11

6 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayon ay pupunta kami sa SM Legazpi para bumili ng lulutuin mamaya sa Noche Buena. Ganitong oras daw magandang mamili dahil hindi gaanong madami ang tao. Namimili daw ang mga tao ilang araw bago magpasko. At sa mismong araw ng pasko, kakaunti nalang.

I was the one who's pulling the cart. I didn't know where Kuya Cael went. Si Ate Blea ay nasa beauty products section.

Sumunod ako kay Lola Divina sa bilihan ng mga karne. Naiinip na ko dahil sa tagal ng pag-usisa nya sa bawat product na binibili niya.

Iniwan ko muna ang cart doon at saglit na naglibot-libot.

Agad kong naalala ang huling chat ni Zac sa akin. Oo nga pala, nakalimutan ko.

clstnsantiago:
Good morning!Nasa SM Legazpi kami, buying foods to cook later for Noche Buena.

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang may magsalita sa likuran ko.

"You're updating your boyfriend?" bahagya ko pang inilayo ang cellphone sa kanya. Inirapan ko sya at tinalikuran pero nakasunod pa din sya sa akin.

"Blea is too kind. Bakit parang ang sungit ng kapatid?" rinig ko pang sabi nito.

Dumiretso ako sa kung nasaan si Lola. Tinaasan ko sya ng kilay nang magbago sya ng direksyon dahil sa paglapit ko kay Lola Divina.

"Zion!" rinig kong boses ni Ate Blea. Nakita kong tumakbo pa ito papunta sa lalaki at saglit na nakipagkwentuhan. Paminsan ay bumabaling sila sa direksyon ko at parang pinag-uusapan ako.

It was a bad day after all. Thanks to Zac that makes my mood better.

caelusfrncsc:
Alright. Take care, Psalm. Have a great day!

"Why are you so mean to Zion?" tanong ni Ate habang inaayos namin ang mga pinamili.

"Ang kulit nya kaya Ate," napatigil ako nang mapagtanto na ganito din pala ako dati kay Zac. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit inis sya sa akin noon.

"Zion is nice. Ganoon lang siguro 'yun. Kaya ka nya inaasar kasi ang sungit mo sa kanya. Be nice to her, sis. Sa tingin ko naman... he will be a good friend to us."

Ate Blea was right. Zion is nice. Ganoon lang talaga ang personality niya pero wala syang masamang intensyon.

Nakasama namin sya nang magsimba kami sa Daraga Church. We even met his family. His father is a Civil Engineer while his mother is an Architect. Kaya pala gusto niya ding maging Civil Engineer, para sumunod sa yapak ng tatay niya.

The Christmas Eve came. We are all wearing a red t-shirt with my Mom's surname printed infront.

Alcantara

I opened my IG account and typed a 'Merry Christmas' for my friends. Pinindot ko iyon nang saktong dumating ang alas dose. Mom and Dad are in the screen of Ate Blea's ipad.

Kami-kami lang ang nag-celebrate ng pasko. Ang ilan sa kapatid ni Mommy ay hindi nakapunta at may kanya-kanyang rason. Buti nalang talaga ay naisipan naming umuwi dito. Dahil kung nagkataon, baka mag-isa lang na nag-celebrate ng pasko si Lola Divina.

caelusfrncsc:
Merry Christmas,Psalm.

Umalis ako saglit doon para replyan si Zac. They are all opening their gift that had exchange.

clstnsantiago:
Merry Christmas, Zac.

Agad nanlaki ang mata ko nang makita ang screen ni Zac na tumatawag. Bahagya pa akong nataranta na baka napansin nila Ate Blea, buti nalang talaga at naka-silent ang phone ko.

Chasing The Clouds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon