"Uh, sige pa. Shit. Sarap niyan. 'yayayan, diyan nga. Sige pa, Mommy."
Kapag nakababasa kayo nang ganiyan, automatic iba agad ang naiisip ninyo, ano?
Isa iyan sa mga senyales na kailangan n'yo nang magpahinga muna sa kababasa ng mga Erotic Romance na nobela.
'de, biro lang. Suportado ko kayo riyan dahil minsan na rin naman akong nakabasa nang ganoon sa libro. Tapos 'yong iba'y napanonood ko na lang at nai-a-apply ko kay Aurea.
Kasama talaga iyan sa paglaki. Para bang kulang ang layp kung walang ganoon (opinyon ko lang naman iyon).
Pero hindi tulad ng iniisip ninyo, nagpapamasahe lang ako sa asawa ko ngayon habang nandito kami sa ibabaw ng kama.
Ang sarap pa nga ng pagkakakabayo niya sa likuran ko habang mariing pinipindot-pindot ang mga balikat ko.
Pakiramdam ko nga nasa spa ako na may happy ending services. Mas nauna nga lang 'yong serbiysong alam n'yo na bago itong masarap na pagmamasahe ni Auring sa akin.
Napagod ako sa kakakain kanina—totoong pagkain kasi. Ang dumi ng mga isip lagi, eh.
Sa akin ba naman ibinigay lahat ni Aurea 'yong mga hindi na niya kayang ubusing pagkain. Lamon naman ako nang lamon dahil nagutom din ako sa biyahe kanina saka kailangan ko ng sapat na lakas.
Nagsubuan pa nga kami ng saging—oh, ayan na naman kayo—na kasama roon sa mga prutas na pinakisuyo ko rin doon sa staff dahil naghanap si Aurea bigla n'on.
'rapbuhay lang kami ngayon ni misis, mga p're. Chill as fuck lang.
Mayamaya nga'y aalis kami papunta roon sa ni-request ni Au sa aking puntahan na café. Hinanap ko nga iyon agad sa Peysbuk para hindi ko na kailangang i-Waze at napagtanto kong along the highway lang naman pala iyon.
Mahilig kasi si Auring sa mga colorful, cozy at cutesy raw na café dahil wala masyadong ganoon sa aming lugar.
Kung mayroon man, napagsawaan na niya roon. Katulad n'ong dalawang coffee shop na madalas kong pagbilhan ng cheesecake niya.
Ako nama'y go with the flow lang palagi. Kung saan niya gustong pumunta, sige lang ako nang sige. Biyaheng langit nga kami lagi (katulad kanina), kaya walang isyu sa akin kahit saan pa niya ako gustong isama.
Ay, muntik ko nang makalimutan.
'di ba dapat may part two pa 'yong surpresa ko sa kaniya? Hindi na natuloy kanina dahil biglang umulan nang malakas. Eh ayaw kong lamigin si buntis kaya ipinagpaliban ko na lang muna.
Bukas na lang kapag umaraw na. Iyon ay kung magpapakita si Haring araw.
"Daddy, may tanong ako sa 'yo," biglang pagsasalita ni misis kaya napamulat ako. Bahagya ko siyang nilingon pero nangalay ako sa puwesto ko kung kaya't tumihaya ako.
Nag-indian sit naman siya sa gilid ko.
Marahan niyang hinaplos ang dibdib ko't pinindot-pindot pa 'yong parteng may tattoo. Umangat naman ang tingin ko sa dibdib niyang parang mas lumusog.
"Ako ba ang dahilan ng paglaki n'yang boobs mo?" awtomatikong lumabas sa bibig ko. Seryoso pa mukha ko.
Siya 'yong may tanong pero naunahan ko na siya. Iyon kasi talaga ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan ko dahil doon nakapako ang tingin ko.
Alam ko namang mas nagkakalaman ang dibdib ng mga kababaihan kapag nagbuntis o nanganak na.
Hindi ko alam ang scientific explanation n'on dahil hindi naman ako doktor at tamad akong mag-search sa Google. Pero sabi-sabi lang ng iba, malaking tulong daw ang paglalamas ng—