"Rise and shine, Doctora Tin Gil."
Text greeting ni Lean sa akin. Napapansin ko lang na the past few days, lagi na siyang ganyan. May pa-good morning message na. Minsan, may smiley pa.
Para lang siyang tanga.
Pero aaminin ko, kinikilig naman ako sa arte niyang iyon. Alam mo iyung feeling na napapansin ka na ng crush mo to the point na tine-text ka na niya? Ganoon lang ang pakiramdam ko. Feeling high school lang.
Para din lang akong tanga.
Tapos ever since iyung last "date" namin na iyon, parang lalo nang dumadalas ang pagdalaw niya sa ospital na iyon. O baka imagination ko lang din lang iyon. Basta, all I know is kapag pumapasok ko sa trabaho, lagi akong naga-anticipate na sa pagdalaw niya.
Na parang tanga lang.
Pero di bale na. I don't mind being called stupid or dimwitted. Mas maganda nang maging tanga. Basta masaya.
Alam ko wala pa kaming label. Alam ko din na kagaya ko din lang siya. We're both stuck in a loveless relationship. Ako, I'm still being pressured by my parents na makipagayos pa sa isang taong nadiskubre kong niloloko lang ako. Siya, di ko alam ang reason niya, Pero something tells me na mas malalim ang dahilan niyang iyon.
Kaya for the mean time, I am just enjoying our setup. Ignore all the naysayers, sabi nga nila. Ang pinakaimportanteng bagay daw sa buhay nang isang tao ay kaligayahan. Let us enjoy the comfort brought about by our strangeness.
Kahit ano pa man ang tawag dito. Basta ang importante, masaya ako.
***
Pagpasok ko sa trabaho nakita ko bigla si Dr. Lex Lucero, isa sa mga kaibigan ni Gab. May kausap siyang dalawang nurses. Mga interns, to be exact. Malamang may plano na naman ito sa mga ito. Ano kasi iyung sinasabi nila? Birds of a feather flock together?
Papaano ko ba ide-describe si Dr. Lucero?
On the surface, he seems like a good man. Palakaibigan, mabait lalo na sa mga bagong kakilala, at maalaga din. Christian pa siya, the sort of christian na laging sumasamba nang dalawang beses sa isang linggo. May mga outreach programs pa siyang inaasikaso, at responsableng asawa at ama na din ito. Parang wala ka nang mahahanap pa mali sa kanya.
Unless you dig deeper.
Marami na din namang nakakapansin sa mga ginagawa niya. Simply put, chismoso siya sa dilang chismoso. Lahat na lang yata nang mga balita, dapat in the know siya. Dapat updated siya sa lahat ng happenings. And don't get me started sa mga ikinakalat niyang balita.
Parang nilalagyan niya kasi nang vetsin ang bawat balitang ikinukuwento niya. Lalagyan niya lang ng mga "preface" words, kagaya nang "narinig ko lang" or "sa akin lang naman" pero kung makapanghusga, wagas din ang taong iyon. Na parang wala nang iba pang malinis at dalisay sa paningin niya. Siya lang iyon. Si Dr. Lex Lucero.
Makes me have doubts about the ethics of a religous person. Sila nga di nila maiwasang i-break ang 9th commandment ni Moises. Granted, galing pa iyon sa Old Testament ah.
Pati mga pasyente niya, wala ding ligtas sa kanya. Kung makapangchismis din ang doctor na iyon sa mga pasyente, parang wala na lang siyang pakialam. Muntik pa nga siyang idemanda dati ng mga magulang ni Mr. Co. Sabihin ba naman niya na namatay daw si Mr. Co dahil sa AIDS complications. Buti na lang napakiusapan nang hospital director namin ang pamilya niya. Kung hindi, nasa balita na ang ospital namin, malamang mawalan din siya ng lisensiya dahil sa violation of patient privacy and confidentiality.
I greeted him noong dinaanan ko sila sa hallway. Bigla namang nagulat ito, na parang batang nahuling nangungupit mula sa bulsa ng mga magulang niya. He was back to being the good Dr. Lucero, asking how my day was and why I was at work. I just answered all of his queries, then proceeded to my room.
BINABASA MO ANG
Hello : Goodbye : Hello
RomanceKirstin Gil, a doctor, met Lean Barcelona at the hospital. It was a meeting of two souls. Now, the question is, will love blossom upon the walls of that hospital?