09

2 0 0
                                    

The next morning, Zac cooked sopas for everyone. He has a talent in cooking. Ang sarap nya talagang magluto.

Umiwas pa ako ng tingin nang makasalubong ko iyong nakita ko kagabi. Hindi naman siguro nila ako nakita. Pero ako.... natatandaan ko pa ang mukha nila.

Umalis din kaagad ang grupong iyon nang magtanghalian. Parang pumunta lang talaga sila dito para mag-inom o kaya'y makasama ang mga bebe nila.

I took a shower and wore a grey sweat pants and a white hoodie jacket.

The sun was about to set. Ilang oras na lang din ay magdidilim na.

The boys are busy. Nag-iihaw sila ng malalaking isda na nahuli nila kanina sa pond. Kinawayan pa ako ni Gio nang mahuli ako nitong nakatingin sa kanila. I waved back.

Ilang sandali pa ay dumating na si Chin, Zac at Tom. Bumili sila sa baba ng alak. Bigla kasing nagkaayaan, wala din naman ditong ibang bilihan ng alak.

Nang tuluyang magdilim, sinimulan nang sindihan ang bonfire. Pabilog kaming umupo sa damuhan habang nasa gitna ang bonfire. Katabi ko ay si Ate Blea, sa kabila naman ay si Gio. Sa harap ko ay si Rina.... katabi si Zac.

Nagsimula nang magbigay ng tagay si Nicholas. Una nitong inabutan ay si Zac. Pasimple pa akong tumitig nang nilagok niya ang alak. I can even see his adam's apple move.

Sunod naman nitong inabutan si Rina pero agad itong umiling kaya kay Tom nya nalang inabot ang tagayan.

"Do you drink?" tanong ni Nicholas nang sa akin na tumapat ang baso. I slightly nodded.

Nilagok ko iyon pero agad ding napangiwi nang malasahan ang alak. Ang pait!

I don't usually drink alcohols. Tikim-tikim lang iyon kapag may okasyon sa bahay dahil hindi ko talaga gusto ang lasa. Sinabi ko lang yun para magpabida kay Zac. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi na ako bata. I'm already 18.

Umalis saglit si Nicholas at pagbalik nya ay may dala syang maliit na bote na walang laman.

"Dare or drink tayo," aniya, "Kung sino matapatan ng bote ay gagawa ng kung ano man ang iuutos ng isa. At kapag ayaw gawin.... iinom."

Unang tumapat ay kay Ate Blea. Inutusan sya ni Tom na halikan sa pisngi si Gio. Tumingin pa ako kay Gio na ngayon ay parang kinakabahan.

Kinuha ni Ate Blea ay shot glass at nilagok ang alak na laman niyon.

"I won't kiss that asshole," saad pa niya. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni Gio. May hindi ba ako nalalaman sa kanilang dalawa? Did the two already had a relationship back then?

Sunod naman na tumapat ang bote kay Zac.

"I want you to hug... Psalm."

Nagulat pa ako sa dare ni Chin. Nanlaki ang mata ko.

"Bakit ako?" gulat na tanong ko.

"Bakit hindi ikaw? Wala akong ibang maisip. Besides, no malice. Parang magkapatid naman kayo ni Isaac." aniya.

Akala ko ay iinumin na ni Zac ang alak. Pero nagulat ako nang tumayo sya at papunta sa gawi ko.

"Kahit seconds lang," dagdag pa ni Nicholas.

I was stunned. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng pisngi ko. It was just a quick hug. Sa sobrang bilis nun ay parang hindi naman nangyari. Agad din syang bumalik sa upuan.

Nagtama ang mata namin ni Rina pero agad naman itong nag-iwas ng tingin.

Ang swerte ko dahil paminsan lang tumatama ang bote sa akin. Hindi ko din naman ginagawa ang dare at pinipili nalang uminom. Hindi din naman ako malalasing dahil hindi ako madalas maturo ng bote.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon