Devin Francisco 1

2.2K 144 27
                                    

TAMISAN PA NATIN.

🙉 Devin's utots 🙊


Alam ko namang nandito kayo para maki-tsismis sa buhay ko. Isa ka ring Marites o Tolits na nag-aabang na magkaroon ng ikalawang libro itong Pagsinta.

At dahil nababasa mo ito, malamang ay naisipan na ng writer nito na muli akong gawing bida rito sa pamamagitan ng special chapter.

Special chapters na lang yata ang gagawin ni isipatsalita dahil marami pa raw siyang ongoing stories. Pagtiyagaan n'yo na lang daw ito.

Handa ka na ba?

Ako kasi hindi pa. Kasalukuyan akong naglalaba ng mga underwear naming mag-asawa pero dahil sinubaybayan ninyo ang buhay namin ni Aurea sa unang parte nitong Pagsinta at gusto ninyong makibalita rito sa special chapter ay ipagpapaliban ko na muna 'tong kusot gaming.

Puwede namang si Aurea na lang ang magpatuloy nito mamaya o hindi naman kaya'y si Pusa para may pakinabang naman siya rito sa aming pamamahay.

Pero biro lang iyon, siyempre. Malaki ang ambag ni Pusa sa munting tahanan namin. Bukod sa pag-kain, pagtulog, pagtakbo-takbo na parang si The Flash at sa pagtae o pag-ihi niya sa kaniyang mahiwagang litter box ay nagagawa niya kaming patawanin at pakalmahin.

Ngunit, subalit, datapwat, hindi tungkol kay Pusa ang kuwento ito kung 'di sa aming mag-asawa at sa unico hijo kong kasalukuyang dumedede sa kaniyang mukhang dalagang ina.

Uy, teka, ako dapat ang gumagawa n'on, ah?

Pero pagbibigyan ko na muna si Biskwit dahil umaga pa lang naman. Puwede akong dumede sa gabi kapag tulog na ang mga bata at mga Marites katulad n'yong nagbabasa nito.

Biro lang. Nais ko nga palang magpasalamat sa mga nagpabudol sa akin dito sa librong Pagsinta.

Nabalitaan kong may mga ilang tao rin akong napasaya kahit hindi naman ako clown. Minsan hindi ko alam kung ginagawa na lang akong katatawanan ng mga tao o sadyang gusto no'ng writer nito ang gawin akong ka-in lab in lab sa kaniyang istorya.

Na-in lab ka ba?

Malamang... hindi dapat.

Si Aurea lang naman ang may karapatang gumawa at makaramdam no'n. Iyon ang sabi niya sa akin kagabi lang. Na siya lang daw dapat ang makakita ng mga magaganda kong katangian.

Puwede ba naman iyon? It's not my fault that I'm oozing with, powta, mapapa-ingles na naman ako. Hindi naman bagay sa pagmumukha ko ang magtunog sosyalin.

Si Auring naman kasi, masyadong mapang-angkin. Akala naman niya'y may aagaw sa akin mula sa kaniya. Parang ngayon ko na nga lang napatutunayan ang kaniyang pagiging selosang tunay.

Tingnan n'yo, ha?

Noong isang araw na um-attend kami sa kasal ng katropa kong si Yuan Del Castillo, plano ko sanang magsuot no'ng medyo fitted ang pantalon. Habang nagpapapogi ako sa harapan ng salamin sa kuwarto, bigla ba naman nitong hinampas ang puwet ko.

Magpalit daw ako ng pantalon dahil masyado raw bakat 'yong betlogs ko. Oo, plural iyon. Betlog with 's' talaga. Ayaw daw niyang may ibang tumingin sa ibabang parte ng katawan ko. Mahirap na raw at baka may kumaway daw sa mga chica-bebot doon.

"Magpalit ka no'ng isang pants mo tapos huwag mong i-tuck in 'yong polo mo kasi bumubukol si Big Bird," patawa-tawa niyang utos sa akin bago dinakma ang maselang bahagi ng aking katawan.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon