Kabanata 12 : Questions

7 1 0
                                    

Na-istatwa ako sa harapan ni Donya Mathilda at halos walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Nagdugtong naman ang kilay niya habang tinitignan akong natataranta sa harapan niya.
Sumipsip muna siya ng tea bago nagsalita.

"I'm sorry, sa tanong ko I'm just worried about my son. He behaves unusual and I have a feeling na may ibang babae siyang..."
Hindi na natapos ang sana'y sasabihin ni Donya, ng biglang lumitaw si Madam Isa, sa likod niya.

"Nakahanda na po ang bathtub Ma'am..."
sabi niya at agad yumuko. Tumango at agad namang tumayo si Donya Mathilda.

"Thanks Isa..."

Tipid na ngumiti si Madam.
Tumalikod na siya sa amin pero bago pa siya makapasok sa loob ay muli siyang tumingin sa akin.

"If you know who she is, Laura. I hope you tell me soon...I already have plans for my son and I don't want a random girl to get in the way..."

May bahid na banta ang tono ng boses ni Donya Mathilda, kaya hindi agad ako nakakibo, buti na lang at pasimpleng hinawakan ni Madam Isa, ang braso ko para supportahan ako at magaang pinisil ito, kaya natauhan ako at agad napatango sa Donya na naghihintay ng reaksyon ko, tipid na ngumiti si Donya Mathilda sa akin, bago kami iniwan sa terrace, pero hindi makakatakas sa akin ang mga tingin niyang may halo ng galit at pagdududa.

Para akong nasusuka dahil sa kaba buti na lang at hinila ako ni Madam Isa, sa likuran ng Mansion.

"Sana'y makinig ka sa mga paalala ko sa'yo Laura, hindi mo alam ang totoong ugali ni Donya Mathilda, kaya umiwas kana hangang maaga pa,"

Umiling ako dahil alam kong hindi ko kaya, at hindi ko mapigilan na maiyak. Yinakap niya agad ako at magaang tinapik-tapik ang likod ko.

"P-paano po Madam, mahal ko po si Archival..."

"M-mahirap magmahal ng hindi natin ka-lebel Laura, mabuting bata si Senyorito Archival pero..."

"Oo alam ko pong mahirap lang ako Madam, pero hindi naman po siguro hadlang ang kahirapan sa pagmamahalan hindi ba?"
Pinilis ko ang mga luha ko at humarap sa kanya, hindi ko maintindihan ang emosyon na nakikita ko sa mukha ni Madam Isa, kinakaawaan niya ako pero dismayado siya sa mga sinasabi ko.

"Ang bata po pa talaga Laura, hindi mo pa alam ang realidad para sa ating mahihirap at para sa mga mayayaman. Hindi patas ang mundo, kaya kung ako sa'yo hija, gumising ka...alam kong mabuting bata si Archival pero..."
Biglang napatikom ang bibig ni Madam at humakbang palayo sa akin.

"P-pero ano po?"

Tanong ko at tipid lang siyang ngumisi.

"Dapat siya ang magsasabi nito sa'yo..."

Kinabahan ako sa tono ng boses ni madam na parang bang may tinatago siya sa akin na hindi niya masabi. Lumapit ako sa kanya at nagmakaawang sabihin sa akin kung anong dapat na malaman ko kay Archival pero tanging pag-iling lang niya ang sinasagot niya sa akin.

"Dito kana muna, kalmahin mo ang sarili mo baka makita ka pa ni Donya,"
Ani niya at tumalikod na sa akin pero hinila ko ang braso niya.

"Please po, Madam...sabihin niyo sa akin ang mga dapat kong malaman tungkol kay Archival..."

Nagbuntong-hininga lang si Madam Isa, at humarap sa akin.

"Si Archival lang makakasagot n'yan Laura. Kung totoong mahal ka niya...ipaglalaban ka n'ya."

Iniwan ako ni Madam Isa, sa patio nakatulalang nag-iisip sa anong ibig niyang sabihin.
Halos ilang oras akong nakatulala dito sa patio sa harap ng hardin, hindi ko alam kung anong dapat na gagawin ko. Wala ako sa sarili ko ngayon dahil sa kakaisip kung anong nililihim ni Archival sa akin.
Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

Waves Of Costa FuegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon