Third Person POV
Hindi naman mapakali ang mga tauhan sa loob ng tahanan ng mga Blair. Buong mag-araw na kase na hindi kumakain ang nag-iisang anak ng mag-asawang kanilang pinagsisilbihan. At halos mag tatatlong araw na ganito ang kanilang young lady
"Young lady, buksan niyo na po ito. Kanina pa po kayo hindi kumakain, baka kayo'y makasakit niyan." pagsusumamo ni Anne sa kanyang alaga.
"Leave."
There was a coldness between those word and the only word that their young lady would always say whenever they will ask her to eat something. Servants knew why the young lady acted this way. Naiintindihan din kase nila ang kagustuhan nitong lumabas man lang sa manor.
The envy they would always see in the eyes of their lady everytime it see some kids running outside, how people smiled and enjoyed what's happening outside the manor wall. Lalong-lalo na ang nag-alaga sa kanya simula bata na si Anne, isang beses kasing nahuli niya ito at pinilit niya ito pabalikin upang hindi mapagalitan pero dahil may pagkamatigas ang ulo ang kanyang alaga ayon, ayaw paawat kaya kanya itong sinamahan. And in those time she can see how happy her young lady is, how she is so genuinely happy roaming in the busy street of the capital. Ngunit naiintindihan din nila ang pagiging strict ng mag-asawa sa nag-iisang anak nilang babae. They all witness how their duchess cry when that incident happened, how she prayed for her daughter's safety, how the Duke killed those assassin that almost took the life of his beloved daughter.
"What's happening here?"
Agad naman napalingon ang mga tagapagsilbi ng marinig ang isang malamig at maawtoridad na boses sa kanilang likuran. Only to be welcomed by their masters. The Duchess and Duke of Blair.
"We greet the Duke and Duchess of Blair" sabay na pagbati ng mga katulong.
"Magtatlong araw na po kaseng hindi binubuksan ng young lady ang kanyang pintuan, hindi niya po kami pinapapasok at higit sa lahat po ay ni minsan hindi niya ginagalaw ang pagkain dinadala ng mga katulong." paliwanag pa ng head maid na si Faith at ang isa rin sa nag alaga sa dalaga.
Agad namang lumapit ang mag-asawa sa pintuan ng kwarto ng kanilang anak.
"Amore, nandito kami ng iyong ama kaya buksan mo ang iyong pintuan, napag-alaman namin na hindi ka pa kumakain kaya buksan mo na ito nang ikaw ay makakain na." aniya ni Duchess Isabel, ina ng dalagang si Amore at makalipas ang ilang minuto wala silang nakuhang tugon dito.
"Amore, anak. Open the door, let's talk everything out, okay? Kung nagtatampo ka pa rin sa naging desisyon ng iyong ina ay atin itong pag-usapan, kaya sige na buksan mo na ito." pangungumbinsi na man ni Duke Alonzo.
Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay wala silang nakuhang tugon mula dito kaya naman ay umosbong ang inis ng dukesa.
"Amore, open the door this instant!"
"Isabel ano ba tinatakot mo yong bata"
"Yan, kaya minsan hindi na ako pinapakinggan ng anak mo kase palagi mong ginaganyan"
"Bakit Isabel? Gano'n ka rin naman sa anak natin ah, pareho lang tayo ng ginagawa."
"Ah so sumasagot ka na sa'kin ngayon?"
"Ha? Hindi ah, wala naman akong sinabi eh, di'ba?"
Nagpipigil naman ng tawa ang mga katulong sa naging bangayan ng mag-asawa, hindi na bago sa kanila ang nasaksihan sapangkat lantaran naman sa buong manor ang pagiging mabait at masunurin na asawa ng kanilang duke.
"He! Buksan mo na yang pinto, gibain mo kung nararapat"
Bumuntong hininga na lamang si Alonzo at ginawa ng inuutos ng asawa sapangkat alam niyang masamang galitin ang tinuguriang dragon na dukesa ng blair. Sapilitan nitong binuksan ang kwarto ng kanilang anak.
Nang bigla silang makarinig na isang kalabog sa loob nang kwarto. Agad na nagkatinginan ang mag-asawa, umusbong naman ang takot sa mga puso nila. Sinira ng Duke ang pinto ng hindi pa rin ito mabuksan. Dali-dali namang pumasok ang mag-asawa kasama ang mga tagapangalaga ng dalaga.
Bumungad sa kanila ang nagkalat na mga papel at iba pang kagamitan at kung titignan ay para bang napasukan ito ng magnanakaw. Nangkatinginan naman ang mag-asawa at mas lalong umosbong ang takot at kaba kaya walang pag-aatubling hinanap ang kanilang anak. Kasabay ang ilang katulong ay agad silang napasinghap sa nasaksihan.
"AMORE!"
Dali-dali naman tumakbo ang Duke sa pwesto ng anak na ngayon ay may bahid ng dugo sa tagiliran nito.
"Tumawag kayo ng doktor, magmadali!"
Agad namang tumakbo ang isang katulong upang tawagin ang family doctor ng pamilyang Blair. At para namang tinakasan ng dugo ang dukesa ng masaksikhan ang kalagayan ng anak. Bumalik sa kanya lahat ng nangyari noon, ang panahon kung saan muntikan na mawala sa kanila ang pinakamamahal na anak. The fear she felt before is the same feeling she have right now, her precious daughter's life was now in danger again.
Muntikan na mangmatumba ang dukesa at mabuti na lamang at nasalo siya agad ni Faith.
"Magpakatatag po kayo, your grace. Kailangan po kayo ng young lady ngayon" sabi pa nito.
Nang maihiga ng Duke si Amore sa kama nito ay siya ring pagdating ng manggagamot, kahit na hingal na hingal pa ito sa pagtakbo ay isinawalang bahala niya ito at inuna ang kaligtasan ng young lady of Blair.
BINABASA MO ANG
The Queen's Charm
RomanceIsabela Santos was a successful businesswoman and a doctor at a very young age of 23, a city governor for 5 years. Loved by her people for she did everything within her power to give her people a peaceful city to live in. But she died in a car acci...