Chapter 1

272 24 0
                                    

Modern Time

I was driving after my press conference kanina para sa new project na pinaplano namin sa lungsod na pinamumuan ko. I became a city governor at age of 32 with the help of my father guidance and my family's influence. Well, my father came from a family of lawyers and politicians after all.

I graduated and became a licensed doctor and a successful businesswoman at the age of 23.

Yes, napagsasabay ko naman lahat ng ginagawa ko. And actually I never wanted to become a doctor at all but because I came from a family of doctors and lawyers as well as politicians napilitan akong pasukin ang mundo ng medisina at mundo ng politika. My mom force me to become a doctor and eventually my father force me to become like him as well, a politician. Wala na kaseng ibang choice si daddy kase tapos na ang termino nito as the governor in our city and since matanda na si lolo to run as the governor kaya ako nalang at si daddy naman ang tatakbo bilang mayor.

I'm their only child so naiintindihan ko ang ginagawa nila. My mom becoming a doctor was never been her first dream too, she just doesn't want to disappoint my grandparents so she forget the dream of being a painter and become a famous and great doctor instead. My father? Well, he wanted to become just like my grandfather kaya wala ng problema si dad don. And when they got married, he encouraged mom to quit and be a painter instead but mom disagree since napamahal na daw kasi ito sa trabaho niya so dad decided to buy her art materials so that mom can paint and even hired an art professor kaya ang mommy, ayon naging hobby niya na. Sana all.

I love my parents so much that if following what they want me to do will make them happy then so be it. Masaya naman ako sa narating at nagawa ko, lalo na para sa taong bayan.

Despite all this, I don't forget to chase my dream too. I become a successful businesswoman without my family's influence and I'm proud of it. Since I was a young kid, gusto ko na talagang pasukin ang pagnenegosyo. Kahit naman kase mayaman kami eh hindi naman ako tinuturuan ng mga magulang ko mamuhay sa luho. They always told me na ang pera pwede mawala pero yung kakayahan at kaalaman mo mananatili sa'yo kaaya sobra ang pagpupursige ko.

Masaya akong napagsasabay ko ang pagdodoctor at pagnenegosyo dati kahit hirap na hirap na ako. Halos wala na akong tulog dati dahil sa daming kailangang gawin, buti nga at hindi ako nabaliw noon. All my efforts paid off, and look where I am now. A successful businesswoman, a doctor and a proud governor. I studied law and graduated at the age of 29, got my license as a lawyer at 30. 2 years after I run as the governor, oh diba hakot awardee ang birada.

Sa sobrang lunod ko sa pag-iisip sa mga narating ko hindi na namalayan pa ang truck na pagiwang-giwang papunta sa sasakyan ko. Nakaramdam din ako ng pagkahilo habang pilit na iniwasan ang sasakyan sasalpok na sa aking kotse.

Mabilis pa sa alas kwatro kong iniliko ang sasakyan pero hindi ko aakalain na may isang sasakyan pa palang sasalubong sa akin.

Ilang minutong gumugulong ang sasakyan, ramdam ko ang bawat bubog ng mga salamin nabasag dahil sa impact at ang pagtama ng aking ulo sa bawat parte ng sasakyan. Naramdaman ko rin na para may tumutulo sa ulo ko, hinang-hina man pero ini-angat ko parin ang aking kamay at kinapa ito.

It was blood.

Namanhid ang buo kong katawan ng mapagtanto ko ang lahat. Katapusan ko na ba? Ito na ba yon? Hindi ko pa naranasan magka jowa uy.

Ilang minuto pa ang lumipas ng tumigil ang sasakyan sa pagulong, ramdam ko ng mawawalan na ako ng ulirat kahit gano'n pa man, pilit kong pinigilan ito sa kagustuhang makita ang magulang ko.

Nakarinig ako ng mahinang siren ng polisya at abulansya at pati na rin ang ingay ng mga taong nagkukumpulan. Medyo nabibingi na ako, hindi na malinaw ang pandinig ko. Mas bumibigat na rin ang takulap ng mata ko pero pilit ko pa rin itong pinipigilan. Ayaw ko pa... huwag mo na, hindi pa ako nagkapagpaalam sa magulang ko, magpasalamat at sabihing mahal ko sila.

Masakit man at namamanhid, pilit kong iginalaw ang ulo ko at hinanap ng aking mga mata ang mga magulang ko sa kumpulan ng tao at hindi naman ako na bigo.

I saw them, crying and begging to let them in. Pilit na lumalapit si daddy kung saan ako, si mommy nakasalampak sa sahig at hinang-hinang nakatingin sa gawi ko.

I'm sorry... Please huwag na kayong umiyak hindi ko kaya... Hindi ko kayo kayang makitang ganyan...

Nagtagpo ang mata namin ni mommy, I weakly smiled at her, reassuring I'm gonna be okay... I'm gonna be fine... right?

Pero mas lalo lang itong umiyak.

"I love you, I'm sorry" I mouthed my last words and everything went black.

The Queen's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon