"Laura dali tignan mo ito!" Tawag ni Lea sa akin habang sabik na ipinakita ang mga nakuha niyang shells sa dalampasigan.
Ngumisi agad ako at lumapit sa kanya habang bitbit ang paper bag na nilagyan ko rin sa mga shells at bato na napulot ko kanina.
"Ang ganda naman nyan..."
Namamanghang sabi ko habang siya naman ay ngumiti ng abot tenga.Inabot niya sa akin ang isang malaking pulang shell na hugis puso na medyo may biyak na rin sa kilid dahil siguro sa hampas ng naglalakihang alon sa dagat, ganun paman hindi parin nawala ang ganda nito dahil sa unique nitong kulay.
"Sayo na yan Lau..." Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya.
"Alam kong hilig mo ng mga ganyan, at isa pa hindi ako mahilig sa mga... Alam mo na" sabi niya sabay kibit balikat.
Hindi na ako nag-dalawang isip na kunin sa kanya ang shell na bigay niya at masayang ngumiti, dati pa lang nakahiligan ko ng mamulot ng shells dito sa dalampasigan ng Costa Fuego para gawing bohemian Jewelry at palamuti sa mga kurtina.
"May sabi-sabi raw na uuwi na silang Don Anton at Donya Mathilda mamaya... o baka bukas" Natigilan ako at humarap kay Lea. Ngumisi naman ito at hindi pinansin ang pagkabigla ko "at syempre kasama raw si Senyorito Sebastian... diba crush mo yon Laura?"
Biglang uminit ang pisngi ko at napayuko.
Humahagikhik na tumawa lang si Lea sabay akbay sa akin.
"Naalala pa kaya tayo ni senyorito?... Halos isang taon rin silang hindi naka-uwi dito sa Costa, naalala ko pa dati na parati ka lang nakatingin sa kanya sa malayo tuwing bibisita siya dito""Siguro hindi na...at tsaka crush lang naman ito simpleng pag-hanga dahil ang bait niya sa atin"
Pabirong tinulak lang ako ni Lea sabay pabirong umirap.
"Ang sabihin mo mabait at tsaka gwapo... At sa ganda mong iyan, sigurado akong naalala ka niya no, sa rami-rami ba naman ng mangliligaw mo, tanging si Senyorito Sebastian lang ang nakakuha ng interest mo... Kaya kung ako sayo, ako na ang gagawa ng first move, malay mo Laura ikaw pala ang hinihintay niyang mapangasawa"
Natigilan agad kami ng biglang may sumigaw mula sa itaas ng cliff habang kumakaway sa amin.
"Lea! Laura?!... Hinahanap na kayo ni Madam Isa"
malakas na sigaw ng aming kaibigang lalaki na si Lukas."Alam mo, Isa pa yang si Lukas... Matagal ka na rin niyang gusto, kaso ang torpe nga lang."
Pabulong niyang sabi sabay napaunang lakad."Anong pinagsasabi mo..." Natawa ako at agad nang hinila si Lea patakbo sa hagdanan paakyat sa itaas ng cliff kung saan nakatayo at naghihintay si Lukas.
"B-bakit raw..." Hinihingal kong tanong habang hawak-hawak ang kamay ni Lea na hininingal na rin.
"H-hindi ko alam..."
sabay iwas ng tingin niya sa akin at nanguna ng lumakad.Pagkarating namin sa likod ng mansion ng mga Del Fuego agad naming nakita si Madam Isa, na nagkasalubong ang kilay, bakas rin sa mukha niya ang pagka-irita.
"Saan kayo nangaling?" Naiiritang bungad niya sa aming dalawa ni Lea.
"Ngayon o bukas ang uwi nilang Don at Donya Mathilda kasama ng mga senyorito! Tumulong nga kayo kung hindi sisisantihin ko talaga kayo..." Galit na sigaw niya.
Napayuko naman ako at agad itinabi ang paper bag kong saan nakalagay ang mga shells ko na napulot, nilagay ko rin doon ang wallet ko kasi wala akong mapaglagyang bulsa."B-break p-pa kasi namin...ma'am" pangatwiran ni Lea, pero hindi na kami pinakingan ni Madam at nag-martsa na sa malapit na hardin at sumigaw ulit.
"Laura! Diligan mo ito, ikaw Lea doon ka sa harap ng mansion at ikaw naman Lukas sa mga kabayo ka, magsikilos na nga kayo at ako'y natataranta na"
BINABASA MO ANG
Waves Of Costa Fuego
RomanceLaura Isabelle Villacampo is known to her beauty in Costa Fuego, marami man ang nagsasabi na para siyang anak mayaman pero ang totoo n'yan ay mulat talaga siya sa hirap. Hindi niya kailanman nakilala ang kanyang ama at tanging ang ina niya lang ang...