A las tres na nang madaling araw.
Di pa din ako makatulog.
Normally, kapag nasa probinsiya ako, mga bandang a las nueve pa lang antok na antok na ako. Dapat nakahimlay at mahimbing na ang pagtulog ko ngayong gabing ito. Pero hindi pa rin e.
At dahil ito kay Lean.
There. I said it. I am totally convinced na siya talaga ang nagpapagising sa aking ngayong gabing ito. That last look he gave me before he went to bed stirred something inside of me.
Nanliligaw na ba sa akin ito?
I mean, let's face it, sinong gago ang pupunta dito sa bayan kong pagkalayo-layo para lang ipagpaalam ang pagsama niya sa akin sa reunion bukas? Sinong gago ang pati ang mga kamag-anak ko, niligawan na din yata para matanggap siya ng tuluyan? Not to mention iyung mga things to make me feel special. Kahit sino naman mag-iisip na kung hindi kami e malamang, nililigawan na niya ako.
Pero ang labo niya lang din e. Wala siyang sinasabi sa akin na kahit ano. Lagi lang siyang nang-aasar. Iyung mga pasulyap-sulyap niyang iyon, notably when he sings, nane-negate na niya kaagad with just a few words that are coming out of his mouth. Kagaya kanina. May pa-is it okay if I call you mine pa na palabas ang gago, sabay bestie naman ang tawag niya sa akin.
Pesteng iyan. Imbes na bestie, dapat baby na lang ang itawag niya sa akin. Mas matutuwa pa ako.
I just decided to get my bag and look for the jar of hearts that he gave me. Para na din naman akong tanga, di ba? Pati mga iyung mason jar na iyon, dala-dala ko pa rin kahit saan ako pumunta. I justify it na lang as this being his fault. Ang lakas niya magpa-miss. And that jar is the first ever gift he gave me. So quits lang.
I took a pen then wrote this note. Sabi naman niya any events na hindi makakalimutan ng puso at isip ko. So isinulat ko na lang ito -
Sa mga sinasabi mo na di naman tugma sa iyong ginagawa. You are making my heart confused.
***
It was almost noon time when I woke up the next day. Anong oras na din kasi ako nakatulog. The sun was shining brightly on my window and it began hitting my face. Nagpasya akong bumangon na lang at mag-ayos nang sarili para makapag-almusal na rin.
Approaching the kitchen, I saw Lean happily chatting with mom whilst he was helping her with the cooking. Ate was staring at him quite earnestly. Tuwang-tuwa ito sa kaniyang nakikita. I greeted everyone good morning then poured myself a cup of coffee.
"Good morning, bestie. Had a good night's rest?" nakangiting pagbati sa akin ni gago. Umagang-umaga, ang lakas niyang mang-asar. He then offered me a still smoking hot cup of champorado, some danggit, then some freshly toasted pan de sal and an omelette. Parang ginagawa niya akong patabaing baboy.
"Tikman mo iyang champorado saka iyun omelette, Kiki. Si Lean ang nagluto niyan" sabi naman ni ate sa akin. I just smiled at her then began tasting his cooking. In fairness. masarap nga magluto si gago.
I looked at Lean who was busy chopping the veggies sa aming uulamin ngayong tanghali. It was kare-kare, a dish na normally we just eat sa restaurants. Hindi kasi alam magluto ni mom ng dish na iyon. Ultimo pati bagoong, siya na din ang nagluto. Which is weird in a way. Kasi he could've just bought the damn thing off the shelves.
Nagisip tuloy ako bigla, saka-sakaling maging kami ni Lean, malamang magiging one big happy family kami. Kasi tanggap na siya nina mom at ni dad. And judging by the way his family treated me, malamang tanggap na din nila ako. I even started planning kung ilang anak ang gagawin namin at kung saan kami titira.
BINABASA MO ANG
Hello : Goodbye : Hello
RomanceKirstin Gil, a doctor, met Lean Barcelona at the hospital. It was a meeting of two souls. Now, the question is, will love blossom upon the walls of that hospital?