang, pinili ko ang sarili ko. Althea... I just want you to have a choice."

Napaka-overwhelming.

"And..."

Mayroon pa pala.

"I'm dying. Don't tell anyone. Sa iyo ko lang sasabihin pero mamamatay akong walang pagsisisi. Nakakatakot pero masaya naman akong nabuhay. Iyong kaunting ipon ko, sa iyo na. Iwan mo na lahat diyan. Be selfish. Just this once."

Binaba ko ang aking cellphone.

Be selfish.

Panay vibrate ang phone ko. Nasa screen ang pangalan ni Yael. Sumunod ang pangalan ng kapatid ko. Tapos, tumawag naman si Mama.

Akala ko ba ay gusto nilang makapagpahinga ako pero bakit panay silang tumatawag sa akin?

Hinanap ko ang pangalan ng group chat namin. Si Adie ang unang sumagot.

"Bakit gising ka pa uy! Anong oras na!"

Napangiti ako. Alam na alam talaga nila anong kailangan ko.

"Adie... Magagalit ka ba pag umalis ako?"

"Mas magagalit kami pag namatay ka bigla dahil kulang ka sa tulog!" Biglang singit ni Mars.

"Deserve mo ng pahinga, Al." Seryosong sabi ni Adie. "Dito man o kahit saan. Kaya okay lang. Hindi kami magagalit."

Ray of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon