14

28 6 2
                                    

Lahat kami ay halos hindi nakatulog ng maayos kagabi dahil sa excitement. Kahit nga ako na medyo mahilo-hilo pa at may body clock pang nag-aadjust ay tuwang-tuwa sa pabe-bake.

"Buena mano ka, Kelsey. Talagang inabangan mo opening hours namin, ano?" Mukhang close na sila ni Mars.

Binigay naman ni Adie ang susi ng kotse niya. May sinabi si Kelsey pero hindi ko din naman narinig.

"OMG! Welcome back, Althea!" Masiglang bungad niya at saka sinalubong pa ako ng yakap.

Nahihiyang yinakap ko din siya pabalik. "Thank you. Salamat nga pala, ah. Sa pagpapahiram ng sasakyan mo. Nakakahiya."

"No. Not at all! Actually, ako nga ang dapat mahiya. I owe you one, Ad." Sigaw niya kay Adie na nagkibit-balikat lang.

Kami na lang pala ang naiwan. Si Mars ay nasa counter na at hinahanda ang cash register. Si Adie naman ay inaayos ang display.

"Did you bake? Na-miss ko yung butterscotch mo, sobra." Napa-sad face pa si Kelsey.

"Naku, marami. Teka lang, may iniba na ako para sa iyo."

Kinuha ko iyong dessert na nilagay ko sa tupperware kasi naubusan na kami ng box na malaki-laking size. Puro maliliit kasi ang nasa kainan. Ipapabalik ko pa sana sa kanya pero ang kuripot naman pakinggan. Di bale. Pag ibabalik niya, tatanggapin ko naman.

"Uhm, Althea."

"Ay, anak ng tipaklong!" Napasigaw ako sa bigla. Hindi man lang gumawa ng ingay itong babaeng ito! Buti na lang hindi ko nabitawan iyong mga dessert.

"Uh, sorry. I didn't mean to surprise you. I just wanted to ask you something in private."

Bakit parang alam ko na ang tatanungin niya?

"Did you and my brother have... ano ba. What do you call it? Did you have history?"

"Ha? Wala naman." Honest na sagot ko. Hindi ko nga kailangan mag-isip. Alam kong ito naman talaga ang sagot.

"I'm really sorry, Al. I should have known. Tapos, iyong mga pinagawa ko pa before. It was so insensitive of me." Patuloy niya na parang hindi naman narinig ang sagot ko.

"Huy, ano ka ba. Wala namang ganyan." Hindi ko rin alam kung naniniwala Ako dito. Ang alam ko, dapat ay paniwalaan ni Kelsey. Nakita ko pa nga si Yael tsaka iyong fiancée niya kahapon. Ayaw kong mag-imbento ng gulo.

"I didn't know Yael liked you before."

Nanlaki ang mga mata ko agad. Exactly the phrase I didn't want hear from her.

"Walang ganyan. Ano ka ba. Ah, eto nga pala iyong desserts. Paki-share na lang sa lahat ha. Tsaka, bigyan mo din yung fiancée ni Yael. Bagay na bagay talaga sila no? Kaya di ko alam kung saan mo nakukuha iyong mga ganyang idea talaga, Kelsey."

I was mumbling. Alam ko.

Masaya akong makita siya pero gusto ko munang umalis siya sa harap ko.

Masaya naman ako sa araw na iyon pero at the back of my mind, naalala ko si Yael. Okay naman ako. Hindi ko naman siya hinahanap araw-araw.

Pero hindi din ibig sabihin na nakalimutan ko na siya. He was there. Sa huling chapter ng nakaraang parte ng buhay ko.

May gusto pa ba ako sa kaniya? Hindi ko alam. Nung nagtama ang tingin namin, siya ang unang nakita ko. Iyong sunod kong nakita, ang babaeng kasama niya. Isang taon din silang magkasama. Siguro naman, sapat na iyon para tuldukan ang ano mang hindi kaayon-ayon na pwedeng isipin.

I just couldn't help but wonder.

Hindi kasi madaling mawala iyon.

Nakita kong tumatawag si Nanay kaya lumabas muna ako. Medyo maingay kasi sa loob. May pa-promo kasi kaming discount and buy one take one. Aba, ang dami pa namang mag-nobyo ang magkasama. Hindi naman ako bitter. Nagpapasalamat pa nga ako at nakapag-date na sila, kumikita pa kami.

Ray of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon