We are all have a lot of activities and reporting the next day. Sembreak na kasi next week. Akala ko ay makakapagpahinga na pero tinambakan na naman. Buti nalang ay group activity iyon kaya hindi nahirapan.
"Sa wakas, makakapagpahinga din ng two weeks!"
"As if naman na makakapagpahinga tayo, Jia. Panigurado mag-iiwan yan sila ng mga activities kahit na bakasyon." si Trina.
"Sa'n kayo magbabakasyon?" I opened it a topic.
"Sa bahay lang. Bitin naman kasi kapag umuwi ng probinsya." si Eli.
"Sa kwarto lang ako, magmumukmok." sabi naman ni Trina.
"Ikaw ba, Psalm?" Jia asked.
Nagkibit-balikat ako. Siguro sa bahay lang din. Naalala ko pala iyong pag-aaya ni Zac sa sabado. Nai-excite na tuloy ako.
"Pack your things little sis. Three days tayo do'n." paalala ni Ate Blea nung mismong araw.
Mabilis akong nag-impake. Nagdala lang ako ng pamalit at mga personal hygiene ko. May dala namang kumot at twalya si Ate Blea panigurado.
Time was too slow. Nakasandal ako sa headboard ng kama habang hinihintay na sumapit ang alas tres bago kami umalis. I was wearing a short and a white hoodie jacket. Halos kalahating oras din kasi ang lalakarin namin pataas ng campsite. Hindi kasi kaya ng sasakyan. Maaga-aga iyon para daw maabutan ang sunset.
Ilang sandali pa ay may bumusina na sa labas. Sumilip ako sa bintana at agad na nakita ang mga kaibigan ni Ate. Halos mga naka-motor sila.
"Sa akin sasabay si Clein at Chin. Kay Zac naman si Psalm at Rina." rinig kong sabi nung isa.
Zac is wearing a jersey with his surname at the back. Ang bag na dala ay nasa unahan ng motor niya.
"Ikaw sa gitna, Psalm." si Rina.
Tumango naman ako kaagad. Kumapit pa ako sa balikat ni Zac para tuluyang makasakay. Ganoon din si Rina.
Maybe if they are really in a relationship, I won't ride with them. Makikipagpalit nalang ako kay Ate kung ganoon.
Zac drive too fast. Kaya minsan ay mahigpit ang kapit ko sa tela ng jersey niya. Si Rina naman ay tahimik lang sa likod at parang sanay na.
Sa sobrang lapit ko, amoy na amoy ko ang pabango niya. Pasimple din akong napangiti dahil sa magkadikit ang balat namin.
Masakit pa din sa balat ang araw na tumatama sa binti ko kahit na hapon na. Sana pala ay nag-jogging pants ako.
Walang nagsasalita sa buong byahe kaya nanatili namang nakatikom ang bibig ko. I feel a little awkward. It feels like I am the large barrier between them. Knowing that they are just friends, pakiramdam ko ay may feelings sila sa isa't isa. I set aside whatever the thoughts I have in my mind nang makita ko kung gaano kataas iyong lalakarin namin.
Unang bumaba ay si Rina. Humawak ako ulit sa balikat ni Zac para makababa. Tumingala ako. Titignan ko pa lang ang lalakarin namin ay pagod na kaagad ako.
Ipi-nark nila ang motor sa maliit na kubo na nasa gilid. Madami din ang naka-park doon. May motor, tricycle, van at kotse. Hanggang dito lang kasi ang kaya ng mga sasakyan.
"Pahinga muna tayo. Pagod na 'ko." reklamo nung Chin. Everyone agreed and nodded. Kahit ako ay pagod na din.
May hawak na camera si Ate Blea at kinukuhanan iyong view sa baba. Hindi na din gaanong mainit. Malapit nang lumubog ang araw.
I wiped the sweat coming from my forehead using my palm. Hinubad ko din iyong hoodie na suot bago isinukbit sa balikat at naupo sa semento. I am already exhausted. Pagod na din ang mga binti ko.