Pagkatapos ng klase ko ay hindi ko na hinintay pa si Lukas at dumiretso na sa Mansion.
Habang nasa tricycle, nakatitig lang ako sa text ni Archival na kanina pang umaga ko na recieve.
Archival:
Good morning, baby. How's your sleep? I hope you're okay. Can't wait to see you later.Archival :
I'll wait you here.Hindi ako maka-reply ng maayos sa kanya dahil kinikilig ako parati kapag binabasa ko ang mga text niya.
But after what happened yesterday parang ang hirap kumalma. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya.
Its just me or normal lang talaga itong nararamdaman ko?Pagkarating ko sa harapan ng gate ng Mansion ay agad na ako nag-abot ng pamasahe sa driver ng tricycle.
Humugot pa ako ng malalim na hininga bago ako tumulak at pumasok sa gate at binati ang guard na nandoon.
Pagkapasok ko ay hindi ko pa rin nakikita si Madam Isa sa paligid. Siguro hindi pa rin sila naka-uwi ni Donya Mathilda galing sa kanilang business trip.
Kaya dumiretso na lang ako sa likod ng Mansion at nagbihis ng uniporme para makapag-simula na akong maglinis sa pool.Nakasalubong ko naman sa hallway ang kasama kong kasambahay na si Ella. Ngumiti lang siya sa akin at tumango lang ako.
"W-wala pala si Madam Isa, no?"
Nabigla ako sa usal niya kasi hindi naman palasalita itong si Ella, parati lang kasi siyang tahimik at may sariling mundo.
Humarap ako sa kanya.
"Oo, baka mamaya nandito na siya El..."
Sabi ko at lalagpasan na sana siya pero hindi pa ako nakalayo ay bigla siyang nagsalita."T-teka Laura tapos na ako sa pool, at nga pala pinapupunta ka ni Senyorito Archival sa itaas na terrace..."
Tumango na lang ako kay Ella at mabilis nang lumakad papunta sa itaas.
Kinalma ko pa ang puso ko na kanina pa nagwawala dahil sa excitement na makita siya.Pagkarating ko sa itaas na palapag ay agad kong nakita ang malapad na likod niya habang nakatingin siya sa harapan ng terrace kung saan makikita ang malawak na dagat ng Costa Fuego.
Kinakabahan na ako at huminga pa ulit ng malalim na hininga bago ko napagpasyahan na lapitan siya.
"M-magandang umaga Sir..."
Napalingon naman siya sa akin at agad nagtaas ang isa niyang kilay."Sir?"
He said in a low baritone voice and then he smirked.
"Come here, Babe..." He added.Hindi ko mapigilan na mapangiti habang lumalapit sa lalaking sobrang guwapo sa suot niyang long sleeve white polo at sobrang hot dahil sa pag unbutton niya sa dalawang botones niya sa upper, revealing his sinful chest.
Pinaupo niya ako sa kandungan niya habang nakatanaw kami sa harapan nang dagat. Mahangin ngayon kaya pinapalid ng banayad na hangin ang mataas na buhok ko na naka-ponytail.
Habang ang braso niya ay nakapulupot sa aking tyan at ang mukha niya ay nasa balikat ko.
Rinig na rinig ko ang kanyang paghinga at medyo nakikiliti ako, dahil sa lapit ng ilong niya sa tenga ko."I miss you..." He said out of nowhere habang binabaon niya ang mukha niya sa balikat ko. "Why you left me without waking me up? Ihahatid dapat kita..."
Oh god! Bakit ang lambing niya? Hindi pa talaga ako sanay sa mga sweet gestures niya.
"K-kasi ang himbing nang tulog mo... K-kaya umalis na lang ako."
Nauutal na sabi ko at mahina naman siyang natawa.
"Okay babe. But you should wake me up next time; even though I look so tired, I promise that everything is fine as long as it's you..."
BINABASA MO ANG
Waves Of Costa Fuego
RomansaLaura Isabelle Villacampo is known to her beauty in Costa Fuego, marami man ang nagsasabi na para siyang anak mayaman pero ang totoo n'yan ay mulat talaga siya sa hirap. Hindi niya kailanman nakilala ang kanyang ama at tanging ang ina niya lang ang...