Chapter 10 : No Umbrella

57 6 3
                                    

"Smile ka naman daw, sabi ni Dimapalagay. Di iyang puro tiger look."

Iyon ang nakalagay sa isang note na nakalagay sa ilalim nang breakfast na ibinigay Lean. Parang kinalkal pa ng manok ang sulat nito. Daig pa ang mga doctor sa handwriting.

And as usual, kahit sa mga notes niya, mapangasar pa rin si gago.

Hindi ko nga alam kung papaano niya nakilala si Dimapalagay. Pero hindi na ako nagtataka. Si Lean pa, ang Mr. Congeniality ng taon. Itinago ko na lang ang note niyang iyon, the very first note na ibinigay niya sa akin. Bakit? Wala lang. Trip ko lang.

Kagaya nang trip ko lang na kiligin ako sa mapangasar niyang note na iyon.

Naalala ko na naman tuloy ang mukha niya kaninang umaga. Noong kausap ko lang siya. Tama nga ang sinasabi ng mga matatanda. Don't judge a book by its cover. Iyung mga masasayahing tao kagaya ni Lean, mas malalim pala ang kalungkutan ang nararamdaman nila.

It's like there are poems inside of him that any paper cannot handle. Or a melody that is so sad even death will weep once he hears it.

Kakaunti pa lang ang naririnig ko sa kanya, pero parang pinunit na ng girlfriend niya ang buong pagkatao nito. Sabi ng kapatid niya noong nakakuwentuhan ko dati, malihim daw masyado ang kuya Lean niya. He doesn't tell anyone his problems. Na nadiskubre na lang nila ang kanyang problema nito-nito lang.

Hindi ko tuloy alam if I should be flattered or otherwise sa paglalahad niyang iyon sa akin. Iniisip ko na lang, he was just telling me this stuff just to make me stronger. Kasi alam na niya ang lahat nang nangyayari sa amin ni Gab.

Itinabi ko ang note na iyon sa isang notebook ko, then proceeded to write my second note sa binigay niyang hearts -

For always being there when I needed someone to talk to. For telling me those secrets that he dare not say to any soul. And for that stupid note that he gave. It gave my heart a squeeze.

***

"Bakit di mo na lang ibalik iyung dating ikaw, Lean?"

It was a week after nang huli naming pagkikita yata iyon. Wala pa ring tigil sina Mom and Dad sa pangungulit sa akin tungkol sa relasyon namin ni Gab. At dahil napuno na ako, I decided to go on my own sa bar ni Lean. I needed someone or some place where I can rant about my life. Especially my life with Gab.

He was there that night, with a cast on his hand. Nadulas daw ang gago dahil sa work niya, sabi sa akin ni Carissa. Matigas lang daw ang ulo at nagpasiyang pumasok pa. Parang mag-siyota na nga ang dalawa kung titingnan mo sila. They are that comfortable with each other.

"What do you mean dating ako?"

He inquired with a smile on his face. Pagkatapos ko kasing magkuwento sa pangungulit sa akin nina Mom and Dad, may isang grupo kasi nang mga balikbayan na nakakita sa kanya. Bukod sa kamustahan at pagiging nostalgic nila sa nakaraan, ilang beses ko din na narinig na ang laki nang pinagbago niya. Parang nawala na raw iyung astig na Lean. Iyung rockstar na Lean.

Iyung tunay na Lean.

"Iyung Lean na nakilala na nang mga kabigan mo. Kagaya noong sinasabi nang na-meet lang natin kanina?"

Wala lang, I really need to know him better lang. I needed to understand how he was, what happened to him, and why did he change to the point na kahit mga kaibigan niya, di na siya makilala.

Papaano siya naging replica lang ng original na sarili niya?

Lean just laughed softly. "Di ko mga kaibigan iyon, kaklase ko lang."

Hello : Goodbye : HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon