02

4 1 0
                                    

"Anong oras ka na naman natulog 'no?"

Ini-stretch ko ang dalawa kong braso at humikab. Lagi nalang akong puyat kapag pumapasok kinabukasan. 'E pa'no pinuyat ako noong nagbabantay sa Midnight Cup. Ayaw magpakita sa social media!

Para akong tangang tumango sa kaibigang si Trina. Si Eli naman ay nakatutok na naman sa cellphone niya, nanunuod ng anime. Si Jia naman ay may binabasa na namang libro. Ewan ko ba sa mga kaibigan kong 'to. Si Trina lang nakakausap ko ng maayos.

"Bakit ba kasi palagi kang nagpupuyat?" Trina asked while combing her bangs.

I pouted. "May nakita kasi akong guy doon sa Midnight Cup. Napakapogi niya. Sinong Diyos kaya ang gumawa sa kanya?"

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-iling niya.

"What was his name ba?" she asked out of curiosity.

"I don't know,"

"Naku, Psalm. Mahirap hagilapin nyan. Kahit first name hindi mo alam?" matamlay akong umiling.

"Babalik nalang siguro ako 'dun mamaya. Baka makita ko sya ulit."

Inulan kami ng mga surprise quiz after lunch break. 'Nu ba yan wala man lang pasabi. Surprise nga e diba? Sino bang matutuwa sa mga quizzes sa taong walang tulog. Gusto ko nalang matulog forever!

After ng dismissal ay nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko. Dadaan muna kasi ako sa Midnight Cup bago umuwi sa'min. Buti nalang talaga at hindi ako dadaanan ni Ate Blea.

Inayos ko muna ang buhok ko at ang uniform bago binuksan ang pintuan. Naamoy ko agad ang aroma ng mga kape pagkapasok. Luminga-linga ko sa paligid para hanapin iyong poging nasa counter kahapon pero hindi ko sya maaninag. Iba ang nasa counter ngayon. Napasimangot ako.

Aalis na sana ako nang makita ang grupo ng mga kabataan na papasok ng pintuan ng cafe. Nakasuot sila ng puting blouse at black na slacks. Agad nanlaki ang mata ko nang mapagtantong sila Ate Blea ito. Huli na dahil nakita nya na 'ko.

"Psalm! Anong ginagawa mo dito?" she looks surprise, seeing me here. "Where's Trina, Eli and Jia?" luminga linga pa sya sa paligid para hanapin ang mga kaibigan ko. Oh my God! Paniguradong tatanungin nya ko kung bakit ako naandito. Anong sasabihin ko?

"Napadaan lang, Ate. Akala ko kasi naandito sila. Pero pauwi na po ako." Oh great! Liar.

Tumango-tango naman sya at mukhang kumbinsido.

Hindi ko na sya hinintay pa at nagpaalam na at dali-daling lumabas ng cafe. Ni hindi ko binalingan ng tingin ang mga kaibigan niya. Nakakahiya!

Bigo akong umuwi sa amin. Mukhang hindi ko na sya makikita. What if nag-resign na sya sa trabaho?

Napabangon ako nang mag-ring ang phone ko. Si Mom.

"Hi, love! How are you?" si Mommy mula sa kabilang linya.

"Okay naman po,"

"How's the plan for your 18th birthday? Nabanggit sa akin ng Ate Blea mo ang tungkol 'don. Nagulat nga ako dahil buti napapayag ka niya na mag-celebrate."

"Kinukulit ako ni Ate Blea tungkol 'don, Mom. Uuwi po ba kayo ni Daddy?"

"Kami din. Kinukulit din kami ng Ate mo. Gustuhin man namin kaso hindi kami papayagan ng boss sa trabaho. Magpapadala nalang kami ng pera, nak. Tatawag din ako sa Ate Blea at Kuya Cael mo."

Hindi na rin nagtagal pa ang usapan. Tinanong lang nila 'ko about sa plano ko sa birthday ko. Sabi ko naman ay si Ate Blea na ang tanungin nila dahil sya din naman nagpaplano ng lahat.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon