ASCOTT EVREIN ALEGRE
"Hey!" Tapik sa akin ni Peter nang umupo siya sa tabi ko. He was followed by our friends, William and Rodney na parehong naupo naman sa harap namin.
They were grinning like idiots. Ano na naman kayang problema ng mga to?
"Kumusta naman ang panliligaw natin kay Lauris Mr. Chef?" Tanong ni William, nakangisi.
Napailing ako. Mukhang ako na naman ang balak pagtripan ng mga 'to.
"Hindi ka pa ba niya sinasagot? Tatlong buwan ka ng nanliligaw a?" Tanong naman ni Peter habang kumakain ng chips. "Ang hina mo yata, Pare."
"Hindi naman kasi easy to get na babae si Lauris." Pagtatanggol ko.
"Pero sa tingin ko naman, malaki ang chance mo. I could see it in her eyes, for sure naghahanap lang ng timing yon para sagutin ka." Ngisi ni Rodney.
Kaibigan namin si Lauris, and I developed some special feelings for her that's why I decided to court her na pinayagan naman niya. Tatlong buwan ko na siyang nililigawan, dine-date ko siya madalas sa mga lugar na gusto niyang puntahan, nagbibigay ng bulaklak at regalo. I gave a lot of efforts just to win her heart, kaya naman alam ng halos lahat dito na nililigawan ko siya.
"Mga Tol!" We all glanced at Gerald who's running towards our table. He is also our friend, kababalik lang niya dito sa Pinas para dito ipagpatuloy ang pag-aaral.
"I need your help!" Aniya na itinukod ang dalawang kamay sa lamesa.
"Kung tungkol yan sa thesis mo, sorry Tol pero pass kami." Iling ni Peter.
"It's not about my thesis! Hell, kaya kong gawin yon no!" Mayabang na wika ni Gerald.
"E ano ba kasing tulong ang kailangan mo?" Tanong ni Will.
"Tulungan niyo akong pumili ng regalo para sa girlfriend ko." Aniya kaya umugong ang kantyaw sa lamesa namin.
Kailan pa nagkagirlfriend ang loko? Kababalik lang niya a?
"Tangna! May girlfriend ka na? Ang tinik mo din ha!" Ngisi ni Rodney.
"Teka, sino ba yan ha?" Tanong ko. Gerald is a playboy type. Highschool pa lang kami ang dami na nitong pina-iyak.
"Si Lauris." Sagot niya na ikinatigil ng mundo ko.
Naramdaman ko ang paglingon sa akin nila Peter. Ang ngisi ko ay unti unting naglaho.
What the fuck? Is this a joke or prank? Pwes, hindi ako natutuwa!
"T-Teka, nagbibiro ka ba Tol?" Tanong ni William.
Kumunot ang nuo ni Gerald. "I am not. Girlfriend ko talaga siya. Actually, monthsarry namin ngayon kaya nagpapatulong ako sa inyo. At teka nga, bakit ganyan ang mga reaksyon niyo?"
I suddenly felt betrayed. Hindi lang iyon, pina-asa ako at pinagmukhang tanga sa lahat ng taong nakakakilala sa akin. Masyado nilang ginago ang pagkalalaki ko.
I confronted Lauris about that. Hindi ko akalain na mas may ikakasakit pa pala.
"I'm so sorry, Ascott. Hindi ko sinasadyang saktan ka pero mahal ko si Gerald." Aniya habang umiiyak sa harap ko.
"That's bullshit! Kung mahal mo siya e ano mo ako?" Pigil ang galit kong tanong.
"M-Mahal din naman kita--"
"Nakakaputangna naman yang sagot mo, Lauris!" Putol ko sa kanya. "Pinaglalaruan mo ba ako? Tangna! Isang buwan na kayong mag-on pero ni hindi mo man lang sinabi sa akin! Tuloy pa rin ako sa panliligaw sayo pero may iba ka na pa lang sinagot! Hanggang kailan mo ako gagawing tanga?" Sigaw ko.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
Ficción General"Nicollete Dheil Jimenez, you are forever mine. From the first day i laid my eyes on you and until forever. " bulong ng isang gwapong bampira bago sinakop ang mga labi ko.