naging maganda ang araw ko kasama si jenny, kung saan saan kame pumunta gumala at nag pa picture, sabay kumain ng dinner parang isang date, medyo nawala ang lungkot ko noong kasama ko siya ..
Ahm marco!?
ano yon jen?
nag enjoy kaba??
hindi..
medyo nagtampo siya sa nasabi kong iyon at pilit na gumawa ng weirdong expression, medyo natawa ako sa ginawa nyang iyon, at biniro pa siya..
naaaah..seryoso ba??
biro lang jenn ....salamat ahh...
medyo namula ang muka neto at nag aya nang umuwi, habang nag lalakad medyo hindi siya mapakali
marco.. ahm....
ano yon jenn?
wala..
medyo tumahimik ang paligid, at nagsimula ng lumamig ang paligid
hinatid ko siya sa sakayan niya at nag hiwalay na kame, bago kame mag hiwalay sinuklian ko sya ng ngiti..at pasasalamat..
anong oras naba?
medyo nag tagal ata kame sa pag liwaliw, time check 8:30pm
baka wala na akong masakyan pauwimag isa nanaman ako..at siguradong malungkot..
nakarating ako ng bahay, medyo pagod pero hindi parin mawawala na nag enjoy ako kahit papano...
MONDAY
Simula nanaman ng panibagong araw..
paakyat na ako ng school building ng magkasalubong kame ni jenny, maaliwalas ang muka neto at mukang bibong bibo..binati nya ako ng isang magandang umaga at kinamusta nadin
marco...sabay tayo lunch ahh..
ahm sige ba..
huy ok ka lang ba?
oo naman bat mo natanong??
wala lang..
ah..jenn salamat ng pala ahh..
nako..wala yon para saan pa naging magkaibigan tayo, sa susunod ulet ahh..
oo sige..sa susunod ako naman mamimili ng lugar na pupuntahan natin..
natapos ang usapan namin ng makarating kame sa kanya kanyang classroom..
sa unang pag hakbang ko, sa unang sulyap ng aking mga mata sa lugar na yon..agad kong nasilayan ang mga pamilyar na muka..
pag upo ko ng silya agad nila akong pinaligiran
sabihin mo nga...kayo naba ni jenny??
hindi..bakit mo natanong?
ehh bakit kayo lumalabas at lagi magkasama?
malamang sya lang kaibigan ko..
ahh kaibigan??
hinila nya ang buhok ko at bumulong...
layuan mo si jenny dahil akin sya...naiintindihan mo??
biglang dumating ang teacher at nagsibalikan lahat sa upuan na parang walang nangyare ...
habang nagkaklase patuloy padin sila sa pang aasar sakin..
binabato ng kung ano-ano papel,ballpen at kung minsan upos ng sigarilyo at maduming tissue..
hangang matapos ang klase sa umagang iyon...
pagtayo ko ng silya agad kong naramdaman na may kumg anong mabigat na nakatali sa bag ko
binuhol nila ang tali at kinonekta sa mga upuan sa likod..
nakakainis kelan ba nila ako titigilan?
sumosobra na sila...
BINABASA MO ANG
The Bullied
PertualanganAng storyang ito ay hango at dedicated sa mga nakaranas na masaktan, mainsulto, matapakan ang buong pagkatao, at higit sa lahat nakulong sa takot.. gano ba kahirap ang buhay ng naapi??.. sana masubaybayan nyo ang una kong katha.. likha ng aking napa...