Ilang oras ko ring tinitingnan ang mga photos na iyon.
Ilang oras ko ring pinagmamasdan ang mukha ng isang tao na minahal ko for half of my life. Isang tao na di ko iniisip na gaganituhin lang pala ako - lolokohin, gagaguhin, papaikutin ang ulo. Iyung mga pangiti niyang iyon? It's like a smile of satisfaction. A sign of victory. Isang ngiti nang tagumpay.
At ako ang talunan.
Sa totoo lang, I wasn't expecting anything positive to come out of our relationship na din naman. Tangina, nahuli ko na nga siyang may kinakantot na iba, di ba? All I was asking from him was a bit of honesty lang naman. Kaunting transparency. Wala nang mga bullshit na palusot o palabas.
I just want him to admit the truth.
Pero mahirap yata sa kanya iyon. Nadiskubre ko kung gaano siya kasinungaling. He's always telling lies, be it white or otherwise. At ako namang si tanga, lagi namang naniniwala sa mga pinagsasabi niya. Siguro dahil sa nakikita niyang kayang-kaya niya akong utuin at paikutin ang ulo, namimihasa na din siya. And I can't blame him for that.
Ako din naman ang may kasalanan.
I needed to calm down for a bit. Or at least, iyon ang sinasabi ng utak ko. Pesteng buhay nga naman ito din e. Sa dinami-dami nang araw na makakatanggap ka nang masamang balita, bakit ngayon pa? Kung kailan pa parang pinupukpok ng maso ang ulo ko?
To be honest, hindi ko na alam ang gagawin ko noong mga panahon na iyon. Lutang na lutang na ako. Sabaw na sabaw na. Ang dami kong gustong gawin pero di ko alam kung papaano sisimulan ang lahat. Parang I need to speak to someone na makakaintindi sa akin. Makakaintindi sa aking nararamdaman. Sa sitwasyon ko.
Pero mahirap na yata iyon. Mahirap nang magtiwala sa mga tao. Kahit pa sa mga taong itinuturing mong mga kaibigan.
Nagpasiya akong umalis na lang ng bahay. Nagsinungaling na lang ako kina mom at dad, sabi ko may emergency case sa hospital and ako ang on-call na doctor. Tangina, pati ang trabaho ko, nadadamay na din sa mga katarantaduhang nangyayari sa buhay ko. Pati ang trabaho ko, nadadamay na din nang dahil sa mga katarantaduhang ginagawa niya.
I needed some time to think about myself muna. I needed some air to breathe,
I need to have a break.
***
A las siete ng gabi.
I don't know how I arrived at this place. It just happened. Ayaw ko lang siguro magmukmok at mapang-isa that night. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na nakaharap na sa may puertahan ng bar ni Lean.
Plano ko pa sanang umalis na lang at mag drive pa nang kaunti, kaso nakita na ako ni Eddie. He even waved his hand and gave me a nod, so wala na akong choice kung hindi pumasok na lang sa bar nila. eased my way out of my car seat, then arranged myself kahit kaunti lang. Ayaw ko makita ni gago ang pamumula nang mata ko.
Lean was busy arranging some liquor bottles when I slowly entered his bar. Eddie called his attention, then slowly pointed at me using his lips. Ngumiti lang ang gago then started waving his hand.
"Aba, bakit ang aga mong umuwi ng Manila, Doctora?" sabi ni Lean habang papalapit sa akin. I smiled back and told him to stay put na lang, as I took a seat sa harapan nang bar niya.
"Want anything to drink?" tanong niya while having this quizzical look on his face. I just gave out a sigh, then look at him straight into his eye.
"One bloody mary, please?" I replied. He just gave a smile then started to concoct the cocktail for me. I took out a cigarette off my pocket then lit it up. The amber, almost dim lights of his bar complements the gray smoke coming out of my fag. Fuck. Parang nasa set lang kami nang isang pelikula.
BINABASA MO ANG
Hello : Goodbye : Hello
RomansaKirstin Gil, a doctor, met Lean Barcelona at the hospital. It was a meeting of two souls. Now, the question is, will love blossom upon the walls of that hospital?