"Ang ganda! Nakalanghap lang ng hanging Amerika, aba, biglang gumanda!"
"So, ibig sabihin, ang pangit ko noon?" Naaasar na tanong ko kay Mars na next in running na sa pinakanakaka-asar sa amin.
"Blooming mo, Althea. Siguro, may boyfriend ka na doon, no? Foreigner ba? Blue eyes? Baka brown eyes?" Dagdag pa ni Adie.
Ewan ko ba sa dalawang ito. Nang sinundo ako sa airport, tinatrato na akong parang bagay sa museum na bawat sulok ata ng katawan ko ay inoobserbahan. Aba, pati manicured nails ko ay hindi nilagpasan! Sabi ko na lang, ako lang nag cutix niyan para makatipid! Kasi, totoo din naman.
"Kaninong sasakyan ba 'to? Mayaman na ba tayo at nakapundar na tayo ng sasakyan ng hindi ko man lang nalalaman? Hindi niyo man lang sinabi?"
Nag pout si Mars, tinuturo si Adie.
"May jowang may car?" Bulong ko.
"Baka. Nagulat din naman ako."
"Nahiya naman ako sa bulungan niyo. Baka gusto niyo magpa-music ako para hindi ko masyadong dinig."
"Eh, kanino ba kasi 'to, Adie? Share naman diyan. Isang taon tayong nagkita. Hindi ba dapat, isa sa atin ay may love life na?"
Aba, inikutan lang ako ng mata. "Bagong kotse ni Kelsey. Pinahiram niya nung nalamang magta-taxi lang kami sa pagsundo sa iyo."
"Talaga?" Tanong ni Mars. Tumango naman si Adie. "Tapos hindi mo sinabi? Hinayaan mo lang ako mag-assume na may boyfriend kang mayaman at siya ang nagturong mag-drive sa iyo?"
"Hindi naman kita inutusan na gumawa ng kwento. Ginusto mo 'yan."
"Marunong ka mag-drive?" Gulat pa rin ako. Akala ko, habang buhay kaming magko-commute! Naks naman, kotse na lang kulang, pwede na kaming mag road trip! Talagang lumelevel-up kahit papaano!
"Sabi ko naman, mag-aaral ako for emergency. Ayaw niyo kasing maniwala, mga engot."
Napangiti ako. Napatingin sa labas ng bintana. Isang taon lang. Parang ang bilis, parang walang nagbago, parang ang daming bago.
Halos tumalon-talon ako sa tuwa ng marating namin ang karinderya.
"Karinderya pa ba 'to? Hindi ba natin deserve ang title na fine dining?"
Pati mga baso ay tinitingnan ko din. Sosyal! Ang dami naming stock ng table napkin! Ewan ko na lang kung may magreklamo pa. Hindi tinipid, oh!
"Ang sosyal! May resibo-resibo na pag may order? Tapos pak, iba na talaga. Sosyal ang lighting, hindi lang light bulb. Medyo nakaluwag-luwag at may pambayad na tayo sa kuryente."
"Magdasal ka na maraming darating bukas na customer para may pambayad tayo sa kuryente." Napa-akbay sa akin si Adie.
"Of course." Aktong nagdasal naman ako. "Sana ay maraming tao sa aming grand reopening."
Ang daming magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon.
Gusto kong pasalamatan ang sarili ko. Hindi ko inaakalang kakayanin ko, pero heto pa rin ako.
Ang lungkot doon sa Amerika. Lalo pa't hindi ko inaakalang ganoon na pala kalala ang sakit ni Tiyang. Pagkalipas ng ilang buwan ay nawala din siya. Hindi ko lang inaakalang iiwan niya lahat ng naipundar niya sa akin.
Naka-ilang Deserve ko ba ito? din ako. Ilang araw din na hindi ako makapaniwalang ang iniwan niyang yaman ay sapat na para hindi ako magtrabaho. Halos maubusan ako ng hininga habang binabasa ang last will and testament niya. Pati ang habilin niya sa akin. 'Merely thinking about surviving is not living, Althea.'
Napatingin ako sa repleksyon ko sa harap ng salamin. Suot-suot ang kwentas mula sa isang mamahaling brand.
"It suits you, Ma'am." Sabi ng babae sa akin.
I was so tempted to ask how much. Nasa dulo na ng dila ko pero mas nabibighani ako sa suot ko. I subtly touched the diamond. Bagay na bagay sa akin. Alam kong para sa akin.
"I'll take it."
Andyan pa rin ang pakiramdam ng nako-konsensya. Ang isang libong Para ba talaga 'to sa akin? Tama bang gumastos ako? Kahit na alam ko naman ang sagot. Bitbit ang maliit na paper bag, naglakad-lakad na ako sa mall na may ngiti sa mga labi ko.
Pinaghirapan ko naman. Ngayon lang ako may reward sa sarili ko. Magi-guilty pa ba ako? I decided not.
Napahinto ako nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mukha. Bakas din ang bigla sa mukha ni Yael ng makita niya ako.
Kahit na nasurpresa ay nginitian ko siya mula sa malayo. He hesitated pero ngumiti din. Napatango sa akin. Nasa tabi niya ang fiancée niya.
I looked away at saka nagpatuloy na sa paglalakad at nagpatuloy sa window shopping ko. Panay sabi sa sarili kong huwag nang tingnan ang presyo kung hindi ko din naman bibilhin.
May mga bagay pa talagang hinding nagbabago.
BINABASA MO ANG
Ray of Sunshine
General FictionMga bilihin lang ba ang pwedeng magmahal? Gusto din kasi sanang kiligin ni Althea. Slice of life sprinkled with romance.