16

7 0 0
                                    

Still, my mind cannot processed what just Zac said. Really, as in? Pakilala na ba agad sa family? Ang bilis naman nya!

"It's not what you're thinking. I just want you to meet my family. That's it."

Umismid ako. Pambasag-trip naman to! Hindi ba pwedeng mag-assume muna kahit konti. Tss.

Naka-krus ang braso ko sa aking dibdib nang iparada nya ang sasakyan sa harap ng isang resort.

Villa Del Prado Resort

Binasa ko ang nakasulat sa harapan. So it means.... sila ang may-ari ng resort na 'to? Grabe. Hindi ko akalain na richkid pala ang isang 'to.

Hindi ko pa din sya pinapansin at padabog na isinarado ang pintuan ng sasakyan. Tinaasan ko lang sya ng kilay ng bumaling sya sa akin pero tinawanan lang ako!

"Oh ano tinatawa-tawa mo dyan?" masungit na tanong ko.

Umiling sya habang pinipigilan ang tawa kahit na halata naman sa mukha nya. "Nothing. You're so cute when you were mad."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis. Napaka-rupok ko talaga kahit kailan. Naiinis na ko sa'yo Psalm Celestine!

Lumapit sya sa akin at pinagsalikop ang mga palad. Gulat akong napatingin sa kanya at sa kamay naming magkahawak.

"I told you, there's a time for that Psalm. Just wait for the right time." he said. "Hindi naman tayo nagmamadali."

Sumunod lang ako sa kanya at nagpatianod hanggang sa makapasok kami.

"Good afternoon, Sir Caelus!" bati nung isang staff. Dumako din ang tingin nya sa akin at ngumiti. "Good afternoon din po Ma'am!"

"Good afternoon po," nahihiya kong bati.

"Girlfriend mo, Sir?" rinig kong tanong nito kay Zac.

"Uh, yes." mabilis nyang sagot. "Where's Perseus?"

Agad kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan nya. O baka mali lang talaga ako ng pagkakarinig.

"Dude!"

Sabay kaming napatingin ni Zac sa boses na pamilyar sa pandinig ko. Nakangiti sya sa aming dalawa ni Zac habang naglalakad papalapit sa amin. He's wearing a white sando partnered with a blue polo and a black taslan shorts. May shades ding nakapatong sa ibabaw ng sando niya. What is he doing here? For vacation?

Niyakap nya si Zac at tinapik sa likod bago bumaling sa'kin.

"You will rent a room for two?" he asked, pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

"Uh, no. Uuwi din kami mamaya." si Zac na ang sumagot.

"Okay. Kanina pa kayo inaantay ni Tita Cariza."

Naunang maglakad si Perseus kaya sinundan lang namin sya. Pasimple ko ding tinitignan ang loob. Grabe, ang lawak at ang laki! Naisip ko tuloy na gawing resort nalang din 'yung lupa namin sa Legazpi City, if only Kuya Cael wants me to handle those place. Sana pala Business Ad nalang kinuha kong course para may alam ako sa negosyo kahit papa'no!

"Bakit nandito si Perseus?" hindi ko na mapigilang tanungin sya. Pero bulong lang iyon dahil malapit lang ang distansya naming tatlo.

I knew that they were batchmates already. But I didn't know that they are this too close with each other.

"Tito Adam, his father was the one who's managing this resort. Si Mama at Tito Adam ay magkapatid. Si Tito Adam ang panganay, that's why he's the one who chose by the Del Prado's to manage their resort." aniya.

So it means, pinsan nga sila? Kaya pala 'nung unang kita ko kay Perseus hawig na hawig na kay Zac. Hindi ko naman alam na blood-related pala talaga.

"Nagpunta ba dito si Kuya Isaiah?" tanong ni Zac sa pinsan nya.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon