Amore's POV
Nandito kami sa hapag ngayon habang tahimik na kumakain. Simula ng makarating ako dito, wala pang ni isa sa magulang ko ang nagsalita. The whole living room was filled with a silent yet suffocating atmosphere.
Nang hindi ko na makayanan pa ang pananahimik nila, agad ko itong binasag sa isang tanong na nagpatigil sa kanila.
"Are you hiding something from me?"
Agad na napalunok si dad, si mommy naman halos mabilaukan sa kaniyang kinakain. Mahinang napaubo naman si dad bago nagsalita.
"Ehem.. N-no, a-ano namang itatago n-namin sa'yo anak?"
"I don't know, baka gusto mong sabihin sa akin dad?" kibitbalikat namang sagot ko rito, and he literally frozed in his spot. Alam niyang may alam na ako.
My father just sigh, a sign the he gave up.
"It's about the king. The minister wants you to be marri—"
"Alonzo!" inis na pagpipigil pa ni mommy sa sasabihin ni dad.
"Sabihin na natin thea. Pilit man nating itago, alam kong may alam na ang anak natin."
Mom just bit her lips before she nooded, isang palatandaan na sumasang-ayon na siya.
"The minister wants you to be married to the king."
Isang tango lamang ang tugon ko rito. Hindi na bago, alam ko namang mangyayari 'to. Ang hindi ko lang inasahan ay bakit parang napaaga yata? O sadyang hindi ko na lamang namamalayan dahil sa pagiging abala ko sa ibang bagay? Ikaw ba naman magpatakbo ng iilang negosyo sa loob lang ng tatlong taon kaya baka tama—hindi ko na namalayan ang panahon.
Bumalik naman ang aking ulirat ng biglang sumigaw si mommy.
"What?! Tango lang ang sagot mo sinabi ng dad mo?"
"Mom, ano ba ang gusto mong maging reaksyon ko? Tumalon sa saya? And besides, that news is not new to me at all."
"How? Lahat ng napag-usapan namin tungkol dito ay confidential. Anyone that would spread this news will be imprisoned for a week." takang tanong nito. Oh damn, nadulas pa nga.
This news are confidential, hanggat hindi pa sumasang-ayon ang hari sa nais ng ministro ay hindi maaaring ibalita ito sa nakakarami.
"Mom, I'm a business woman, okay? Unang dinig ko palang noong binanggit ni ama ang mga ministro ay may ideya na ako. Besides it was a talk of town that the daughter of Blair has the potential to be the next queen."
"Sabagay, you're such a successful woman in the whole kingdom. Ang mga negosyo mo'y kaya nang tumbasan ang negosyo ng ating pamilya. You even made your name known—a lady who isn't just the daughter of a duke but a lady who's living up to her name. Kaya sinong hindi makakaisip na ang trono ng reyna'y nababagay sa'yo. " proud na pahayag ni aking ama at kita ko pa ang palihim na tango ng iilang katulong sa sinabi niya.
"Pero hindi ibig sabihin no'n na pumapayag ako sa kagustuhan nila, Alonzo. I don't want my daughter to be married to that king. Kahit pa ikamatay ko ang pag-ayaw sa alok na ito. He's ruthless lalo na noong namatay ang dating reyna. My daughter deserves someone who's gentle and caring. She deserves a person that loves her and that she truly loves. And besides the king won't agree, he love his queen so much."
Napangiti naman ako sa sinabi ng aking ina, ganito rin ito sa libro dati. If she needs to sacrifice her life just to let her daughter have her freedom, gagawin niya. Kaya napagdesisyonan din ng dating may-ari ng katawan na ito na tanggapin ang alok ng mga ministro. Ayaw niyang mapahamak ang kaniyang magulang.
And to make it cringe, she loves the king. Kaya mas pabor sa kanya ang ganito, at gan'on din naman sa akin.
Magkaiba nga lang kami ng nais gawin. Kung siya'y nais niyang maging mataas at mahalin ng hari, ako'y nais kong punan ang kulang. Ang matagal ko nang plinano na punan ang kulang sa batang iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman, pwede naman ang humindi e. Isang sabi ko lang na ayoko ay paniguradong suportado ako nila ina at ama. Pwede akong lumayo at piliin na umiwas sa gulo pero hindi eh, para akong hinihila papalapit sa bata. Baka naaawa lang talaga siguro ako, mahilig din naman ako sa mga bata. Isip ko pa.
Simula't sapol, iyan na ang aking hangarin kaya masaya ako sa balitang ito.
"D'yan kayo nagkakamali ina." sabi ko pa rito na agad naman niya akong kinunotan, nagtataka bakit ko ito nasabi.
"Anong ibig sabihin mo, anak?"
"I saw the palace carriage, sakay ang eunuch nito. Holding a decree and walking into our patio." sabi ko pa rito habang nakatingin sa isang lalaking naglalakad papunta sa amin.
Agad namang napatayo si ama at ang aking ina na may hindi mapakali. The royal decree says that the king agreed to be married to me. The king agreed to let the daughter of Blair be the next queen.
That lazy and bored king has started the real game. This is gonna be exciting.
Wait for me, my dearest princess. Your soon to be momma is coming to save you in that hell and will shower you with love that you deserve.
BINABASA MO ANG
The Queen's Charm
RomanceIsabela Santos was a successful businesswoman and a doctor at a very young age of 23, a city governor for 5 years. Loved by her people for she did everything within her power to give her people a peaceful city to live in. But she died in a car acci...