4

42 4 3
                                    

Sa dami ng stress na nangyari ngayong linggo, gumaan na kahit papaano iyong pakiramdam ko. Ang saya palang may i-look forward.

Kinikilig man ako ngayon, kagabi, wala sa isip ko iyang mga romance-romance. Nagkataon na andiyan siya nung nasa breaking point na ako. Hindi man kami opisyal na magkaibigan, totoo namang napakalaking tulong ng presensya ni Yael.

Pakiramdam ko, panaginip lang lahat ng nangyari. Magandang panaginip kasi sa wakas, nagkaroon din ng isang araw na pumaibabaw ang tuwa kaysa sa lungkot at stress. Sa tulad kong sandamakmak na problema ang pasan sa likod, jackpot na iyon.

Pero balik na naman sa normal. Trabaho sa umaga, trabaho ulit sa gabi. Normal lang sa karinderya ngayon at halos hindi na nga kami makapag-usap. Si Adie ang nag-serve, si Mars sa counter, tapos ako ang naghugas.

Hindi na ako nakapag-kwento sa kanila dahil nakaramdam na naman ako ng antok. Napagod kasi ako kagabi sa kadramahan ko. Namaga pa nga ang mata ko at may eye bags pa.

Napangiti ako nang makita ang tatlong isaw at isang inihaw na manok sa hapag. Hindi na ako nakakain kaya iniwanan nila ako. Babawi talaga ako sa dalawang iyon. Ipagbe-bake ko ng favorite nila next time.

Tulad ng routine, lumabas ulit ako ng madaling araw. Lumanghap ng preskong simoy ng hangin. Sandali lang ngayon kasi may trabaho pa.

Ang tagal ko na palang nakakalabas. Hindi na ako nakakapag-bakasyon. Gustuhin man naming magkakaibigan, may kanya-kanya kasing mga obligasyon. Ako, may pinapadalhan sa probinsiya. Si Adie, may binabayarang naiwang utang ng Nanay at saka Tita niya. Si Mars naman, nagpapa-aral ng tatlong kapatid.

Hindi siguro namin mae-enjoy ang dagat kung panay pera lang iisipin namin.

Di bale. Libre lang naman ang preskong hangin.

"Awake already?"

"Hala." Andito ulit si Yael. Hindi na ako nabigla na nagjo-jogging siya pero ang late na para tumakbo dito? Ano din kaya ang problema niya. "Nagjo-jogging ka ulit?"

Tumango siya.

"Stressed?"

Mapait siyang napangiti. "Kind of. Study break."

"Ah... ako, lunch breakdown."

"What did you say?"

"Lunch break." Sagot ko.

Nagkasalubong ang dalawang kilay niya. "I think you said lunch breakdown."

"Talaga? Sinabi ko iyon?" Napatawa ako. "Lunch break ko ngayon pero minsan, tinatawag ko kasing lunch breakdown."

"Why?"

"Dalawa kasi ginagawa ko sa oras na iyon. Lunch tapos break down. Pwede ding break down tapos lunch."

Malapad na napangiti ulit siya. "You have the corniest and at the same time, wittiest joke, Althea."

"Maiinsulto ba ako o mafa-flatter?" Tanong ko kahit na pinilili ko na ang ma-flatter. Kahit kakarampot na crumbs ng kilig, kaya-kayang pagkasyahin. Talent ko rin kasi ang maging marupok.

"Flattered."

"Hindi ka ba napapagod? Gabi na tapos, nagja-jogging ka?"

"I can't sleep." Uminom muna siya ng tubig. "This clears up my head."

"Stressed ka talaga, no? Girlfriend problem?" Pasimpleng tanong ko.

"No. I don't have a girlfriend."

Hindi niya naman pala girlfriend iyong Maia! Na-excite ako ulit. Hindi ko na pipigilan ang sarili kong kiligin! Yes!

"Hindi naman siguro money problem."

"Maybe I'm too stressed out with school."

"Talaga? Bakit? May mahirap kang subject? Wala naman akong maitutulong pero baka gusto mo pa ring i-share. May terror ka na prof?"

"No... Ewan. Burnt out?"

"Ano bang course mo?"

"I go to law school."

Hindi naman siguro halata ang mangha ko. Baka mamaya niyan, medyo nakanganga pa ako.

"Pahinga ka pag may time. Pag walang time, make time." Payo ko na lang. Hindi ko naman alam anong sasabihin. Wala akong alam na advice para sa tulad niyang law student.

"Which is also something you should do, Althea."

***

"Hi, Adie! Hi, Mars! Hi, Althea! Hi, everyone!"

Kanina pa namana ko gising pero mas ginising ako bigla sa boses ni Kelsey. Dinaig pa ang kape sa taas ng energy!

Kasama niya iyong dati kong naging crush for one minute. Nakalimutan ko iyong pangalan kasi naka-move on na ako.

"Hi, Kels." Nakibag-besohan si Kelsey kay Adie. Mas close naman talaga kasi silang dalawa. Hindi ko nga lang alam bakit. Napaka-masikreto kasi nitong si Adie. Ang daming koneksyon, hindi ko naman alam saan niya nakukuha. "Hi, Arthur."

Kita mo, kilala niya iyong Arthur! Nagtanguan lang silang dalawa. Mukhang hindi masyadong close pero magkakilala pa rin.

"Napadaan lang ako. I would've texted you but I can't help myself, Adie. I need to tell you this and the squad in person!"

"Ano?"

"Magpapa-bake ako, ha. At saka cater din next week. I will be organizing the event and I'm eager to please everyone so the pressure's on you, team."

Kakaiba talaga magpa-hype nitong si Kelsey. Siguradong nakatulog ng eight hours, baka nga sobra pa.

Nakakatuwa lang na kung maka-sabi siya ng cater, parang hindi kami karinderya kundi restaurant na mamahalin.

"May birthday sa inyo, Kelsey? Hindi ka lang nagsasabi, birthday mo, ano?" Tanong ni Mars sa kaniya.

"No... but it's my brother's engagement party."

"Brother?" Hindi ko maiwang mapatanong.

May iba pa ba siyang brother? Kagabi, sabi ni Yael ay wala siyang girlfriend kaya hindi naman siguro siya iyon.

"My only brother is getting married and I'm dying with excitement."

Wala ngang girlfriend, may fiancée naman pala

Iyong kilig ko, hindi talaga pinapaabot ng twenty-four hours, eh, no?

Ray of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon