Prologue

23 1 0
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, businesses,places,events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-----

"Doctora Santiago!"

I automatically smiled when I saw my friend leaning in his white Chevrolet Corvette Stingray car.

He wave his right hand at me. I just shooked my head. Sabi ko sa kanya ay huwag nya na akong sunduin. I am sure that he's just from his office. He's still wearing his usual office attire.

Nang makalapit ako ay inirapan ko sya. Tinawanan nya lang ako na parang may nakakatuwa sa ginawa kong pag-irap.

Umikot pa ito at pinagbuksan ako ng pinto.

"I already told you. Hindi mo na dapat ako sinundo. Naabala pa tuloy kita." saad ko.

Sandali syang tumingin sa'kin bago muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho.

"Ilang beses ba kitang paaalahanan na hindi ka abala, Celestine." aniya gamit ang malumanay na boses.

He parked his car outside the famous restaurant near the hospital.

As we enter, I can smell how luxurious and elegant this restaurant was.

Pinaghila pa ako ng upuan ni Zion. Inilahad naman ng waiter ang menu.

"Rib-eye steak,Cajun Shrimp and Chicken Pasta and Marrakesh Vegetable Curry."

Bago pa man ako makapili ay umorder na si Zion ng para sa amin. Ibinalik ko nalang ang menu sa waiter. Zion even ask me if I want some but I just shook my head and slightly smile at him.

Ilang minuto lang ay dumating na ang order.

Kinuha ni Zion ang plato ko at nilagyan niya ng Marrakesh Vegetable Curry. Napakadami niyang nilagay!

"I know you missed it. That's your favorite, right?" I slightly nodded.

Nang makita ko ang dish na 'to, isa lang ang pumasok sa isip ko. Isinantabi ko muna ang iniisip lalo na't si Zion ang kaharap ko. I don't want to ruin this night for us as friends bonding.

We've met in Legazpi City. Kuya Cael, Ate Blea and I spent our vacation there. Meron kasi kaming bahay at lupa doon at naisipan naming gawing rest house pansamantala habang wala pang naiisip na plano kung anong gagawin sa lupa. Zion was so approachable and friendly. Gusto din ni Ate Blea ang ugali niya kaya close din sila. Pareho din sila ng pinagtatrabahuhan.

"How's your current project?" I opened it a topic.

Pinunasan niya muna ng tissue ang bibig nya bago nagsalita.

"It goes so well. Malapit na din matapos. Iyong Engineer na partner ko, magaling sya kaya wala akong naging problema sa kanya at sa proyekto. Kapag bumisita ka sa office ko, ipapakilala kita sa kanya." aniya.

"Hmm," tumikhim ako. "That's good to hear. Kapag may time ako bibisita din ako sa office ng Ate ko. I will send you a message if I can visit next week."

Hanggang doon lang ang pag-uusap namin hanggang sa ihatid na niya ako sa apartment ko.

Pansamantala muna ako sa apartment na 'to dahil under renovation pa iyong bahay. Gustong baguhin ni Ate Blea ang design kaya nag-hire din sya ng kakilala niyang Architect para kasama niya sa pagpaplano.

My apartment is not that big nor small. Sakto lang para sa akin. A mixtures of white and gray lang ang interior. May mini salas din sa gitna kung saan naroon ang favorite cushion sofa ko at may maliit na tv din kung saan ako nanunuod ng movies kapag may free time ako. Meron ding kusina na katamtaman lang ang laki. Ni hindi ko nga iyon nagagamit dahil sa labas na 'ko halos kumakain araw araw. Ang room ko naman ay sakto lang ang laki. Just a bed, sidetable, bathroom and my mini office with a mini bookshelves where I do my works.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon