Chapter 2

229 23 1
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Ang ganda naman ng lugar na 'to. Pero teka parang may mali.

DIBA NAMATAY NAKO?!

Anong nangyayari?

Tatayo na sana ako ng hindi ko mabuhat ang katawan ko, itinaas ko rin ang kamay ko ng bigla akong magulantang.

Ba..bakit ang liit n..ng kamay k..ko?!

"Ahhhhhh!!!"

Nagulat ulit ako ng may biglang nag-bukas ng pinto at ang nagmamadaling hakbang nito papunta sa akin.

Bumungad sa akin ang isang matanda ngunit maganda at makinis nitong pagmumukha.

"Young miss, huwag na ho kayong umiyak. Tahan na, shhhh."

Sabi pa nito at kinuha ako sa kama at mahinang inihehele, hindi ko na pala namamalayan na umiiyak na ako, at kaya pala taranta itong pumasok sa kwarto? Kwarto ba to? Parang hindi eh ang yaman naman masyado.

Mayaman naman kami pero hindi ganito kwarto ko, walang gold 'yon. Teka gold? WTF? Hoy ang yaman!

Pero teka nga, kung patay na ako at ngayon nasa katawan ako ng isang sanggol ibig sabihin

Nareincarnate ako???

Gara ah, totoo pala yun? Kala ko paniniwala lng yun, tsk.

O di naman kaya nagkamali ang nasa taas sa system nila at inilagay ako sa katawan na 'to na naalala ko pa past life ko.

Sana all, malawattpad ang peg. Forda fantasy ang ferson. Ako kaya bida dito? Wow feelingera.

Sa sobrang lunod ko sa sariling isip ay hindi ko na namalayan na inihiga na pala ako nito sa kama.

"Binibini, kay bait niyo po at hindi kayo masyadong umiiyak ngayon. Akala ko aabutin na naman ako ng ilang oras upang kayo'y patahanin." Sabi pa nito

Napatitig naman ako dito ng mabuti, ang ganda niya and in fairness parang hindi pa matanda. Pero teka bakit parang pamilyar 'to.

Napakunot naman ang aking kilay habang inaalala.

"Young miss, ano't may problema po ba at nakakunot ang iyong kilay? Hehe you're really so adorable miss."

Sabi pa nito sabay ngiti at pinang-gigilian ako. Ang cute ko talaga!

Pero may kamukha talaga eh...

Ah! Alam ko na si nanay faith, kamukha niya yung nanny ko sa past life ko, siya katuwang ni mommy dati para alagaan ako eh. Namiss ko tuloy sila, kumusta na kaya sila ano? Sana okay lang sila at makamove on na sa nangyari.

Tanggap ko naman na ang nangyayari ngayon, halata naman kase. Sa daming kong iniral noon, natagurian pang matalino tapos tungkol dito magpapakabobo ako? Hell no!

Maybe God gave me another chance to enjoy life again, kaya hindi ko 'to sasayangin. Pinapanalangin ko nalang talaga maging okay ang pamumuhay ko dito, at syempre maging okay na din ang naiwan kong pamilya.

Nakaramdam naman ako ng antok kaya, ipinikit ko na lamang ang aking mata.

"Sleep tight, young miss."

Malumanay at malambing na saad ng kamukha ni nanay faith bago ako lamunin ng dilim.


MAKALIPAS ang ilang araw ay mas lalo akong nagulat sa lahat ng nakikita at nalalaman. Yung mga magulang ko dito kamukha ng mga magulang ko dati. As in from head to toe, ang swerte ko naman ata. Maybe it's a coincidence? Or maybe not. I don't know basta ang alam ko masaya ako. Kahit na naiwan ko ang dati kong pamilya eh para na rin kasa-kasama ko sila ngayon.

Napag-alaman ko rin na yung unang babaeng bumungad sa akin nung una namulat ako rito ay talagang kapangalan din pala ni nanay faith.

Hay..

Nakakabagot palang mamuhay bilang isang sanggol pero may utak ng tatlumpu't pitong (37) taong gulang na. Gusto ko magkaroon ng sanggol at maging ina pero hindi maging isang sanggol. Namatay nga akong hindi naisuko ang bataan. Nasaan ang hustisya?

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naiisip.

"What's wrong, sweetheart?" may pag-aalala ng tanong ng aking ina.

Muntik ko ng makalimotan na nakakandong nga pala akong sa aking ina ngayon.

Eh hindi pa naman ako nakakapagsalita, binigyan ko na lamang ito ng iling sabay ngiti hanggang tenga.

"Oh my your grace, the young miss smiled so beautifully. Ang cute niya po." ani ni ate Anne na siya na mang tinugunan na may ngiting tango ni ina. Isang rin sa tagapangalaga ko si ate Anne. Wala siya kamukha sa dati kong buhay kaya sa lahat ng taong nakakasalamuha ko sa mga nagdaang araw siya lamang ang bago sa aking mata.

I suddenly yawn at nakadama ng pagbigat ng aking takulap, bakit ba pag bata ang antukin eh dati nga kahit ilang araw pa yan gising pa rin kaluluwa ko. Sa dami pa naman problema minsan sa city dati, makakatulog pa ba ako.

Unting-unti ng pumikit ang aking mata kaya hinayaan ko na lamang at isang magandang boses na tila ba inaawitan ako nito ang huli kong narinig bago ako lamunin ng kadiliman.

The Queen's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon