Chapter 13: Pierce did that?

1.7K 115 39
                                    




Mabilis akong napatayo ng marealize na maaga pa pala ang pasok, Tumingin ako sa wallclock na nasa gilid at Halos tumalon ako sa tuwa dahil maaga pa pala. I really thought tanghali na.


Napaupo ako sa kama ko ng may marealize, Teka paano ako nakauwi?



Ang huli kong naalala ay Nasa pool ako at Kasama si Pierce and----


" Mama Sally! " Kinakabahan kong sabi at Nagmamadaling bumaba.


" O-oh anong nangyare sayo? " Naabutan ko si Mama Sally sa kusina at Nagluluto.


" Paano ako nakauwe? " Tumitig ako kay Mama Sally at Hinintay ang magiging sagot nito.


" Maupo kana, Tamang tama maluluto na 'to "


" Ma! Sinong naghatid sa akin? " Pag-uulit ko dahil mukhang iniiba ni Mama Sally ang Usapan.


" Hindi mo alam? Ano ba kaseng nangyare sayo bakit ka nakatulog? " Huminto si Mama Sally sa ginagawa niya at Humarap sa akin.


" Pierce, Bring you home.. Nakatulog ka daw sa sobrang pagod. "


" H-huh? "

" Dahil mahimbing ang pagkakatulog mo, Hindi kana niya ginising at binuhat ka niya papunta sa Kwarto mo.. "


Natigilan ako sa sinabi ni Mama Sally, Pierce did that?


" Kyah, Your so lucky Lumin! " Napasimangot ako sa bagong dating na si Shane.


" Kung nakita mo lang kung paano ka niya Buhatin Lumin, Para kayong bagong kasal.. " Mas lalo akong napasimangot sa sinabi ni Sandy.


Bakit ba kase nakatulog ako?



Habang naglalakad ako ay Hindi ko mapigilang mainis, I feel embarrassed. Hindi ako makapaniwala na nakita ni Pierce ang kahinaan ko.



" Girl have you heard, Taken na pala ang ating Fafa Pierce.. "


" Kanino mo naman narinig yan.. "



" Balitang balita kaya, Sa party daw kagabi pinakilala ni Pierce ang girlfriend niya.. "




" Ang swerte naman.. "






Nakasalubong ko ang Grupo ni Rolly ngunit ito na ang nagkusang Umiwas, Napailing-iling nalang ako at Diretsong pumasok sa loob ng Room. Tahimik akong umupo at Sinuot ang Earphone ko.


Alanganin akong tumingin sa Tatlong babaeng bagong pasok, Huminto ito sa harap ko at masamang tumingin sa akin. May mga sinasabi ito ngunit hindi ko maintindihan dahil nakaearphone ako.



Tinaasan ko ang mga ito ng kilay bago Tinanggal ang Earphone ko.



" Ikaw ba si Lumin Cassandra Anderson? " Tanong ng babaeng nasa gitna, Kulay pink ang buhok nito at ang labi nito ay pink na pink. Pwede bang may kulay ang buhok sa school na ito?


" Sumagot ka, Tinatanong ka ni Blossom! " Dumako naman ang tingin ko sa babaeng may blue na buhok, Teka parang pamilyar ang mga pormahan nila.


The bully Reincarnate as Daughter of BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon