NICOLETTE
"Ang tagal naman ni Pola..." Nguso ko.
Nakalimutan na nga niya yung lunch ko tapos pati yung ipinangako niyang pagdadala sa akin ng tablet dinamay pa!
Inip na inip na kaya ako dito!
Tumayo ako mula sa rocking chair na kinauupuan ko at tinungo ang pinto. Napangiti ako dahil mukhang nakalimutang ilock ni Kuya Colt yung pinto.
Ako na lang ang kukuha ng tablet sa kwarto ni Pola. Hindi naman ako magpapakita kay Mama Chit kaya hindi ako mapapagalitan. Gagamitin ko ang mga multo moves ko. Kung kinakailangan kong tumagos sa pader gagawin ko.
Pero masakit yata iyon kaya baka gumapang na lang ako habang naka-bending tapos bababa ako ng hagdan.
Sobrang ingat ko habang naglalakad patungo sa kwarto ni Pola. Kulang na nga lang lumutang ako para hindi makagawa ng ingay.
Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa kwarto niya. Agad kong hinanap ang tablet niya at napahagikgik nang makita na marami nga siyang mga bagong movies. Puro horror and thriller! Paniguradong kikiligin na naman ang mga organs ko dito.
Pabalik na dapat ako sa attic dala ang tablet ni Pola nang makita ko si Mama Chit na pumasok sa study room. Teka, nanduon din kaya yung kasama niya?
At dahil isa akong curious na tao dahan dahan akong naglakad patungo duon at napakaswerte ko nang makitang nakaawang ang pinto kaya ang kailangan ko na lang gawin ay ang sumilip.
My mouth parted when I saw Ninong Howard inside. Si Ninong pala ang kasama ni Mama Chit? Pero bakit sabi ni Kuya Colt hindi niya kilala? Omg! Baka nagka-amnesia si Kuya Colt kaya hindi niya nakikilala si Ninong Howard!
Aww, kawawa naman pala siya...
Ninong Howard is my Daddy's bestfriend. Kilala ko siya dahil madalas siyang sumasama kay Dad kapag binibisita ako nito dito sa Isla. Galante yan! Dahil lagi akong ina-aguinaldohan kahit hindi pa pasko! Kaya nga madami akong ipon e!
Pero bakit siya nandito? Bakit si Mama Chit na ang kasama niya at hindi si Daddy?
Omg! Baka si Mama Chit na ang bago niyang bestfriend! Paano na si Daddy? Wala na siyang bestfriend!
Friendship over na ba sila? Pero hindi naman sila nag-aaway dahil super bait ng Daddy ko.
Hala siya! Baka si Ninong ang nang-away!
"So what is your plan now?" Tanong ni Ninong Howard.
"Ano pa? Edi magpapakasaya!" Sagot ni Mama Chit.
Teka, ano bang pinag-uusapan nila?
"Ikaw lang?" Tanong ni Ninong Howard pagkatapos sumimsim ng wine sa wine glass niya.
Tumawa si Mama Chit. Napatakip ako sa bibig ko nang makitang tumayo ito mula sa kinauupuan at kumadong kay Ninong Howard.
Omg! Bakit kumandong si Mama Chit kay Ninong Howard? Hindi na siya bata a? Ay teka, ako nga rin pala kinakandong ni Kuya Colt. Okay lang siguro yon.
"Of course, damay ka rin sa pagpapakasaya ko, ikaw pa ba e love na love kita. " tawa ni Mama Chit. "Uubusin natin ang pera ni Nikos."
Love? Love ni Mama Chit si Ninong? Paano naman si Daddy? Di ba dapat siya lang ang love niya?
"Yun ay kung mauubos. That stupid Nikos has a lot of money." Ngisi ni Ninong Howard.
My eyes widened when they kissed. Para silang mga hayok na hayok, kulang na lang ay kainin nila ang labi ng isa't isa. Gutom yata sila e.

BINABASA MO ANG
Forever Mine
Narrativa generale"Nicollete Dheil Jimenez, you are forever mine. From the first day i laid my eyes on you and until forever. " bulong ng isang gwapong bampira bago sinakop ang mga labi ko.