03

3 1 0
                                    

Next morning, I feel so exhausted. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi. Inantay ko pa na makauwi ang mga bisita. They were all drunk and noisy. Ang iingay na din nila. Buti nalang talaga at hindi ako uminom kagabi, panigurado isa din ako sa mga inaalalayan.

"Ang sakit ng ulo ko," anang Ate Blea. Nakapangalumbaba sya sa counter at may tasa ng kape sa harap. Nakahawak din sya sa ulo at minamasahe ang sentido.

"Inom pa." pang-aasar ko.

"So weak," rinig kong saad ni Kuya Cael pagpasok. Kakaligo nya lang at nakasuot ng pang-alis.

Sinamaan sya ng tingin ni Ate. "Edi ikaw na malakas." Nagkibit-balikat naman si Kuya.

"Where are you going, Kuya?" tanong ko. Mukhang good mood naman si Kuya ngayon 'e.

"I'm meeting a friend. Babalik din ako kaagad." saad nito.

Naiwan kami ni Ate Blea sa kusina. Habang nagtitimpla ng kape, gusto kong tanungin si Ate tungkol dun sa Isaac. Kaso baka naman maghinala sya at magalit sa'kin. Bahala na!

"Ate..." pagtawag ko.

"What?!" she's still drunk. I wonder how it feels to be drunk.

"Dun sa last dance ko... classmate mo sya?"

"Yes. Bakit mo tinatanong? Do you like Zac?" saad nito at hindi man lang ako binabalingan ng tingin.

Agad akong umiling. "N-no! I'm just asking Ate!"

"Good. Zac already has a girlfriend."

Bahagya akong nagulat. He has a girlfriend already? Bakit ko nga ba hindi naisip 'yun? Maitsura sya. Imposibleng walang magkagustong babae dun.

Iniwan ko sya doon. Bumalik ako sa kwarto bitbit ang tasa ng kape. Nawalan ako ng pag-asa sa kanya. Mas okay na din siguro at nalaman ko kaagad. Para hindi na din ako umasa at mawala na agad 'tong nararamdaman ko.

I opened my twitter account. I stalk my own account and it feels awkward to see your previous posts about rants in life. Jejemon!

I deleted some post. Isa lang ang tinira ko doon, iyong picture ko nung graduation 'nung junior high.

Binuksan ko naman ang Facebook account ko. I typed in a search box Isaac's full name. At nang makita ko agad iyong timeline nya ay ini-stalk ko. Walang gaanong post, puro tag lang ng mga kaibigan. Ang profile picture ay may hawak na cup at sa likod naman ay ang nakasulat na Starbucks. Nakasuot sya ng white na sweat shirt at naka-sumbrero kaya hindi kita ang mukha.

Nagdadalawang isip pa ako kung pipindutin ko ba 'yung 'Add Friend' button. May girlfriend na diba? But in the end, I click the button. Wala naman sigurong masama na makipag-friends sa fb.

I almost scream when I saw the recent notifications.

Isaac Caelus Francisco accepted your friend request.

Tinakpan ko ang bibig ko at pinigilan ang pagtili. Baka mamaya ay kung ano isipin ni Ate Blea.

"Tara sa Midnight Cup mamaya." pag-aya ko sa mga kaibigan. Lunes kasi ngayon. Naalala ko iyong sinabi niya na MWF ang schedule niya. Paniguradong nanduon sya mamayang hapon.

"Libre mo ba?" nakangiting saad ni Trina.

Umirap ako. "Oo na! Libre ko na!" mamumulubi ata ako sa mga kaibigan kong 'to! Basta makita ko lang si Zac ayos lang!

After the dismissal, kinuha ko ang maliit na salamin sa bag at nilabas ang pouch na naglalaman ng polbo at liptint. Sa sobrang nakaka-haggard ng mga discussions, kailangan talaga nito.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon