06

4 0 0
                                    

"Friends lang sila?"

Ikinuwento ko sa mga kaibigan ang sinabi ni Zac kahapon. Si Trina ay nagulat, samantalang si Eli at Jia ay hindi.

"Sabi sayo 'e. Walang girlfriend si Kuya Zac." saad naman ni Eli habang ngumunguya ng piattos.

"Hindi naman siguro magsisinungaling si Zac 'diba? At kung magsisinungaling man sya... ba't sa akin pa?" pangungumbinsi ko sa sarili.

"Sabagay,"

After dismissal, dumiretso ako sa banyo para mag-ayos. Nagpaalam ako sa mga kaibigan na uuna na ako. Dadaan kasi ako sa Midnight Cup ngayon. It's Friday. May work si Zac.

Pinipigilan kong hindi ngumiti nang pumasok sa cafe. Nakita ko agad sya sa counter. Kakaunti lang din ang customer. Nakaupo sya sa high chair habang nagbabasa ng libro. As usual, nakakunot ang noo nito.

"Hi," pagbati ko.

Agad din naman syang bumaba sa upuan at ibinaba ang librong binabasa.

"One--"

"One vietnamese coffee and cheesy enzaymada.  Tama?"

Gulat akong tumango. Natatandaan nya ang order ko! May pag-asa na ba 'ko? char.

Nilista niya iyon sa maliit na papel saka iniabot sa likuran. Iyong nasa harap kasi ay parang choices lang ng order ng mga sweets. Nasa loob 'yung sini-serve sa customers.

Luminga-linga ko sa paligid habang hinihintay ang order.

"Find the table you want. Ako na magdadala nito do'n."

"O-okay,"

Kinagat ko ang labi para pigilan ang pag-ngiti. Baka mapansin niya. Nakakahiya naman.

Ilang sandali lang ay dumating sya bitbit ang kulay itim na tray. He's wearing a black polo shirt and a black pants with a black apron. May cap din syang suot na kulay itim. Ngayon ko lang din napansin ang name plate na nakalagay sa kaliwang dibdib niya.

Umayos ako ng upo nang ilapag niya ang order.

"Thanks,"

Tinanguan niya lang ako bago sya bumalik sa pwesto niya kanina.

Ini-expect ko na uupo sya sa harap at makikipag-kwentuhan sa akin. Pero sino ba naman ako.

Sumimsim ako sa kape. Ang sarap. Hindi nakakasawa.

I took a pictures in it together with the cheesy enzaymada. Nag-myday ako sa instagram.

Panay ang tunog ng messenger ko kaya hininaan ko ang volume. Napapatingin din kasi ang ilang customer. Si Zac ay nakakunot ang noo na bumaling sa akin kaya nag-peace sign ako sa kanya.

Another embarrassing moment!

Eli:
Antahimik nyo mga mes hart.

Trina:
Wala 'yung maingay sa gc natin bebe Eli. Hindi nagsi-seen.

Eli:
Nasa'n nga pala 'yun. Baka na-rape na sa daan.

Trina:
Nasa Midnight Cup. Sumisilay sa bebe niya

Eli:
Sanaol may bebe

Jia:
Ingay niyo

Ini-haha ko lahat iyon bago isinara ang cellphone. Napatingin ako sa relo na nasa palapulsuhan ko. 5:50 pm. Baka hinahanap na 'ko sa'min. Bilisan ko nalang ang pagkain at hinigop ang kape na lumalamig na dahil sa aircon.

Lumapit sa akin si Zac na dala iyong para sa bill. Naglabas ako ng pera at iniabot iyon sa kanya. Memorize ko na ang babayaran ko kasi paulit-ulit lang din inoorder ko. Next time, iibahin ko naman.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon