24-Piniling manatili

2 0 0
                                    

Sinaktan ka nang matindi,
Iniwan pang walang pasabi,
Ang tindi, (Ika'y na dali)
Parang bingi,
Hindi nag-atubili,
At pili pang manatili,
Tila hindi na inisip ang sarili,

Mahal mo?
Pero ikaw 'tong ginag*go,
Lagi pang nagsusumamo,
Kahi't 'di na maganda ang natatamo,
At hindi makatao,
Ang kanyang maltrato,
Kahi't laging sawi ang puso,

Nanatili,
At siya pa rin ang pinili-pili,
Siyang sanhi nang sakit na 'di mawari,
Kahi't mali,
Pero lagi pa rin nagbabakasali,
Bumalik ang lahat sa dati,
Nagbabakasaling hindi ito ang huling sandali.

—1reallaoan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Munting TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon