confrontation

39 2 0
                                    

naging madalas ang pang aasar nila, halos araw-araw may lait, insulto at kung ano pa, hindi ko sila pinapansin kahit pa mapahiya ako sa madaming tao...

Si jenn lang ang naging sandalan ko at di ako iniwan kahit na iba na ang tingin sakin ng marami..

hangang kelan kaba ganyan marco?

hindi ko alam jenn...

marco! bat dika lumaban??

tinignan ko sya sa kanyang mga mata, nahihiya ako pero pano ako lalaban?

jenn alam mong maimpluwensyang tao si jake..ang hirap lumaban...

tama na marco! tatapusin ko na lahat ng kalokohan nila..

anong gagawin mo jenn??

ngumiti lang sya at umalis na..

kinabukasan..

nakita ko nalang na nakapaskil ang mga pangalan namin sa bulletin board na nasa entrance..

agad akong nag tungo sa opisina ng guidance councelor..

di na ako nagulat kung bakit, pero alam ko kung sino ang may pakana ng lahat...si jenn..

nag harap harap kame, ako at ang grupo ni jake, pinag usapan ang lahat, at pinilit na ayusin ang sitwasyon, pero ibang jake ang nakilala ko sa office, mabait,mapag kumbaba, pero alam ko na nilalaro nya ang sitwasyon, pilit na kinukuha ang loob ng mga tao, dirty trick kumbaga..

hindi ako kumikibo, tumatango lang ako sa mga tanong kung sang ayon ba ako oh.. hindi..kasi alam ko di naman din sila seryoso sa usapang yon, medyo naiilang ako sa sitwasyon na yon..di mapakali at kinakabahan..

so ok naba ang lahat ngayon?

tanong ng guidance councelor..

opo sir ayos na ayos na..
pasensya na marco ahh..sensya nadin sa mga nagawa ko if meron man..

mapang asar na sabi nito hanabang iba ang nararamdaman ko na gusto nyang sabihin..

ok since settle na ang lahat mag sign na kayo sa log book at pwede na kayong bumalik sa mga klase nyo..

inabot ni sir ang book at pagkatapos namin pumirma sabay sabay na kameng lumabas ng silid..

pag sarado ng gate agad akong inakbayan ni jake at nang makatimbre na walang tao agad nya akong sinuntok sa tyan.

namutla ako sa sobrang sakit ng suntok nya

sino nagsabi sayo na mag sumbong ka??

hii...hindi..ako nag sumbong...

hindi ikaw??
sabihin mo sino??

hindi...ko alam..

sa susunod na manghare ulet to di lang yan mararanasan mo samin naintindihan mo??

o..oo..

ano?? sagot!!!?

ang sabi ko ..OO!

good..

hindi na ako pumalag kasi alam ko wala din naman akong laban..

after class..

marco!?

si jenny na pilit akong gustong kausapin..

hindi ko sya pinapansin dahil sa mga nangyari..

marco ano bang nangyayari sayo?

wala jenn wala..

sila jake ba?

tinignan ko lang sya at nagsawalang kibo ulet sa sitwasyon..

ok lang ako jenn ok lang ako..

marco dikita maintindihan..

hindi ko din maintindihan sarili ko jenn..kaya pwede leave me alone!

kung may maitutulong lang ako....

sapat na ginawa mo kanina jenn..

anong ginawa? diko maintindihan..

dibale na..salamat uuwi na ako..

umalis na ako at dina pinansin pa si jenn kahit na tinatawag nya pa ang pangalan ko..bakit ba nag papaapi ako sa mga gagong yon?

alam ko sa sarili ko na kaya ko silang pabagsakin pero bakit....bakit diko ko kaya?? dahil ba sa may kaya sila??  bakit ba ang hina ko?

The BulliedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon