Pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko.
Ang lutang ng isip ko simula pa kanina pag-alis ko sa mansion.
Halos hindi ko na nga masagot ang mga katanungan ni Lukas dahil sa rami ng mga iniisip ko lalo na ang nangyari kanina.Binagsak ko lang ang sarili ko sa kama at nakatulalang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko.
Napahawak agad ako sa labi ko.
Hindi ko talaga malimutan ang lambot ng labi niya.
Lalo na ang mga inasta ko kanina, kinuha ko agad ang unan ko at ibinaon ko ang mukha ko dito at sumigaw ng walang boses dahil sa kahibangan na ginawa ko."Nakakahiya talaga, nababaliw na yata ako!"
Gusto ko na ba talaga siya? hindi naman kasi ganito ang feelings ko kay Sebastian, iba itong nararamdaman ko kay Archival. Mas mabigat kaysa sa kong anong pagtingin at pag-hanga ko kay sa kapatid niya.
I can't accept this. Pero the more I deny it, the more lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.So should I accept this feelings?
***
Isang linggo na ang lumipas simula ng huling kita namin ni Archival sa pool.
Tuwing nagtra-trabaho ako dito sa Mansion parati akong praning, at hindi makaperme sa isang lugar lang. Ayoko siyang makita, o kahit anino niya man lang. Ayaw ko rin maramdaman ang presensya niya sa paligid ko. Sa totoo n'yan ay napipilitan lang akong pumasok sa nagdaang araw at pati narin ngayon."Laura okay ka lang? Kanina ka pa tingin ng tingin sa likuran mo," natatawang tanong ni Lukas.
"H-ha? Ahh, eh... Okay lang naman,"
Napailing na ngumisi si Lukas habang sinusuklay niya ang buntot ni Makisig.
"Napapansin ko lang...this past few days parati kang nandito. Diba ayaw mong pumupunta dito dahil natatakot ka kay Arturo?..."
sabay turo niya sa kabayong nasa kalayuan ko.
Umismid ako sa kanya at tsaka umupo ng tuwid."Gusto ko na dito no...ang tahimik kasi tsaka para makita ko rin si Makisig, at for your information, tapos na naman ako sa mga ginagawa ko sa mansion, ikaw na lang hinihintay ko hmp..."
Palusot ko at natawa naman siya dahil alam niyang hindi totoo ang mga sinasabi ko.
Totoong natatakot talaga ako sa mga kabayo lalo na sa mga malalaki kagaya ni Arturo. Siya kasi ang pinaka-malaking kabayo dito sa kwadra, dati kasi pinilit ako ni Lukas na himasin ang malambot na buhok ni Arturo sa kanyang likod at ipasakay dito, pero bigla itong nagwala kaya simula noon ayoko ng pumunta dito, baka kasi ayaw ni Arturo sa akin."Laura? Gusto mong tumulong?"
biglaang tanong ni Lukas, kumunot naman ang noo ko.
"Sa ano?"
Ngumisi agad siya at kinuha ang balde sa tabi ko."Wala...lumabas ka na lang muna, papaliguan ko lang si Muningning at Arturo...pero if gusto mong tulungan ako...you can stay here"
sabi niya sabay kindat. Pabiro ko naman siyang sinapak sa braso niya.
"Wag na! Baka magwala na naman 'yang si Arturo kapag nakita ako...alam mo naman na ayaw niya sa akin..."
Sabi ko at nagkibit-balikat sabay natawa ng bigla kong napansin ang malagkit na tingin ni Lukas sa akin, namumungay rin ang mata niya habang tipid na ngumingiti."You know that I can always protect you..."
Mariin na sabi niya at iniwas agad ang pagtingin sa akin.
"But of course, baka awayin ka na naman ni Arturo kaya umupo ka na lang sa labas Laura, hintayin mo na lang ako."
tinalikuran na ako ni Lukas at lumapit na sa kulungan ni Arturo, kaya lumabas na lang ako sa barn at umupo sa bench na nasa 'di kalayuan.Dinama ko lang ang sariwang hangin at napatingin sa mga dahon ng Mahogany at Acacia.
Kinuha ko agad ang earphone ko at pumili ng music sa phone at tsaka sinandal ko ang ulo ko sa bench. Pinag-cross ko rin ang braso ko sa dibdib at pumikit.
Nakaka-relaxed dito, pero ang totoong rason ko kung bakit nandito ako sa kwadra ng mga kabayo, ay para umiwas. Gusto ko siyang iwasan, dahil hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.
It's been a week ng huling pagkikita namin at inaamin ko sa sarili ko na gusto ko na talaga siya, ngunit hindi lang ito simpleng pagkagusto lang.
I don't really understand why people fall in love with someone in such a short span of time.
BINABASA MO ANG
Waves Of Costa Fuego
RomanceLaura Isabelle Villacampo is known to her beauty in Costa Fuego, marami man ang nagsasabi na para siyang anak mayaman pero ang totoo n'yan ay mulat talaga siya sa hirap. Hindi niya kailanman nakilala ang kanyang ama at tanging ang ina niya lang ang...