ASCOTT
"Gago! Kabahan ka na!" Pananakot ni Avo sa akin kaya binato ko ng isang candy.
First day ni Coco ngayon sa university. Dito ako dumiretso sa opisina ni Athran pagkahatid ko sa kanya. Kaso ang demonyong si Avo nandito rin pala at heto nga, dinedemonyo ako ng gago.
"H'wag mong takutin Avo! Baka sumugod sa university yan!" Saway ni Athran.
"Mga wala kayong kwentang kausap." Sabi ko.
"Anong walang kwenta? Sige, magpa-easy easy ka diyan. Ikaw din, baka mamaya hindi na umiwi si Coco sayo. Mag-iiyak ka diyan."
Inis kong tiningnan si Avo. Napakagago, kaya hindi sila magkasundo ni Seph e.
"Maganda si Coco and she's so innocent. For sure, maraming makakapansin sa kanya. Hindi sa tinatakot kita, Ascott, pero parang ganon na nga." Ngisi pa nito.
I clenched my fist. So anong gusto niya? Ikulong ko din si Coco? No way, hindi niya deserve ang ganon.
"Don't listen to him. Pinapraning ka lang niyan." Sabi ni Athran.
"Anong pinapraning? Hoy, Athran! Isa ka pa! Sinasabi ko sayo, hindi kayo magtatagal niyang girlfriend mo. May ugali e!"
Napailing na lang ako at iniwan sila duon. Athran is right, mapapraning lang ako kapag nakinig ako sa mga sinasabi ni Avo.
Nagpunta ako sa restaurant. Dito na lang muna ako kaysa umuwi ako sa bahay, mas maiinip lang ako duon.
I was on my laptop when one of my staff knocked on my office door.
"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas."
My forehead creased. Wala akong inaasahang bisita ngayon.
"Who?"
"Lauris daw po." Sagot ni Anna kaya napabuntong hininga ako. "Nasa table eleven po siya."
"Tell her I'm busy." Sabi ko na tinanguan lang ng staff ko.
Actually, I'm not. Ayoko lang na maulit yung nangyari nung nakaraan. Mabuti ng umiwas habang maaga pa. I don't want to lose Coco. She's my life now.
I took my phone out and send Coco a message. I just want to check on her.
Me:
Baby, how's school?
I smiled when she replied after a few minutes.
Coco:
It's amazing! May mga friends na ako!
I pouted. Friends? Babae kaya? O baka naman---no, pinapraning ko lang ang sarili ko. Coco maybe innocent but I'm sure, hindi niya ako pagpapalit. She loves me. I'll be holding onto that.
Me:
I'm so happy for you, baby.
Coco:
Thanks. By the way, mamaya ka na makichika may dumating na professor e. Mukhang masungit!
Bigla akong natawa. She's really my fresh air.
Me:
Okay. I love you.
"Oh damn!" Mura ko nang mabasa ang huling message niya. Para akong teen-ager na kinikilig.
Coco:
I love you too, Ascott 😘😘😘
See? She loves me. Wala akong dapat na ikatakot. I should trust her.
"Sir, eto na po yung coffee niyo."
BINABASA MO ANG
Forever Mine
General Fiction"Nicollete Dheil Jimenez, you are forever mine. From the first day i laid my eyes on you and until forever. " bulong ng isang gwapong bampira bago sinakop ang mga labi ko.