Chapter 1 : Hi, Hey There, Hello

99 10 3
                                    

"Hi, I'm Kirstin Gil, your attending physician for today."

Ganito na lang palagi ang intro ko sa tuwing mga pasyente ko na bago. Magpapakilala ng pangalan, magche-check ng charts, kukumustahin ang pasyente, magtatanong ng medical history niya, tapos magrerecommend ng samu't saring mga tests.

Maayos pa sana noong una. Mas masaya ng trabaho ko noon. May sense of fulfillment, kung baga. Pero the past few days, parang wala na. Robotic na. Parang I was just running on fumes na lang.

Hindi ko naman ginusto maging doctor, sa totoo lang. Kung ako nga ang papipiliin, mas trip ko pa maging Mrs Kirstin na lang. Ayaw ko na ng iba pang tawag sa akin. 

Pero mapilit sina mom and dad.

"It's either maging doctor ka or isang attorney, Kiki." 

Iyon ang laging sabi sa akin ni Dad. Si Mom naman, tahimik lang. Di man lang ako maipagtanggol. At dahil ako ang bunso sa isang pamilyang puro titulado ang pangalan, wala na akong magawa. Kailangan ko sila sundin. Wala akong choice but to follow every whims and desires my family has.

Ganoon naman talaga yata kasi e. Kapag nasa isang pamilya kang napaka-conservativo, you don't have any say about your decision. Mula sa pagpili ng escuelahan hanggang sa the clothes I wear, mom and dad has the last say. Parang sinasakal na lang nila ako ng malambing. O pinapatay na may lullabye na kasama.

"Doc, naka-upload na po ang test result ni Mrs. Stanos." Si Jestoni iyon, isa sa mga nurses. Si Jestoni na Jess sa umaga, Jessica sa gabi. Parang pareho lang ang sitwasyon namin. Or more or less, pareho din lang. Military family naman kasi ang kinalakihan ni Jess, kaya hanggang ngayon e paminta pa rin ang peg niya. Hindi siya makapagladlad.

Buhay nga naman ng tao. Bakit lagi na lang may harang sa kaligayahan?

"Hey there, Jess. Salamat nang marami ah"  iyon na lang ang nasabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako sabay nagpaalam. Ako namang si gaga, naka-focus naman sa tablet ko, tintingnan ang records ng labtest ng isa kong pasyente. As always.

I was always the healer. Although I myself need to be healed.

***

Code blue na naman daw. Sabi ng announcer sa Tannoy system ng ospital.

Marami namang doctors dito sa ospital na ito. Pero once nakarinig ka nang code blue na iyan. Doctor ka. You are here to save lives. Even at the expense of your life. So I needed to attend sa pasyente na iyon.

I was playing with my fingers when suddenly, the engagement ring that my boyfriend gave me slipped and fell to the ground. Umikot-ikot pa ito, parang gulong na umiiwas sa akin ang peste. Nakatungo tuloy akong hinahabol ang singsing na bigla na lang nadulas mula sa aking mga daliri. Naumpog pa tuloy ako sa legs ng isang lalake na nakatayo sa lobby.

"Hello, are you alright?" sabi ng lalakeng nabangga ko. Napaupo pa kasi ako ng kaunti dahil sa pesteng singsing na iyon. He went down on his knees and picked up my engagement ring, then gave it to me.

"I believe this is yours?" he said. Tiningnan ko ang lalakeng kanina pa ingles ng ingles para pasalamatan. He was smiling at me habang inaabot sa akin ang ring na iyon. Para lang siyang biglang nagpo-propose.

"Thank you" pautal-utal ko na lang na sabi sa kanya. Alam mo iyung love at first sight? Ako din, hindi naniniwala doon. I thought it was just a silly phrase people use to describe a feeling. Pero I felt something in him that I can't express. Something that logic can never even express. Basta. It was a weird yet comforting feeling.

Hello : Goodbye : HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon