Chapter 4

6.1K 141 10
                                        

NICOLETTE











"Ouch!" Singhap ko nang kumirot ang tuhod ko habang nililinis ni Kuyang Ascott yung gasgas ko.

"Sorry." Aniya at hinipan yung gasgas ko.

Ang gwapo gwapo ni Kuyang Ascott. Bukod sa gwapo ang bango bango pa! Naamoy ko kasi siya kanina nung binuhat niya ako at dinala dito sa office niya.

Grabe! Parang ayoko na ngang bumitaw e!

Medyo nahiya nga rin ako ng very slight dahil feeling ko ang baho ko tapos siya ang bango-bango.

I pouted with that thought. Sana na lang talaga mahina ang sense of smell niya.

Inabot ko ang isa pang hita ng manok at muling nilantakan. Nagpadala kasi siya ng pagkain dito dahil narinig niya kanina ang ang pagkulo ng tiyan ko.

Susulitin ko na ang kabaitan niya dahil baka last na kain ko na to. For sure kasi magugutom lang ulit ako kapag umalis na ako dito.

Mag-iimbak na ako sa tiyan ko.

"Kuyang Ascott, doktor ka ba?" Tanong ko at nagulat ako nang bigla siyang maubo.

Hala! Naubo siya, baka isa siyang pasyente! Mali ako ng hula!

"I'm not." Iling niya na nangingiti kaya medyo sumisilay yung dimple niya. "I'm a chef and a businessman."

Nanlaki ang mga mata ko. "Wow! Ibig bang sabihin ikaw nagluto ng lahat ng 'to?" Turo ko sa mga pagkaing nilalantakan ko.

Marahan niyang ibinaba ang binti kong nakapatong sa hita niya, matapos linisan at lagyan ng gamot.

"Hindi e, pero minsan tumutulong din ako sa kusina." Sabi niya na tinanguan ko na lang.

He pouted. "May mga chef akong hinire para magluto dito sa restaurant. But if you want I can cook for you."

Umiling ako na ikinaawang ng bibig niya. Napalunok siya habang nakatingin sa akin. "Ayaw mong ipagluto kita?"

"Gusto naman pero busog na kasi ako ngayon e." Sabi ko at nakita ko ang pagtakas ng tawa sa bibig niya.

"Edi next time." Ngiti niya.

Hala! May next time pa? Ang bait nga niya kung ganoon!

"Ang bait mo pala Kuyang Ascott! Sorry kung jinudge kita agad ha? Nahawa yata ako kay Kuyang Guard sa pagiging judgemental."

"Ascott na lang, ang haba kapag may Kuyang e." Nagkakamot ng batok niyang saad.

Aww, ang cute niyang tingnan. Para siyang nahihiya.

"Parang hindi pwede ang gusto mo Kuyang Ascott. Sabi kasi sa I.D mo, twenty nine ka na. You're older than me kaya dapat lang na may Kuya kapag tinatawag kita." Dirediretso kong sabi.

"Fuck! Parang gusto kong pagsisihan na ibinigay ko ang I.D ko!" Aniya na hindi ko nagets.

He sighed and stared at me. "Just call me Ascott. Hindi naman siguro nagkakalayo ang edad natin?"

"Hindi naman kase magkatabi lang tayo--"

"No," iling niya. "That's not what I meant."

Napanguso ako. "Eh ano?"

"How old are you?" Tanong niya.

"Twenty." Sagot ko at nakita ko ang pagpikit niya ng mariin tapos nagbulong siya ng hindi ko naman maintindihan kasi ang hina hina.

Parang bubuyog 'tong si Kuyang Ascott.

"Basta Ascott na lang." Sabi niya pero umiling ako.

He glared at me. "You'll call me Ascott or I'll make you pay for eating all of those foods?"

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon