Chapter 11

5.8K 119 20
                                        

NICOLETTE













"Here, inumin mo muna 'tong pain reliever." Sabi ng Nurse at inabot sa akin ang isang gamot at isang baso na may lamang tubig.

"Magpahinga ka muna diyan sa kama. Tinawagan ko na yung number na binigay mo kaya on the way na yung susundo sayo."

"T-Thank you po." Napapangiwi sa sakit na sabi ko.

Tumango siya at nagtungo sa mini table niya. Ako naman ay halos gumulong na dito sa kama. Bigla kasing sumakit ang puson ko. Sinabihan ako ng Prof ko na dito muna sa clinic dahil namimilipit ako sa sakit at nakakahiya nga dahil natagusan pa ako.

"Oh my god, bakla! Ayos ka lang ba? Para kang uod diyan!" Puna ni Marcelo nang puntahan nila ako sa clinic at makita na hindi ako mapakali.

Ang sakit naman kasi!

Lahat kami napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Wayne at kasunod na naman si Bricks. I sighed. Isa pa 'to! Ilang linggo na akong kinukulit! Sinabi ko na ngang may boyfriend ako ayaw pa rin akong layuan.

Next time hindi na ako magdedeodorant para layuan na niya ako!

"Hey, I heard what happened. Here may dala akong napkin for you." Sabi nito at inilapag sa kama yung isang plastic na may lamang ilang packs ng sanitary pads.

"Ayos na, Wayne. Nakapagpalit na siya. " singit ni Nurse kaya napakamot si Wayne sa ulo niya.

Tumawa si Bricks. "Sabi ko naman sayo, Tol e. Meron na dito kaya dapat hindi na tayo sumugod sa--"

"Shut up!" Asik ni Wayne kay Bricks.

"Are you okay now? You look pale."

"Ay hindi pa siya okay, Papa Wayne. Tingnan mo naman para siyang bulateng naasinan." Sabi ni Marcelo kaya ngumuso ako.

Kanina uod ngayon naman bulate. Ano naman kayang sunod na ibibintang sa akin ni Marcelo?

"Is that still normal, Nurse?" Tanong ni Wayne kay Nurse.

Tumango si Nurse. "Yes, normal lang yan. Hindi pa rin kasi tumatalab yung gamot. Just wait a few more minutes at mawawala din yan."

"So makakabalik pa po siya para sa sunod naming subject?" Tanong ni Aiko.

"Pinayuhan ko na siya na umuwi. May tagos na din kasi siya."

"What? Bakit hindi niyo agad sinabi? Ibibili kita ng damit--"

"No need."

Sabay sabay kaming napatingin sa lalaking pumasok sa loob ng clinic. I pouted when I saw his sharp gazed on Wayne. Ang super gwapo kong jowa nandito na!

"And who are you?" Maangas na tanong ni Wayne sa kanya.

"Ascott..." Tawag ko sa kanya kaya mabilis siyang naglipat ng tingin sa akin. His eyes became worried when he saw me.

Nilagpasan niya sina Wayne at Bricks, sila Aiko at Marcelo naman ay bahagyang napaatras para paraanin siya.

Umupo si Ascott sa kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nasa mukha ko na.

"Ang sakit..." Sumbong ko habang nakahawak sa puson ko.

"Then let's go home para mas makapagpahinga ka na." Sabi niya kaya tumango ako.

"Excuse me, can I bring her home now?" Tanong ni Ascott kay Nurse na agad namang tumango.

"W-Wait! Sino ka ba? Bakit ikaw ang mag-uuwi sa kanya?"

Ascott glared at Wayne. Hinawakan ko ang braso niya nang tumayo siya. Ascott is way taller than Wayne, pati sa built ng katawan ay mas malaki ang kay Ascott. Kung magbubugbugan man sila baka si Wayne ang madehado pero ewan lang din kasi mukhang sanay naman sa away tong si Wayne.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon