NICOLETTE
Time flies so fast, dati isa lang akong inosenteng bata na nakakulong sa isang Villa. Umiikot lang ang buhay ko sa apat na sulok ng Villa na iyon at nangangarap lang na sana ay maranasan ko ang mabuhay ng normal sa labas. Habang lumalaki ako, lumalaki din ang kagustuhan ko na makalabas at makasalamuha ng ibang tao.
Para akong isang ibon na ikinulong sa isang magandang hawla at pinagkaitan ng kalayaan. Akala ko hindi na ako makakalabas, na duon na ako habang buhay but God gave me a chance.
A chance for my freedom and a chance to see how beautiful this world is. He also sent me an angel to be my guide. Pero hindi lang pala niya ako gagabayan, pinaulanan niya ako ng sobrang pagmamahal at pag-aalaga. He even taught me a lot of things na sobrang bago para sa akin kaya feeling ko ang talino ko na.
Pero yung anghel na iyon feeling ko nagpapanggap lang na angel kasi madalas ay nagtatransform siya bilang vampire. Oo, isang malanding vampire! And I think, ako ang biktima niya.
"Ascott naman e!" Angal ko nang pinatay niya ang television. "Hindi pa tapos yung movie!"
Napatili ako nang bigla na lang niya akong pinangko at ipinasok sa kwarto. Natatawa niya akong ibinaba sa kama at marahang kinumutan. Kitang kita ko ang lalim ng dimple niya kahit medyo may kadiliman sa loob ng kwarto dahil sa lampshade lang ang nakabukas.
"It's already late, baby. You need to sleep, first day ng internship mo bukas di ba?" Aniya na ikinanguso ko.
To be honest, ayokong dumating yung bukas. Yes, excited ako para sa internship ko pero hindi para sa pag-alis niya.
"Pero hindi pa tapos--"
He cut me off by kissing my lips. I immediately open my mouth for him and wrapped my arms around his nape. I moaned in his mouth when I felt him sucking my tongue. It's makes me feel feverish.
I groaned in protest when he stops. "Ascott..."
He smiled and kissed my forehead instead. "Tulog na, maaga ka pa bukas. I love you, baby." Malambing niyang sabi bago ako iwan sa kama.
Halos humaba ng bonggang bongga ang nguso ko habang nakatanaw sa kanya na inaayos na ang sarili para matulog sa ibaba kung saan nanduon ang higaan niya.
"Ascott..." Pukaw ko sa kanya na agad namang tumingin sa akin.
"What is it, baby?"
I moistened my lips and stared at his eyes cutely. "Can I sleep beside you?"
Nakita ko ang gulat na bumahid sa mukha niya pero saglit lang iyon dahil umiling siya na ikinanguso ko naman. "Baby, you'll be more comfortable with the bed."
I pouted more.
"Gusto ko lang namang tumabi sayo e. " i murmured before sighing. "H'wag na nga..." Malungkot kong sabi bago nagkulubong ng kumot.
"Baby..." Naramdaman ko ang paglubog ng kabilang bahagi ng kama ko at ang marahang pagyakap ni Ascott sa akin. "Are you mad?"
Hindi ako sumagot. Medyo masama ang loob ko. Gusto ko lang namang tumabi sa kanya dahil ngayon pa lang mamimiss ko na siya. Pupunta kasi siya sa Cebu bukas at baka magtagal siya duon ng tatlong araw.
May business siyang aasikasuhin duon, gusto nga niya akong isama pero hindi pwede dahil bukas din ang simula ng internship ko.
I closed my eyes tightly when he removed the blanket covering my face. Sunod kong naramdaman ay ang paghalik niya sa pisngi ko.
"M-Mamimiss kasi kita e. Three days din yun di ba?" Bulong ko na hindi nagmumulat.
"Damn, I'll miss you too. "
BINABASA MO ANG
Forever Mine
Fiksi Umum"Nicollete Dheil Jimenez, you are forever mine. From the first day i laid my eyes on you and until forever. " bulong ng isang gwapong bampira bago sinakop ang mga labi ko.