Kabanata 7 : Picnic

5 2 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula noong nangyari sa akin sa tabing dagat, at hangang ngayon ay iniiwasan ko pa ring dumaan ulit doon. I still don't feel safe anymore when I'm walking alone, mabuti na lang at nandyan parati silang Lukas at Lea para sa akin. They kept on making me comfortable at sinasamahan sa lahat ng lakad ko sa campus o kahit sa labas, pero medyo naging madalang na lang kami nag-uusap ni Lea this past few days dahil sa busy niyang schedule.

Sunday ngayon kaya nakahiga lang ako sa loob ng kwarto, tapos na rin ako sa mga ginagawang paglilinis kanina.
I'm just now starring blankly at our ceiling. Gustong-gusto ko ng lumabas ng bahay upang mamulot ng shells sa dalampasigan at maligo sa dagat.
Pero natatakot pa talaga akong lumabas na ako lang mag-isa.
Napabangon ako ng pagkahihiga ng biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa desk. Napatitig pa ako ng ilang minuto sa pangalan ng tumatawag sa akin na si Archival.

"H-hello?"
bati ko at lumakad papunta sa harapan ng bintana, at umupo sa lumang upuan ko doon.

"Hi, it's been a while... Are you available now?" he said huskily.
Napangisi naman ako at pinaglaruan ang mga shell na nakasabit sa kurtina ko.
"Ahmm... Oo tapos na ang examination week ko, bakit?"

"That's great...can you open your window?"
nagulat ako sa tanong niya kaya binuksan ko agad ang bintana ko at hinawi ang kurtina.
"Look down..."
He chuckled at agad akong napanganga ng makita siya sa harap ng bahay namin.
Suot ng isang plain black T-shirt at light cream cargo pants.

"A-anong ginagawa mo dito??" Gulat kong tanong sa kanya.

"I want to go somewhere with you."
he smirked at binaba niya na ang call.
Nagmadali akong pumasok sa banyo at nagbihis ng isang simpleng white v-neck t-shirt na may printed na pusa sa harap at black jeans, linugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng konting liptint sa labi at tsaka nag-perfume, buti na lang talaga nakaligo na ako kanina.

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad ko siyang nakita na naka-upo sa may sala. Napatitig pa sa kanya si Mama bago binaling niya ang tingin sa akin. Kitang kita ko sa mukha ni Mama ang gulat at pagkabalisa ng pinapasok at pinaupo niya ang isang Archival Del Fuego, sa lumang sofa ng bahay namin.

Tumayo na agad si Archival pagkababa ko sa hagdanan at agad nagpaalam kay Mama, at dahil sa pagkabalisa ni Mama ay tumango lang siya sa harapan ni Archival.
Lumapit ako kay mama para humalik sa pisngi niya at magpaalam.

"Marami tayong pag-uusapan mamaya Laura..."
ani niya sa seryosong tono
Tumango naman ako at lumabas na ng bahay at sumunod kay Archival.

"Saan pala tayo pupunta?"
tanong ko habang nasa loob kami ng sasakyan niya.

"Malapit lang dito, kumain kana?"
Ani niya.

"Oo, kumain na ako ng lunch kanina."

tumango naman siya at nag-play ng music sa kanyang sasakyan. Nakinig lang ako at tumingin lang sa labas. It was already noon when we passed the road beside the cliff.  Here you can clearly see the vast sea of Costa Fuego that is glistening in the sunlight.
Ang saya ko ng makita ko ang tanawin habang nakikinig sa magandang tugtog.

"Pupunta muna tayo sa San Antonio, para bumili ng mga pagkain."
ani niya habang liniliko ang manibela.

"Pagkain? Saan ba talaga tayo pupunta?"
natatawa kong sabi. Tipid lang siyang ngumiti at binalik ang tingin sa kalsada.

"We're going to have a picnic..."
Deretso niyang ani at napanganga naman ako sa gulat.

Gaya nga ng sinabi niya ay huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang convenient store sa bayan. Nagsuot muna siya ng shades at sumbrero.
Humarap naman siya sa akin at tsaka may kinuha na paper bag sa bandang likod ko.

Waves Of Costa FuegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon