NICOLETTE
"Papa, dito ka po nakatira?" Tanong ni Ethan nang makapasok kami sa Unit ni Ascott.
"Yep, dito ako nag-i-stay pero may bahay ako malapit kila Tito Athran mo." Sagot naman ni Ascott sa buhat na anak.
Kung titingnan silang dalawa para silang pinagbiyak na bunga, ang kaibahan lang ay ang mga mata ni Ethan na nakuha sa akin at ang dalawang biloy nito, kay Ascott kasi ay iisa lang but all and all magkamukha talaga ang dalawa.
"You have a house naman po pala then bakit hindi ka po duon nakatira?" Pag-uusisa pa ng anak namin.
Napanguso ako.
Never naging madaldal ang anak ko, siya yung tipo na kahit kuryoso sa isang bagay ay hindi niya pakikialaman o kahit magtanong man lang. Kuntento na siya kung anong nakikita at nalalaman niya kaya talagang nagugulat ako ngayon.
He's too curious about his father.
Nag-iwas ako nang tingin nang sinulyapan ako ni Ascott. Nagkunwari akong busy sa pagtingin sa paligid.
"That house was too big for me but now na nandito na kayo, I might consider living there. Para sa inyo talaga iyon ng Mama mo. Regalo ko dapat iyon after ng kasal namin."
Natigilan ako sa narinig. Muntik ng tumalon palabas ang puso ko dahil sa naging sagot niya.
Naikwento ni Addie na hindi natuloy ang kasal namin dahil nga sa nangyari. If that accident didn't happen, siguro masayang masaya na kami.
Dinala kami ni Ascott sa isang kwarto. The house was very clean, mukhang maalaga sa bahay si Ascott.
"Dito po tayo mag-i-sleep? Tayo pong tatlo nila Mama?" Tanong pa ng anak ko nang ibaba siya ni Ascott sa ibabaw ng kama.
"Yeah, ito lang kasi ang kwarto dito." Sagot niya at sinulyapan ulit ako kaya agad ulit akong nag-iwas ng tingin.
"Pero kung hindi komportable si Mama mo pwede namang maglatag na lang ako dito sa sahi--"
"H-Hindi na..." Putol ko sa kanya. "M-Malaki naman ang kama, kasya naman siguro tayo." Nahihiyang wika ko.
Nakakahiya kung sa sahig siya matutulog. Baka hindi siya makatulog ng maayos at sumakit pa ang katawan niya.
He smiled and nodded.
Wala naman akong nararamdamang ilang sa kanya. Tulad nga ng sabi ko, parang kilalang kilala na siya ng puso at katawan ko.
That night, naunang nakatulog si Ethan, napagod siguro. Nasa banyo pa si Ascott kaya naisipan kong lumabas muna. Nagtungo ako sa may balcony. Napangiti ako nang makita ang maliliit na ilaw mula sa mga sasakyan at ibang buildings.
Niyakap ko ang sarili ko nang makaramdam ng ginaw. Dapat pala nagdala ako ng jacket. Naka short-sleeve nightdress lang kasi ako kaya medyo nanunuot yung lamig sa balat ko.
Pero hindi nagtagal iyon dahil mula sa likod ay binalot ako ni Ascott sa mainit na yakap. I automatically smiled and touched his arms that were wrapped on my waist.
I felt him kissed my head before placing his chin on my shoulder. He smells great! Amoy shower gel na sobrang bango.
"Ethan lang ba ang pangalan ng anak natin?" Tanong niya.
Anak natin...that sounds good.
"Ethan Griffin Sanchez. Yun ang nasa birth certificate niya. He's using Sanchez dahil akala ko talaga ako si Arielle Sanchez." Sagot ko.
"Are you the one who named him?" Tanong pa niya kaya tumango ako at ngumuso.
"Panget ba? Do you want to change it?" I asked.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
General Fiction"Nicollete Dheil Jimenez, you are forever mine. From the first day i laid my eyes on you and until forever. " bulong ng isang gwapong bampira bago sinakop ang mga labi ko.