Chapter 12

4.8K 102 21
                                    

NICOLETTE













"Well take this one and this one." Tukoy ni Ascott sa dalang swimsuit na napili ko. Agad siyang nag-abo't ng pera sa sales lady para magbayad.

"Thank you!" Ngiti ko sa sales lady matapos ibalot ang pinamili namin. Super excited na akong magtampisaw sa dagat!

"Uwi na tayo?" Tanong ko kaya Ascott nang hawakan niya ang baywang ko at igiya sa paglalakad.

"Wala ka na bang gustong bilhin?" Tanong niya na agad kong inilingan. "Then, let's go back para makaligo ka na sa dagat."

Halos thirty minutes din ang layo ng bayan mula sa townhouse ni Asscot. Pagdating sa bahay ay agad na akong umakyat sa kwarto at isinuot ang pink na two piece na binili namin. Bago lumabas ay pinatungan ko iyon ng isang malaking t-shirt na hiniram ko kay Ascott.Nagdala din ako ng towel.

"Tara?"

Agad akong pinasadahan ng tingin ni Ascott. His gaze stops at my legs, tumikhim siya at agad na ibinalik sa mukha ko ang paningin.

Inakbayan niya ako at sabay kaming nagtungo sa may dalampasigan na malapit lang sa bahay.

Pinong pino ang buhangin at malinis. Naalala ko tuloy ang dalampasigan sa may Villa, parang ganito din yun e. Palaging malinis dahil araw araw nililinisan ni Kuya Colt.

I giggled when I saw the clear blue water. Hindi na ako makapaghintay na lumusong kaya agad kong hinubad ang malaking t-shirt na suot ko.

Nilingon ko si Ascott nang marinig ko ang pagmumura niya.

"Ayos ka lang, baby?" Tanong ko at napanguso nang maubo naman siya.

Ano ba yan?

Lalapitan ko sana siya nang itaas niya ang kamay na parang pinapatigil ako. "I'm f-fine, baby. D-Don't mind me, ligo ka na."

Tumango ako at bumaling na sa dagat. Para akong bata na ngayon lang ulit nakapunta sa dagat. Tuwang tuwa ako habang nagtatampisaw sa sobrang linaw na tubig.

Si Ascott naman ay nasa buhangin, may nilatag siya duon blanket at duon siya naka-upo habang pinapanood ako.

"You won't swim?" Pasigaw kong tanong. Kanina pa ako nag-eenjoy dito pero siya nakatambay lang. Sayang naman kung hindi siya maliligo, ang sarap kaya ng tubig!

I giggled when he stood up and slowly took off his v-neck shirt. Itinapon lang niya sa blanket ang damit na hinubad at tumakbo na patungo sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang super hot niya na body. I swallowed hard and shifted my gaze on his abdomen. Omg! Ito na yata yung tinatawag na pandesal ni Marcelo.

Ang sabi niya mauumbok at matitigas na muscles daw iyon sa may bandang tiyan. Parang ang yummy nga!

"Ascott!" Tili ko nang bigla niya akong sinabuyan ng tubig. Tumawa siya at inulit iyon ng ilan pang beses kaya gumanti din ako.

"Oh my gosh!" Tili ko pa nang binuhat niya ako at dinala sa mas malalim na parte. Agad akong kumapit sa batok niya nang umamba siyang ihahagis ako na ikinahalakhak niya.

We played in the water, puro kami kulitan. Hindi mawala ang mga ngiti sa mga mukha namin. Unlimited ko tuloy nasisilayan ang super cute niyang dimple. How I wish na sana palagi na lang ganito.

My heart and soul is so happy. Sobrang saya dahil kassama ko si Ascott na sobrang love ko.

This is one of the best memories i would treasure forever.

Mabilis akong nakatulog kinagabihan dahil na rin siguro sa pagod. Bukod kasi sa pagtatampisaw sa dagat ay pumasyal din kami ni Ascott sa kalapit na lugar at kasama pa namin ang dalawang apo nina Manang Iska.

Forever MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon