Kanina pa ako nagtatrabaho.
Parang lahat na lang yata nang puwede kong tingnan, tiningnan ko na sa mga pasyente ko. Lahat, ginawa ko na. Para maialis lang ang lahat lahat nang nangyari kaninang umaga lang.
Iyung cake. Iyung tubig. Iyung vendo coffee. Iyung pesteng kanta na pinapakinggan ni Manang Loida. Iyung rosas. At higit sa lahat, si Lean.
Ang anak ng tokwang si Lean.
Natatandaan ko pa iyung sinabi niya a few days ago. Na kapag committed ka na sa isang tao, hindi ka na raw dapat naghahanap ng perfection sa iba pang tao. Dapat, ang focus mo, doon na lang sa taong iyon. Wala nang iba pa.
Pero bakit ganoon? Nakakita ako ng isang tao na perfect pa sa perfect? Kahit committed na ako sa iba?
I was staring at the rose he gave me a few moments ago. Isang stalk lang iyon ng rosas, pero the feeling it gives me was too overflowing na kaagad. Tapos, compared to the 36 roses na binigay sa akin ng boyfriend ko just a few days ago? The difference seems to be like night and day.
And not only that. The little things he does - iyung pag-aayos niya sa desk ko, pangangamusta niya kada oras, the free coffee na galing vendo, even the god damned mocha cheesecake - seems to be more genuine, more heartfelt, mas damang-dama. Unlike what Gab's been showing me the past few years.
Nagdesisyon na lang ako pumunta sa nurses' station para tingnan ang mga labtest na pinagawa ko sa mga pasyente ko. Kaysa maghapon lang ako magmukmok at mag-isip ng kung ano-ano pang mga bagay-bagay, mas maganda na din lang na asikasuhin ko na lang ang trabaho ko. At least, nasusulit ang Ibinabayad sa akin ng ospital.
"Doctora Gil" bati sa akin ng isang lalake habang naglalakad ako papunta sa nurses' station. Si Dr. Andalusia pala iyon, kasama ang kaniyang girlfriend. They were busy chatting with Lean when I passed by his room.
"Got 15?"
I gave him a smile and nodded. He asked for Lean's charts, wondering if I could show him those and asked about his friend's situation. Nireport ko naman lahat ng nalalaman ko sa kaniya, except for some details na sa palagay ko ay masyado na private para ipaalam kahit kanino.
"So you think mas stable na condition niya?"
"I think so, Doc. Pero kagaya ng sabi mo, we still need to monitor him for at least a fortnight to a month siguro."
"I see. That's good news" sagot naman nito na di ngumingiti. He handed back my tablet to me, then said "Kung puwede lang sana, Doc, iwasan nating may makarating na kahit anong balita na makaka-trigger sa kanya, please?"
Isang matipid na ngiti na lang ang naisagot ko sa request niyang iyon. Parang mahirap din kasing sabihin na walang makakarating na balita na makaka-trigger sa kanya. Ang dami pa namang chismoso at chismosa sa ospital. Parang mahirap mangako ng isang bagay na alam mo di mo din naman matutupad.
Dr. Andalusia then gave a smile back, tapos nagpaalam na sa akin. I was about to go back to my room when suddenly, isang makulit na boses na naman ang tumatawag sa akin. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.
"Doctora Tin Gil, tara kape tayo."
***
Makulimlim ang langit na sumalubong sa aming dalawa noong umaga na iyon. It was a grey and wet morning. Perfect ang biniling kape ni Lean para sa panahon na iyon.
He was back to his pensive mood once again. His eyes were staring at the nothingness in front of him, a cup of coffee in one hand and a stick of cigarette on the other. The silver-gray smoke coming out of his lit cigar mixes with the cold air of that morning and the sweet smell of the perfume he was wearing.
BINABASA MO ANG
Hello : Goodbye : Hello
RomansaKirstin Gil, a doctor, met Lean Barcelona at the hospital. It was a meeting of two souls. Now, the question is, will love blossom upon the walls of that hospital?