9

31 6 3
                                    

Laking gulat ko nang tumawa ng malakas si Kelsey. Sa sobrang lakas, talagang naisipan kong tumakbo na lang palayo at tanggapin ang posibilidad na mapagkakamalan nila akong baliw. Okay na din iyon kaysa sa maging totoong baliw ako dito.

"You've officially lost your mind, Kuya."

"What?" Parang wala lang na tanong ni Yael.

Automatic na humakbang ang paa ko papa-atras nung mapansin kong papalapit si Yael. Isang hakbang lang dahil na-yelo din ako.

"Hindi ka talaga aalis?" Astig pa na hamon ni Kelsey. Kung sino pa talaga ang maliit, siya pa ang matapang.

"There's plenty of room in the kitchen."

"But no space for you here!" Agad na sigaw ni Kelsey.

Naku, magkapatid nga itong dalawa. Ganito din kami ng mga kapatid ko pero syempre, hindi in english ang away namin. Minsan nga, wala nang usap-usap. Talagang hampasan na lang. Kahit na ganun, mahal ko iyong mga nakakabata kong kapatid kahit na naalala lang ako kapag may pabor o may kailangan sa akin.

"Althea?" Tawag ni Yael sa akin. Hindi ako makapagsalita kaya itinaas ko na lang ang kilay ko. Naputol siguro ang dila ko. Ewan. "You have room for one more student, right?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo. You go away from here! This is for my friend's bachelorette party. Why would you even learn how to bake?"

"I can learn another skill." Mabilis na sagot ni Yael.

Ano bang plano nito? Bakit biglang nagpapaturo? Baka dahil hindi masarap ang luto dito. Kung ganoon, maiintindihan ko din. Kung gusto nga nila, ay bigyan ko pa ng free tutorial ng paksiw. Masarap iyon at malasa. Mangangamoy suka ka nga lang pero worth it naman.

"Shut up, Kuya. We both know that the only reason you'd go in the kitchen is when you would eat. So, why don't you leave and- wait lang. I'll take this call muna."

Naputol ang pag-tatalo nila nang sagutin ni Kelsey ang tawag. Buti na lang at hindi siya umalis!

"What? What do you mean got hit by a snatcher? Hit by a?" Mukhang iiyak na si Kelsey. Kinakabahan na din ako. "Are you fucking kidding me? Suntok? Akala ko ay nabaril na or what! What was he doing there? Okay, thank goodness. Tell him- ah, no. Huwag mo nang sabihin. Ako na ang pupunta diyan."

Hala. Mukhang aalis pa si Kelsey. Dali-dali niyang nilagay ang phone sa bag. "Arthur got into trouble. I'll visit him in the hospital muna. You take care of my friend, Kuya ha!"

Ano daw?! Nabibingi na ba ako o nag-iimagine lang. Anong sabi niya? Alagaan daw ako? Bakit may mga paganun? Hindi kasi nila alam na napaka-ilusyonada kong tao. Baka si Yael nga ang dapat mag-ingat sa akin.

Kung gaano kabilis magsalita si Kelsey, ganun din siya kabilis nakaalis. Kaming dalawa na lang ni Yael ang naiwan. Hindi pa naman nabuksan ang mga gagamitin para sa pagbe-bake sana. Aayusin ko na lang ito. Kung gusto ni Kelsey, next time na lang kami magbake at sana next time, wala si Yael dito dahil baka mawala na sa utak ko ang recipe na kabisadong-kabisado ko na.

"Kumain ka na?"

"Ah, oo. Sabay kami ni Kelsey."

"Do you want coffee?"

"Ako?" Tanong ko bilang tanga. Syempre, ako. Wala ngang ibang tao. "Huwag na-" Kumuha na siya ng tasa saka naghanda ng gagawing kape sa coffee maker. Naku, nang-istorbo pa ako ng tao. "Iyong stick na lang."

"What stick?"

"Stick na kape?" Ayan tuloy, napatanong na din ako. "Hindi siguro kayo nagi-istik. Iyong powder na pure kape lang. Ano ba, ang choosy ko ata. Huwag na, Yael. Aalis na din ako. Di bale na lang-"

Ray of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon