The look of astonishment still shone sa mga mata ng mga tao sa lamesa namin. Everyone was just dumbfounded. Sina Denise at Michelle, parang dalawang gaga lang na kinikilig habang tinitingnan ako. Inismidan ko na lang sila, sabay muestra nang "what" sa kanila habang papalapit sa dalawa. Everyone seems to be in a trance when we reached our table.
Lalong-lalo na si Catherine.
Parang pinaghalong pagkamangha, pagtataka, at pagseselos ang nakikita ko sa kanyang mga mata. And for some reason, it made me feel glad. Di ko lang alam. Parang ang sarap lang nang pakiramdam na hilahin pabalik nang earth ang isang taong laging feeling niya ay nasa ere siya palagi.
He pulled out a chair and sat me down before taking his seat. Peste talagang lalake na ito, kung makakilos para lang tungaw. Kinikilig naman ako dahil sa ginagawa niya. He just gave everyone at our table a bow and a smile, then proceeded to ask the waiter for some drinks.
Siyempre, ako naman, kailangan kong ipakilala si Lean sa mga kasama ko sa table. I just introed him as a friend from work, na pinagsisihan ko din in the long run. Sina Denise at Michelle, parang mga gaga lang na kinikilig samantalang si Catherine, parang naluging negosyante.
"Bakit hindi mo kasama si Gab ngayon, Kirsten?" sabi ni Catherine habang ang kanyang mga mata naman ay naka-focus kay Lean. Parang nang-aakit na di maintindihan ang pagtingin niyang iyon. Na nakakagigil.
"He's busy at work" sagot ko na lang, then proceeded to grab some of the liquor being served by the wait staff. Tinitingnan ko si Cath habang tinutungga ko ang hawak kong baso na may alak. Sa lahat nang nagtatanong tungkol sa isang private na bagay, siya lang talaga ang di tumitingin sa kausap.
All her attention was focused on Lean. All eyes and ears siya dito, na parang, sorry for the term, pero paglalandi sa lalakeng kaharap niya. Na pinapansin naman ng gagong kaharap niya. Parang enjoy na enjoy pa ito, all nice and cordial with her.
And that annoys me even more.
Their convo lasted for what felt like years. Fuck, pati nga ang dapat na isang baso na alak na plano kong inumin ngayon, napaparami na. Sina Denise at Michelle was looking at me pa, half worried. The other half, natatawa. Magkakakaibigan ka na lang, bakit ganoon pa.
"Lean, can I borrow my phone, please?"
Para na akong bata na inagawan ng kalaro bigla. Iyon na lang ang nasabi ko para mabaling ang attention ni gago mula kay Cath. Pero ito pa ang nakakaasar. He just took my phone off his pocket, then gave it to me. Without even looking.
Putangina. Sa sobrang inis ko, hinablot ko na lang ang phone mula sa kanyang mga kamay sabay inismidan siya. But due to some unforseen circumstance, nakalmot ng mga daliri ko ang kamay ni Lean. That made him writhe in pain, which made everyone in the table look.
"What happened, Lee?" Cath said, looking at him na parang jowa niya na lang bigla.
"It's nothing, Kate" sagot naman ni Lean habang nakatingin sa akin. If looks could kill, malamang ilang beses na namatay itong si Lean sa pag-ganti ko sa titig niyang iyon. I looked at the girl na kanina pa nanglalandi sa kanya. She was still looking at Lean, nagpapa-cute at nagpapakakikay.
"Oh my god!" exclaimed Cath, habang hawak hawak ang kaliwang kamay na pinangabot ni Lean ng cellphone sa akin.
"You are bleeding na oh."
I looked at Lean's hand being held by that woman. I must admit na kahit inis na inis na ako sa babaeng iyon, I felt guilty bigla sa ginawa ko. My fingernails dug deep on Lean's skin. And the marks on his hand show my sin.
BINABASA MO ANG
Hello : Goodbye : Hello
RomanceKirstin Gil, a doctor, met Lean Barcelona at the hospital. It was a meeting of two souls. Now, the question is, will love blossom upon the walls of that hospital?