Silence fell after I pronounced the death of a man na isinugod lang sa ospital kani-kanina lang.
Well, di naman silence as in total silence. May mga hikbi pa ring maririnig sa paligid. The man looked calm na din naman. Wala na siyang paghihirap sa mundo. He found peace at last.
He was diagnosed with Takotsubo cardiomyopathy. Broken heart disease, for the layman. Ang sabi nang tita ng namatay, matagal na raw na-diagnose na mayroon siya noon. Akala raw nila naka-recover na siya when they sent him over sa probinsiya nila. Little did they know na may dinaramdam pa din pala ang namatay.
Nadiskubre daw kasi nang lalake na kinakaliwa siya ng kanyang fiance. Isang tao na inalay na ang lahat-lahat para sa babaeng pinkaiibig niya. Tapos parang wala pang support system mula sa pamilya niya. Lalake daw kasi siya. Walang karapatang masaktan. Walang karapatang masugatan.
Kaya ayon, pagkauwi nila sa ciudad, bigla siyang inatake sa puso. It's a rare event, granted, pero medyo mataas din kasi ang cases na magkakaroon nang myocardial infarction ang mga may TCM.
Bigla ko tuloy naisip si Lean.
Kasi sa nakikita ko sa kanya, hindi lang broken ang gago na iyon. Parang ang dinurog na parang tawas na ang puso niya.
Sa akin kasi, oo, nasaktan ako nang madiskubre ko ang ginagawang pangloloko sa akin nang kasintahan ko. Pero ngayon ko lang na-realise na nasaktan ako di dahil sa mahal ko siya. Nasaktan ako dahil matagal na niya pala ako niloloko.
Pero si Lean, hindi eh. Mahal na mahal niya pa rin ang jowa niya. Sa mga kuwento na lang ng kapatid at kasama niya sa trabaho, kahit pahapyaw lang ang mga ito, parang totoo lang talaga ang sinabi niya dati - she's still tattooed in his heart.
Kaya ngayon, takot na takot na siya umibig uli. Bull fucking shite.
And that's the part that sucks. I fell in love with someone that's still in love with someone. And that someone isn't me.
Pero hindi bale. Basta may buhay, may pag-asa. And umaasa pa rin ako na someday, mababaling na din ang paningin ni gago sa ibang tao. At sana, iyung pagtingin na iyon, sa akin na lang niya ibigay.
***
Nakita ko si Lean sa may lobby when I was on my way back to my office.
Nakikipagbiruan pa ito kay Dr. Linggo. Parang close na close na din sila nang matandang masungit na iyon. Isipin mo, maging ang matandang doctor na iyon, napapatawa na niya nang ganoon kalakas?
Iba talaga ang karisma ng gago na ito.
Pero bakit ganoon lang. Ever since noong may nangyaring incident between him and Gab, parang hindi na siya nagiging maaga sa pagpunta niya tuwing check-up niya. Hindi naman siya iyung parang umiiwas or anything. But something was off. Definitely off.
And to be honest, nagtatampo na din ako.
Hindi kami mag-jowa. Ni mag-MU o nagde-date, di din kami iyon. Pero noong di na kami masyadong naguusap, bakit ganoon? Bakit bigla na lang ako nasasaktan?
"Doctora Tin Gil" bati na naman sa akin ni gago nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. I just gave him a nod, then nagmadali na ako umalis mula sa kinatatayuan ko. Nakita ko na nagpapaalam si Lean kay Dr. Linggo, sabay humabol sa akin.
"Ang bilis mo namang maglakad, Doctora" sabi nito sa akin, with the same impish smile and behaviour. Inismidan ko lang ang gago. May tampo pa rin ako sa kanya e.
"Ang init nang ulo natin ngayon Doctora Tin Gil ah" sabi nito, walking in reverse whilst facing me. "Red tide ba ngayon?"
Nakangiti pa ang gago habang nakatingin lang sa akin. Ako naman, di na din maiwasang mapangiti. Parang may virus yata ang gagong ito. Lahat nang gusto niyang pangitiin, napapangiti niya.
BINABASA MO ANG
Hello : Goodbye : Hello
RomanceKirstin Gil, a doctor, met Lean Barcelona at the hospital. It was a meeting of two souls. Now, the question is, will love blossom upon the walls of that hospital?