NICOLLETE
"Mag-iingat ka, Hija. Maraming masasamang loob dito kaya't h'wag ka agad magtitiwala, hindi lahat ng tao mabait."
Ngumiti ako kay Nanay Andeng matapos niyang sabihin iyon.
Si Nanay Andeng at Tatay Mario ang tumulong sa akin na makarating dito sa Maynila. Kung hindi dahil sa kanilang mag-asawa baka nasa Coron pa rin ako at nangangapa ng gagawin.
Sa totoo lang ang dami ko na ngang naging experience e. Nakasakay na ako ng ferry tapos nagbus din kami tapos nag jeep tapos...ay basta ganon! Ang hirap tandaan!
Mahaba ang naging byahe namin papunta dito. Gabing gabi na kaming nakarating kaya inalok nila akong dito na sa bahay nila magpalipas ng gabi.
Kinabukasan na daw ako bumiyahe patungo sa Makati dahil delikado na daw kaya sumang-ayon na ako.
"Maraming salamat po talaga, Nanay Andeng." Sabi ko at yumakap sa kanya.
"Walang anuman iyon, Hija. " ngiti niya. "Hintayin mo lang si Mario at tumawag ng taxi para may masakyan ka."
Gusto kong umiyak dahil napakabait nilang mag-asawa sa akin. Kapag nakita ko na si Daddy aayain ko siyang bumisita dito.
"Oh ayan na pala e."
Huminto sa tapat ng bahay nila ang isang taxi. Lumapit sa akin si Tatay Mario at iginiya ako sa taxi.
"Maraming salamat po talaga." Sabi ko.
Ngumiti silang mag-asawa sa akin. "Basta mag-iingat ka. Yung bilin ko, h'wag agad magtitiwala. Ipagdarasal ko na sana makita mo kaagad yung Ama mo."
"Ihahatid ka ni Lito sa Makati. Ikaw na ang bahalang magsabi kung saan ka niya ibaba duon." Sabi ni Tatay Mario kaya tumango ako ng sunod sunod.
Napabuntong hininga si Nanay Andeng.
"Napakainosente mong bata ka." Ani Nanay kaya napanguso ako.
Hindi kaya ako inosente. Ayoko na lang ikwento sa kanila yung mga eksenang brutal na napanood ko dahil baka atakihin pa sila, ayoko namang mangyari 'yon dahil mababait sila no!
Tulad nga ng sinabi nila hinatid nga ako ni Manong Lito sa Makati.
"Saan ba ang bahay mo, Neng?"
"Coco po ang pangalan ko, Manong, hindi Neng." Nguso ko na ikinailing niya.
"Makati na po ba ito?" Tanong ko pa habang nakatingin sa mga nadadaanan naming naglalakihang buildings.
"Oo. Saan ba dito sa Makati ang punta mo?"
Kahit gusto ko siyang sagutin ay hindi ko magawa dahil hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang nasa Makati ang bahay namin.
"Ibaba mo na lang ako diyan sa tabe, Manong." Sabi ko.
Pagkatapos ibigay ang bayad ay bumaba na agad ako. Sisimulan ko na ang paghahanap. Kilala naman siguro ng mga tao dito si Daddy.
"Hayy, kapagod..." Sabi ko sabay upo.
Ilang oras na akong pagala gala dito pero ni isa sa pinagtanungan ko hindi kilala ang Daddy ko.
Tapos yung iba pang napagtanungan ko sa halip na sagutin ako bigla na lang akong nilalayuan. Hindi pa naman ako mabaho a?
Biglang kumulo ang tiyan ko kaya nagpasya akong humanap muna ng pwede mabilhan ng pagkain.
May nakita akong maliit na kainan at duon ako kumain.
"Wala ka bang barya, Miss?" Tanong ni Ateng tindera nang iabot ko ang one thousand.
"Wala po e." Sagot ko.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
Ficción General"Nicollete Dheil Jimenez, you are forever mine. From the first day i laid my eyes on you and until forever. " bulong ng isang gwapong bampira bago sinakop ang mga labi ko.