2

59 6 2
                                    

"Aba, aba. Himala. Ang aga nagising."

"Hindi pa ako natutulog."

Ayan na naman sila. Iyong isa, mukhang hahampasin ako ng sandok. Iyong isa naman, parang may balak itapon sa akin ang kutsilyo.

"Di ba, 9 ka nagsa-start? Malapit na iyon. Six hours na lang."

Si Mars, nagliligpit na ng mga pinaglagyan ng mga gamit. Si Adie, nagcha-chop ulit ng mga lulutuin para bukas.

"Sino na namang nang-away sa iyo?" Tanong ni Adie.

Napasabunot ako ng buhok. Pagod na pagod ako ngayon pero hindi naman ako makatulog. Ang hirap talaga pag stress lalo na kung tungkol sa pera.

"Hindi ko kasi alam na nangutang si Tiya Carmen. Ayun, pinapa-barangay ng pinag-utangan. Kay Papa lumapit para humingi ng tulong."

"Tapos lumapit sa iyo ang Papa mo?"

Tumango ako. Wala man lang bahid ng gulat sa mukha ng dalawa. Sanay na sanay sa drama ng pamilya naming sobra pa sa teleseryeng may isang libong episodes. Tapos, balik-balik na plot.

"Medyo malaki kasi ngayon. Ayaw ko nang isipin kung magkano. Istres. Nakaka-stress. Worth hundred thousand pesos na stress."

Nanlaki ang mga mata ni Mars. "Ganun kalaki?"

"Grabe talaga. Hindi ko naman daw kailangan mag-ambag ng ganun kalaki. Sa abot lang daw ng aking makakaya. Eh, paano kung wala akong maabot at di ko makakaya?" Gusto ko na lang maiyak. "Kaya siguro ako hindi nakakatulog kasi nagi-guilty akong ipikit ang mga mata ko. Pati pahinga ay nire-reject na ng katawan ko."

"Gusto mong kumain?" Suggest ni Adie. Galing talaga mag-isip ng isang ito. Pagkain nga naman ang temporaryong sagot sa aking kalungkutan.

"Uy, di ba magbe-bake ka? Baka naman pwedeng i-dalawang tray mo na lang. Nag-text kasi si Kelsey. May gathering daw siyang pupuntahan. Alam mo naman iyon. Nagayuma sa pagkain dito."

"Talaga? Ano daw?"

"Kahit ano daw. Pero kung available iyong butterscotch or brownies, pwede din."

Habang nagbe-bake, nakapag-destress na din ako ng kaunti. Ang gusto ko kasi sa baking, hindi kailangan ng feeling. Walang tantya-tantya sa recipe ko. Tapos iyong amoy pa, nakaka-wala ng problema kahit sandali lang.

"Magbenta na lang kaya ako ng desserts?"

"Matagal ko nang gustong i-suggest iyan, sa totoo lang. Alam ko naman kasing busy ka kaya hindi ko na lang sinabi."

Nagchikahan na muna kami ni Adie habang naghihintay na maluto ang dalawang tray ng butterscotch at dalawang tray ng brownies.

"Pang-extra na din."

"Nag-usap nga kami ni Mars. Ngayon ko na lang sasabihin sa iyo. Plano naming hanggang gabi buksan iyong karinderya. Pwede tayong mag-barbeque o ihaw-ihaw sa gabi. Okay lang?"

"Kaya ba? Diba maaga kayo masyadong namamalengke? Sorry ha, hindi na ako nakakasama."

"Okay lang, ano ka ba." Napaka-understanding talaga ng mga kaibigan ko. "Hindi ka naman naglalakwatsa no. Andun ka sa taas, nagta-trabaho rin."

"Ang sipag talaga natin." Pero nung sinabi ko iyon, gusto kong umiyak. Hindi ko pinahalata at tumayo na lang kasi saktong naluto na din.

"Huy." Nanlaki ang mata ni Mars. Para namang nakakita ng multo 'to. "Hindi ko alam na ang gwapo pala kapatid ni Kelsey?"

Pagkarinig ng salitang gwapo, may agad na tumunog sa utak ko at dali-daling sumilip sa labas.

"Ang gwapo nga?" Bulong ni Adie na hindi ko alam ay nasa likod ko pala.

Nakaupo siya sa isa sa mga upuan namin. Ang gwapo nga. Mukhang out of place kasi naka formal ng suot. Nakahawak pa nga ng mamahaling phone. Ayan tuloy, gusto ko na siyang mahalin.

"Ang bango niya." Share ni Mars. Natawa ako bigla kasi ang tipid naman kasi nito sa mga compliments.

Narinig niya siguro ang mga kababalaghang sinasabi namin dahil napatingin siya sa direksyon namin. Napatayo ako ng diretso kahit halatang kakagaling lang mang-istalk. Huli pero hindi pa naman siguro kulong.

Binigyan ko siya ng aking ultra mega super special smile, "Wait lang po, ha."

"Okay." Maikling sabi niya at saka bumalik sa pagce-cellphone.

Teka lang.

Sa tingin ko, nakita ko na siya dati.

Siya iyong nakabangga ko sa labas nung nakaraan! Iyong galing jogging. Walang pinagbago ang tsinito naming kapit-bahay. Sadyang one-liner pa rin. Ang tipid magsalita.

"Ibibigay ko muna 'to. Kasi mukhang nagmamadali." Sabi ko sa dalawang tinutulungan ako sa pagbabalot.

"Mukhang mabait naman pero hindi nagsasalita. Out na ako. I-crush mo na lang, Mars. Parehas naman kayong tahimik."

"Loka-loka. Sinong magsasalita sa amin kung ganun? Baka manuyo pa ang lalamunan ko."

Napatawa di Adie. "Eh di, bigla kang dumaldal diyan. Sige na, ikaw na bahala, Al. Sa iyo na ang korona."

Hindi naman malaki ang box kaya madali lang dalhin. Habang papalapit ako sa kaniya, amoy ko agad iyong pabango niya. Tama nga si Mars. Ang bango. Hindi masakit sa ilong. Iyong sakto lang. Pwedeng-pwede twenty-four seven amuyin.

"Sobra po." Binalik ko iyong 2,000 na sobra. Abutan pa naman ako ng 4,000? "May sukli pa nga. Wait lang."

"Sabi ni Kelsey, keep the change daw. It was an abrupt order. I apologize."

Ayan na naman ang mga english na ang natural ng roll sa dila. Ang sarap pakinggan. Sabi ko pa naman, hindi ko siya ika-crush. Baka lumiko na naman ako sa daang marupok.

"Ito na lang." Binalik ko pa rin ang dalawang libo. Ayaw ko pa naman ng overpricing. Baka di pa mag-order ulit. "Paki-sabi kay Kelsey, magsabi lang siya kung gusto niyang magpa-order."

Nung tingnan ko iyong mukha niya, namangha ako sa kinis. Uso pa ba ang skincare sa kaniya? May skin care routine naman ako pero bakit hindi ko achieve iyong ganitong level ng kinis?

Gising, Althea! Hindi magandang tumititig sa mukha ng mga gwapo. Baka sabihin, ang creepy kong tao at hindi na bumalik dito.

"I will. Thank you."

Namangha ako nang ngumiti siya. Kaunti lang. Parang umangat lang ng 3 cm iyong lips niya. Smile pa rin iyon!

Pero sumeryoso naman agad. Akala ko ngingiti na, binawi pa.

"Ha?" Tanong ko kasi bigla niya akong inabutan ng panyo.

"You-, you're-" Turo niya sa ilong ko.

Nanlaki naman ang mata ko at agad na itinaas ang ulo ko. Kumuha agad ako ng table napkin.

"Ano ba 'to." Nakakahiya! Literal na nag nosebleed?! "Naku sorry. Promise malinis iyong dessert. Hindi naman ito palaging nangyayari."

Kukuha pa sana ako ng table napkin pero hinawakan niya ang kamay kong hawak-hawak ang panyo niya. "Use it."

"Huwag! Puti pa naman!" Angal ko agad. Nakakahiya. Baka papalitan niya pag bag-mantsa. Naisip ko agad baka mag-amoy chlorine. Hindi naman siguro. Nakabili naman kami ng fabcon.

"Okay lang."

"Sorry talaga. Ibabalik ko na lang pagkatapos labhan."

"It's fine. You can take it." At parang movie star na nagwalk-out palabas ng karinderya.

Iyong panyo, hindi amoy fabcon. Parang may perfume. Ang bango. Parang siya lang. Kung wala lang itong dugo, baka hindi ko na labhan tapos hindi ko na din ibabalik.

Naisip ko lang pero hindi ko naman gagawin... Tulad ng pag backhug ko sa kaniya nung naglakad siya papalayo.

"Okay ka lang Al? Mukhang nakatulog ka na diyan." Sinundot-sundot ni Adie ang balikat ko.

"Teka lang. Kinakasal pa ako sa imagination ko."

Ang bilis talaga ng utak ko.

Ray of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon