NICOLLETE DHEIL JIMENEZ
"AY DIYOS KO! "
Napakunot ang nuo ko nang marinig ang sigaw ni Miranda. Mula sa pagkukusot ng mga mata ay tumigil ako at nilingon ang likod ko kung nasaan siya.
Gulat na gulat at nakahawak sa dibdib. Anyare?
"Dios mio, kang bata ka! Muntik na akong inatake sa puso dahil sayo!" pagalit niyang saad nang makita ang mukha ko.
"Ako? Why naman?. Naglalakad lang ako dito, Miranda, ang bintangera mo. " i told her and pouted my lips.
Pati atake niya sa puso sa akin pa ibibintang. Hindi ko naman itinago yung maintenance niyang gamot. Ayoko kayang makulong.
"Nagtatanong ka pa? Dios ko, nakita mo ba yang itsura mo sa salamin? Mukha kang white lady!" Singhap nito.
"Ha? Paano naman akong magiging white lady e hindi pa naman ako patay." Litong tanong ko at napasinghap nang may pumasok sa isip ko. " Omg! don't tell me manghuhula ka na rin at alam mo kung kailan ako madededs? "
Napapikit si Miranda at napahawak sa batok niya na parang aatakihin na talaga.
"Goodness Miranda, bakit hindi mo sinabi sa akin?! Dapat napahulaan ko sayo kung sino ang kumain ng chocolates ko sa fridge!"
"Kumalma ka nga, Coco. Ang layo na naman ng narating mo e. " ani Miranda. "Ang sabi ko mukha kang white lady dahil tingnan mo naman yang itsura mo, naka puti ka at pagala gala dito sa dilim!"
Napatingin ako sa suot kong white nightgown at napanguso.
"Akala ko naman nanghuhula ka na. Umasa akong malalaman ko na kung sino yung chocolate stealer dito sa bahay."
Napailing siya.
"Ano bang ginagawa mo dito sa kusina ha? Gabing gabi na, Coco!" tanong pa nito.
"Kukuha ng chocolates. " sabi ko.
"Eh bakit hindi ka nagbukas ng ilaw? At chocolates sa hatinggabi? "
"Para hindi mo ako makita, baka pagalitan mo ako e. " nguso ko.
"Hay naku! Ikaw talagang bata ka, bukas ka na kumain, bawal ng kumain ng chocolates kapag gabi na. Sasakit pa yang tiyan mo e. " sermon ni Miranda.
Kailan pa nagkabatas na bawal kumain ng chocolates sa gabi?. Ah sabagay nagpalit na nga pala ng bagong mayor, baka chocolate hater yun kaya ipinagbawal.
Pero hindi naman naliligaw dito yung si Mayor. Omg! Baka nag-apply na tanod si Miranda?!
Teka, hindi pa ba sapat sa kanya yung sweldo niya dito at naghanap pa talaga siya ng sideline?
"Coco! Sabi ko bumalik ka na sa kwarto mo at matulog na! "Ani Miranda na nagpanguso sa akin.
Grabe naman to, porket naging tanod lang wagas na maka-utos, may curfew na ba dito sa bahay? Bakit hindi yata ako nasabihan? Makapag-apply ngang kapitan para patatalsikin ko siya.
Lumakad ako palabas ng kusina pero agad ding lumingon kay Miranda na umiinom ng tubig.
"Miranda, pabantay ng chocolates ko ha?" Sabi ko na ikinakunot ng nuo niya.
"Ikaw na bata ka, ano namang tingin mo sa akin security guard?" tanong nito na nagpanguso sa akin.
Bakit ko naman iisiping security guard siya e tanod na nga siya. Ang hirap ding kausap nitong si Miranda minsan e. Ang slow!
Hindi ko na siya sinagot, baka dalhin pa ako sa baranggay nito mahirap na.
Pero bago ako tuluyang lumabas ay nagtanong ako. "Miranda magkano pala sahod ng tanod?"
BINABASA MO ANG
Forever Mine
General Fiction"Nicollete Dheil Jimenez, you are forever mine. From the first day i laid my eyes on you and until forever. " bulong ng isang gwapong bampira bago sinakop ang mga labi ko.